Chapter 14

23 2 0
                                    

Concerned

Nadine's POV

Yung mga nakaraan na araw, napakasaya nung tatlo! Yung tipong sobra na sila sa kilig! Tas meron pa nga eh! Si Athena at si Austin, nag chchat! Oo, galit "daw" si Athena kay Austin pero.. Ayun, sinagot nya padin yung chat! Ang gulo nya diba?!

Anyways... Humiga muna ako dito sa kama ko, kapagod kasi mag gym eh!

Nag scroll ako ng fb feed ko! Ugh. It's so boring! Kahit na may mga interesting dito sa fb ayaw ko na kasi medyo nakakasawa. Paulit ulit kasi. Pero biglang may nag pop out sa screen ko na message.

Di ko muna sineen dahil baka di ko to kilala pero... Nung nakita ko ng maayos yung profile pic nya... Familiar. Kaya pinindot ko na yung message nya... His name is...

Nate Valderama

Nate?! Si Nate?! Yung classmate ko dati nung college?! Yung crush ni Athena noon?! Yung heartthrob?! Yung matalino?! Seryoso ba to?!

Nate:
Hi!

Hala! Ano? Sasagutin ko ba to? Well, mabait naman to eh.. Kaya... Okay

Me:
Hello!

Nang maka sagot nag scroll ulit ako ng fb... Para di ko agad ma-seen yung message... Pero nag message agad sya...

Nate:
Kamusta ka naman?

Woah. Nagawa nya pang mag tanong ah? Pero.. Bakit nya kaya ako chinat? Bored ba to?

Me:
Okay lang naman ako. Bakit mo natanong?

Yes. Diniretso ko na sya. I'm really curious!

Nate:
Miss na kasi kita eh... ❤

Aypsh. Naalala ko na di lang pala to mabait... Malandots din! Aish. Kaloka to ah?

Me:
Ewan ko sayo!

Letche tong lalaking to! Ako ata pag t-tripan neto eh

Nate:
Uy joke lang! To naman di mabiro! AHAHA 😂

Ay ganun? AHAHA sorry di ko alam eh. Masyado ko naman atang sineryoso...

Chinat ko ulit sya nang tawagin ako ni Athena...

"Oy Naadz! Kain naa! Di ka pa nag aalmusal diba?"

Ay! Oo nga pala! Di pa pala ako nag aalmusal! Di pa naman ako gutom eh, kaya okay lang

"Sige, mamaya nalang!" Sabi ko

Chinat ko ulit sya! Ansaya pala nito ka chat! Puro kalokohan! Natatawa nalang ako bigla sa mga chat nya..

"Oy! Hindi pinag iintay ang pagkain!" Sigaw sakin ni Tiffany...

Di ko muna pinansin si Tiffany dahil nag t-type pa ako...

Pero bigla nya namang hinablot ng phone ko sakin...

"Aypsh! Tiffany! Akin na nga yan!" Sigaw ko....

Dahil mas matangkad sya saken, tinaas nya ang phone ko.. Kaya hindi ko ito naabot. Aish.

"TIFFANY!!! AKIN NAAA!" sigaw ko...

Tinaas nya naman ito lalo kaya lalo ko ding hindi naabot! At sa taas nyang yun, tiningnan nya na yung phone ko... Aish! Paki alamera talaga!

"NATE VALDERAMA?!" sigaw nya...

Agad namang pumunta si Athena saamin at si Julie naman ay napaupo dahil naka higa sya...

"Anong meron kay Nate?!" Tanong ni Athena

The Bitter GalsWhere stories live. Discover now