•~•~•~•~•~•~•~•~•~•Naglakad naman kame nina Bea papunta sa weapon lab. Si Carly daw tska sila Nathalie ay nauna na.
"wala naman talaga kayong pasok ngayon kaso urgent lang talaga kasi toh eh". Nakangiti naman si Ms. Buttercup habang sinasabi nya yun. Anong weapon?
Binuksan naman ni Ms. Buttercup yung pintuan ng weapon lab.
"there you are!" sigaw ni Quinnzel. Nagpunta naman si Ms. Buttercup sa may red na curtain pero bago yun ay parang nagpa-fingerprint sya sa isang machine tapos nagbukas na yung curtain. Nakakita naman ako ng mga bakal na sticks.
"this is S35Of A. K. A the poison stick". Kinuha nya yung stick tapos nilapit nya samen. "once na pinindot nyo yung sa side ng stick na pabilog, it will let the poison out and kapag napadampi ito sa skin, this baby will kill it in just 5 seconds". Sabi ni Ms. Buttercup.
"pero di po ba delikado yan kapag accidentally na nahawakan nyo yung tip ng stick?" tanong ni Bea. "no". Sagot ni Rail. "yes Rail. Dahil may palatandaan tayo kung saan yung tip at kung saan yung spot ng paga-access ng poison". Tapos inikot nya sa kabilang side yung weapon tapos may bilog sa side. "yan ay ang fingerprint detector. Ipo-program ko ang mga fingerprints nyo dyan sa weapon para kayo lang ang makakagamet. And kapag nadetect nya na ang fingerprint nyo, yan lang ang cue nila na maglabas ng poison. Thus, yan ang nagpapalabas ng poison. Once na napindot nyo na yan and it detected your fingerprint, makakapatay na yan ng taong nadampian nyan". Pag eexplain ni Ms. Buttercup.
"ooh. Interesting". Sabi ni Quinnzel na nanlalaki ang mga mata. "okay kidos! Time to program your fingerprints. Make sure na di kayo humawak ng kung ano-ano. Kung yes, please pakipunasan ang inyong mga kamay para mabasa ng computer". Nagsipunasan naman kami nila Nathalie ng kamay sa panyo namen.
Pinahanay naman kami ni Ms. Buttercup tapos isa-isa naming nilagay yung thumb namen sa isang machine tapos lumabas yung name namen then pinasok sa loob yung weapon tapos may tinype si Ms. Buttercup na parang code tapos lumabas na ung weapon. Binigay naman ni Ms. Buttercup samen ung weapon tapos tinago na namen.
"wow! Ang cool ni Ms. Buttercup!" sabi ni Bea na pinagmamasdan yung weapon. "syempre! Tita ko yan eh!" sabi naman ni Nathalie.
Nakauwi na kami sa bahay. Ako, nagbasa nalang ako ng booklet kasi kinuha na ni Bea yung book. Nabasa ko na kasi lahat ng nasa book na yun eh. Manipis lang naman kasi.
Naalala ko naman yung nasa likod ng picture. Siguro kay Mrs. Barbara yun binigay.
Kinatok ko naman si Bea para magpatulong gawa nga nung sulat. "Bea?" kinakatok ko na yung pintuan ng kwarto nya. After ng ilang tawag ay nagbukas na yung pintuan.
"Bakit?" tanong nya. "kasi, can you take me to Mrs. Barbara?" I asked. Siguro naman alam nya kung kanino galing yun. "sure". Tapos nag suot sya ng doll shoes. "bakit mag do-doll shoes ka pa eh ime-meet lang naman naten yung mama mo?" I asked her. She sighed and said, "you have to look presentable in front of her". Oh, okay.
Naglakad na kami papunta sa may council tapos sa may keys. Binuksan ni Bea yung pintuan tapos nakita namin si Mrs. Barbara.
"Bea, what brings you here?" she asked. "my friend needs a help mom" tapos tumayo na si Mrs. Barbara from her chair tapos nagpunta sa may couch ng office. "okay, go on, I'm listening".
Kinuha ko yung booklet tapos pinatkita ko sakanya yung picture sa loob. "heto po. Nakita ko po na nakasingit sa iaang page ng booklet". She grabbed the photo and said, "this is our class picture. It was shot one month before the tragedy. May 27 2000. Kabwanan nya yan ng panganganak pero di parin halata" tapos pinagmasdan nya yung photo.
"may nakasulat po sa likod at pangalan nyo po ang nakalagay". Binaliktad naman ni Mrs. Barbara yung photo tapos nakita nya yung sulat. "oh, this? Hays. This is from my friend. Sinulat nya yan one week after the photo shoot. This copy is mine. Tapos sinulatan nya yan para pag nakuha ko na yung photo ay makita ko. Aalis kasi sya and Dave to help Nicole for the materials of the weapon and bago sila umalis ay naanounce na yung war kaya di nya masyadong nasabi saken. Then nung nakuha ko na yung photo, nakita ko sa likod yung sulat. Tapos nung namatay sya binigay ko sa asawa nya yung bata kagaya nung sinabi nya. Siguro naisingit ko 'to sa booklet nung bago ibigay yan. Kasi ako ang nagmu-multiply ng mga giveaways eh. Baka nung tinititigan ko yung photo ay naisingit ko then I forgot". Explained by Mrs. Barbara. "sino po yung nagsulat?" tanong ko. "ahh. Si-" "Mrs. Barbara, it's time to multiply the giveaways". Pumasok naman ung isang babaeng naka-formal attire "okay Toodles, I'll be there". Tapos umalis na sya sa couch at lumabas na sya sa office nya. Kami din ni Bea ay umalis na.
"pupunta lang ako sa canteen ha? Babalikan kita intayin mo ako." sabi ni Bea. Nagnod nalang ako tapos umalis na sya.
Naglakadlakad naman ako hanggang sa marinig ko si Nathalie na may kausap. Di ko makita kung sino pero rinig ko pinaguusapan nila. "yes. I know Raven". Sabi ni Nathalie. Papakinggan ko sana yung susunod na sasabihin nung babae kaso narinig ko na tinatawag na pala ako ni Bea. Umayos naman ako ng tayo na parang di ko naririnig yung pinag uusapan nila. "okay na nakabili na ako ng food". Tapos naglakad na kami pauwi.
Nagpasok na ako sa kwarto ko at nag isip-isip. So kung June 6 ang war, tapos May 27 ang date na kinunan yan, June 3 ang date na sinulat nya yan. Tapos wala sya ng three days. Then siguro nung paguwi nya ay nagaganap na ang war. Tapos ung anak nya ay nakay Mrs. Barbara paden. Tapos nung namatay sya, binigay na sa asawa nya yung baby. Hayyys. Bakit ba ako nacu-curious dun? Ni di ko nga kilala yung nagsulat tska yung anak nya eh.
Lumabas naman ako ng kwarto para maghanda na ng merienda. Nagluto ako ng pancake. Kami kami lang ni Bea tska ni Rail ang naandito. Ewan ko kung nasaan si Quinnzel. Bigla-bigla syang nawawala tapos si Carly nasa nanay nya daw. May sakit kase kaya sya ang nagbabantay sa hospital ng Academy.
"okay! Ready na ang merienda!!" sigaw ko tapos nagsipuntahan naman silang dalawa. "hoy Bea. Tirahan mo sila Quinnzel". Sabi ni Rail. "okay". Tapos nagtabi sya ng dalawang pancake.
"hi galpals!!" pumasok si Quinnzel tapos may-woah!! "B-bakit ka nakaganyan?!" tanong ni Bea. "anong pake mo?! Mura lang naman 'to eh! 50 eagle money lang from the academy department store!!" dito kase may sariling pera. Ang isang eagle money ay equivalent to piso. Yung mga bago dito like me ay may one year support from the bank. Every month ay meron kang 1,000 eagle money. Ako, nag iipon ako para kapag tapos na yung support ay meron akong pera.
"maganda naman ah!!" sigaw ni Quinnzel. Naka-Harley Quinn kase syang T-shirt. "nabili ko lang. Ang ganda kase eh". Tapos umupo na sya sa tabi ni Bea.
Pumasok naman si Nathalie tapos umupo sa tabi ni Rail. Naalala ko naman yung usapan nila nung isang tao.
"yes. I know Raven"
Bakit kaya nasabi yun ni Nathalie. Yung tono naman ng boses nya ay hindi yung tono kapag nagtatanong na 'kilala mo ba si Raven?'. Hindi eh. Parang seryoso ang boses nya unlike na yung normal na boses nya. Yung boses nya kapag nasa serious mode kame.
Ano kaya yung pinag-uusapan nila?
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

YOU ARE READING
Eagle Academy
Teen FictionRelease your power and protect the clan. that's the Eagle Clan's Objective. •~•~•~•~•~•~•~•~•