Chapter 1

6 0 0
                                    

"Lea! Malapit ka na ma-late! Gumising ka na!!!" Hays. Ayan nanaman si yaya Lily. Nasigaw nanaman mula sa baba.

"eto na po". Bumaba ako at pag baba ko ay nakita ko na naloko nanaman ako nya. Maaga pa pala. Sabi ko na nga ba eh.

"hah! Naloko ka nanaman. Oh, ayan. Corned beef. Niluto ko na yan dahil alam kong yan ang sasabihin mo". Umupo ako sa lamesa para makakain ng maayos. "nasan nga po pala si Step Mommy?" tanong ko sakanya. "ahhh. Ayun may pupuntahan daw sya sa work nya. Pero babalik din naman sya". Lagi nalang naalis si Step Mommy. Simula nung umalis si Dad dahil may seminar daw sya.

"yaya Lily, kilala nyo po ba yung totoong nanay ko?" bigla namang napatigil si yaya Lily sa pagwawalis. Simula bata kasi di ko pa nakita ang nanay ko. Parang si Step Mommy at Dad na ang nagpalaki sakin. At di ko rin natatanong ang tungkol kay nanay kaya siguro nagulat si yaya Lily.

"ah.... Eh....... Uhm, Lea, mala-late ka na! Bilis mabagal ka pa namang maligo". At ako naman ay umalis sa upuan ko at kumuha ng twalya. Bakit kaya ayaw nyang sabihen?

Pagkatapos kong magbihes ay lumabas na ako. Nag iwan daw si Step Mommy kay yaya ng pera pambaon ko. Tapos lumabas na ako.

Habang nag lalakad ako palabas ng gate ay nakasalubong ko si Step Mommy.

"Oh, ano? Nakuha mo ba yung pabaon ko?" tanong nya. Sanay na naman akong makitang mataray sya sakin eh. "opo Step Mommy". Tapos umalis na ako. Di kami masyadong close ni Step kasi daddy's girl ako eh.

Buti nalang talaga at ginising ako ni yaya Lily ng maaga. Kamuntikan nanaman akong malate. Maigi at malapit lang sa bahay namen ang school.

"Oh, Lea muntik ka nanamang malate!" hays. Ayan nanaman ang pang aasar sakin ni Katrina. Palaasar yang babaeng yan eh!

"oo nga noh. Pero hinde. Kasi nga, magaling ako eh!" then she rolled her eyes. Magaling magaling magaling.

"okay brats! Move out of the way!" nagsialisan naman ung mga girls na nasa pintuan ng classroom namen. Papasok lang naman kase ang richest and most famous na si Briana. Mataray din kasi sya eh. And, tita nya ang may ari ng campus. Meaning, takot silang lahat. Well, not me.

"so, Lea, ano? Patingin nga ng assignment mo!" pumunta sya sa harap ng desk ko. "pano kung ayoko?" then she rolled her eyes and moved away. Sabi na nga ba eh. Effective yun eh.

****

"Lea!! Halika na! Baka maunahan pa tayo sa siomai!!!!" higit-higit pa ako ni Katrina papunta sa canteen. Ang hyper talaga nya aba!

"okay! Okay! Bitawan mo muna ako!" pero wala eh. Di nya ako binitawan. Hays. Hayaan mo na nga. "alam mo namang favorite ko ang siomai ih! Kita mong naubusan tayo last time na di tayo nagmadale diba?!" nag agree nalang ako sakanya dahil alam kong ipagpipilitan nya lang ang sakanya.

Tapos ng klase ay balak ko sanang umuwe dahil nga magpapahinga ako. Grabe. Exam na namen next week. Dapat makapasa ako. Dahil 1pm lang naman ay kumain muna ako ng French fries. Sa campus kase namen, shifting. Ako, si Katrina at si Briana ay pang umaga.

Pagkatapos nun ay umuwi na ako. Parang ang weird ng bahay namen. Parang di ko naririnig ung TV namen. Kadalasan kase pag nauwi ako nakikita ko si yaya Lily nanonood ng TV eh. Naka-lock din pala ang pinto. Weird. Buti nalang ay may kopya ako ng suse namen.

"yaya Lily?! Dad?! Step Mommy?! May tao ba?!" pero parang wala. Bat ganun? Bat parang walang tao? Eh di naman naalis ng bahay si yaya Lily eh.

Suddenly, may babaeng naka-black ang nagpunta sa harapan ko. Tatakbo sana ako kaso may babaeng isa pa na hinablot ako. Yung parang inipit ako. Tapos may tinakip sya sa bibig ko. Tapos, parang may amoy na nakakahilo eh. Parang...... Parang.....

Nahihilo ako

~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Eagle AcademyWhere stories live. Discover now