~•~•~•~•~•~•~Nagising nalang ako sa isang kwarto. Kulay white ang kisame at may isang ilaw pero maliwanag ang room. Nasan ba ako?
"Aba, gising ka na pala!" sabi nung isang babaeng naka black na basta black na something. "yes. Gising na sya". Kinidnap ba nila ako?
"E....Excuse me po..... N....na...nasan po ba ako?" tanong ko. "You're in your home". Huh? Home? Eh wala naman kaming ganito sa bahay eh! "Oh. You're at Eagle Academy. Your real home". Sabi nung isang katabe nya.
Ano bang ibig sabihin nila? Home? Eagle Academy? Ano yun?
Bigla namang may pumasok na babae sa room. She looks like 26-30 years old. "Oh! Gising ka na pala Raven!" huh? Tinawag nya ba akong Raven? "pero ang pangalan ko po ay-" "ang name mo sa birth certificate dito ay Raven. So, ang name mo here is Raven. Forget your name in the outside world". So. Birth Certificate ko dito huh? Nasaan ba ako at bakit ako naandito?
"okay. I'll explain". Bigla naman dumating si-. Pero- A-, akala ko... "Dad?" "okay. I'll explain everything. Since ikaw ang anak ko, and isa ako sa Eagle Clan. And hindi pwedeng magka anak ang isang normal and ang isang Eagle. Meaning, ang unang nanay mo ay isa ring Eagle. And ang Step mo din. Ang Eagle ay isang clan na may superpowers. Even me. Even Step. At dito sa Academy, dito nadedevelop ang powers mo. So you can fight the vultures too. They are really evil and wants to take over the world. So we, Eagles, need to stop them. And Raven, your name here is Raven. Dahil dito, may sarili tayong mundo. And you have to accept it. You will discover your powers someday".
Meaning, never na Lea ang name ko? "Then Dad, never ba na Lea ang name ko?" I asked. "well, no. Nung one week bago manganak na ang nanay mo, dinala namin sya sa normal na bahay at nung manganganak na, dinala namin sya sa normal na hospital para magkaroon ka ng legal na Birth Certificate. Pero dito, your name is always Raven". Di ko gets. In the first place bakit di nalang Raven ang pinangalan nila saken sa Birth certificate ko outside this Academy? Maybe for my own good.
"pero bakit di pa ako nung bata kinuha?" "Because its-" bigla namang may bumagsak from the roof may usok-usok pa na nakapalibot sa bumagsak.
"Sorry. Late ba ako?" OMG! Pati sya?! Omy! "Yaya Lily?!" she smiled. "Yes. I'm also an Eagle and my powers is smashing anything with my bare hands!" tinaas nya pa yung kamay nya na walang kadugo-dugo. Amazing! "Sorry I lied to you". "Lily din po ba ang name nyo dito?" "Actually no. My name na Lily is my name nung nasa normal world pa ako nun. But my name here is Ivy". Oh. Pero kung ngayong naandito na ako, "meaning po ba tatawagin ko kayong-" "Ms. Ivy. Masanay ka nang hindi ako tinatawag na yaya Lily" oo nga naman. Mataas ang posisyon nya siguro dito tapos tatawagin ko syang yaya? Kapal ko naman pag ginawa ko yun.
"hays. Papaayos ko nalang kay Buttercup yung roof na sinira mo Ivy". Sabi nung isang babae. I'll tour you around". Sabi saken nung tumawag saken na Raven.
"Ms. Debby. Ang leader ng clan naten. Nice to meet you Raven". Leader pala sya nung clan. "So, your her daughter huh? Do you know who is your mother?" "uhm... Hindi po eh. Pero yung Step Mommy ko po alam ko". She smiled. "really? Nagka step Mother ka?" "Opo". She silently laughed and whispered to herself pero narinig ko paren, "Hays. Nagka asawa pa pala si Dave". Ah. Dave pala ang name ni Dad here. Kasi sa 'normal' world ang name nya ay Richard. "Nice to meet you. But, hindi mo ba naitatanong yung nanay mo sakanila?" "well, hindi pa po eh." she smiled. "your mother is a great person". Sabi nya.
Tumigil naman kami sa isang bahay. Oo. Bahay talaga sya. Nag door bell naman si Ms. Debby at may nag bukas na babae. "Ms. Debby!" nag bow lahat sila. Grabe respect nila dito. Parang kanina nanonood lang sila ng TV tapos lahat sila nag bow nung pumasok si Ms. Debby!
"This is your new friend. And houesmate. Be kind to her". Tapos umalis na sya.
"OMG!! New friend!!!" tumayo yung babaeng nagbukas nung pintuan kanina. Mukang energetic ang isang 'to. Naalala ko tuloy si Katrina. "Quinnzel". Inabot nya yung kamay nya. Syempre ako, inabot ko kasi nakakahiya naman. "R-Raven"
"Raven? Cool name! I wish I have that name" sabi nung babaeng may buhok sa kalahate ng muka nya. Lumapet sya saken. "Nathalie". Nakipag shake hands naman ako. "Yung isang babae nasa cantee-" nag-slam naman ung door tapos may lumitaw na babae. "New Frieeeeeend!!!!" pumasok agad sya. "Bea". Nakipag shake hands naman ako tapos sinabe ko ang name ko.
"Nasan si Cool boy?" tanong ni Quinnzel. "What?" lumabas naman ang isang lalakeng nag babasa ng booklet. "Hoy! May bago na tayong frieeeend!!!" Sabi ni Quinnzel.
"Rail". Nag shake hands naman ako. "oo. As in Riles ng tren in english. Rail. R-A-I-L. Nasan si Carly?" tapos pumunta na sya sa kwarto nya hawak parin ung booklet.
"oh hi girls!" biglang pumasok si Carly-wait.....
"J-Jessica?" napa smile naman sya. I can't believe na ang dating nerd ay magiging ganto. Ang cool na ng look nya! "Hi Lea!" napatulala naman ako. Grabe. Ngayon masasabi ko na don't judge a nerd by it's glasses. Pero suot nya pa naman ung salamen nya. Pero ang iba talaga ng itsura nya.
"oh, Carly". Inabot nya naman ung kamay nya. "R-Raven". Grabe. Natulala talaga ako. Parang nasa saheg na yung bibig ko.
"Okay. Let's get to know this girl". Sabi ni Bea. Uupo na sana kame sa malapet sa center table kaso,
"calling all Eagle Academy Trainees in this house. Please come to the weapon lab immediately". Tumunog bigla ung speaker sa loob ng bahay kaya lumabas na sila. "anong meron?" tanong ko. "you will pick a weapon". Sabi ni Nathalie. "I'm sooooo excited!!!" sabi ni Quinnzel.
Naglakad kami at napatigil sa isang malaking building. Siguro eto yung weapon lab. Binuksan ni Rail yung pinto at na-amaze naman ako dahil ang daming weapons.
Lumapit pa kami sa may table na parang may experimental something basta may mga lab tools dun.
"Whoooh!" napasigaw naman si Bea. May isa kasing babae na lumitaw sa may lamesa. Siguro nakayuko say kanina kaya di namin sya nakita. "sorry nagulat ko kayo". Parang pang-lalake yung haircut nya tapos nakasalamin sya. Ang cool ng look nya. "oh! Naandito na pala si Raven". She knows me? "the name's Buttercup". Ahh. Parang narinig ko na yan..... Think Raven think...... AHA!
"hays. Papaayos ko nalang kay Buttercup yung roof na sinira mo Ivy"
Ahhh. "I'm the head in creating weapons. In fact, I'm the only one making weapons. And today, you will try my new weapons".
Grabe. Ganun ba sya kagaling kaya sya lang mag isa ang nagawa ng weapons?
Siguro matagal pa ako makaka-adjust dito.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
YOU ARE READING
Eagle Academy
Novela JuvenilRelease your power and protect the clan. that's the Eagle Clan's Objective. •~•~•~•~•~•~•~•~•