Chapter 23

33 2 1
                                    

Galit


Nadine's POV

I'm really so happy for Athena and Austin! Siguro nga, they're really meant to be. Pinaghiwalay man sila noon, pinagtagpo naman ulit ngayon.

*ting*

Pagkatingin ko sa phone ko, it's another message.... from, ofcourse...Nate! Magkasundo naman kami ni Nate, kaso nakakainis sya. Alam mo yun? Yung nakakatawa sya pero sa sobrang nakakatawa sya, kinukulit ka nya, at kapag kinukulit ka nya, naiinis ka! Every minute nagsesend sya ng message sakin! Wala syang tigil! Kaya minsan di ko nalang sya pinapansin eh, at pag di ko naman sya pinansin, automatic na tatawag sya. Ugh! Nakakainis noh?

"Uy Nadine! Ayos mukha oy!" sabi ni Julie.

Tinarayan ko nalang sya. "Pano aayos mukha ko kung eto parati ka-text ko?!"

"Baliw ka  kasi eh! Bat mo kasi in-entertain?" sagot ni Julie.

"Eh bored kasi ako nung time na yun!" paliwanag ko.

Sya naman yung nagtaray sakin. "Wag mo kasing gawin pampalipas oras lang! Tamo! Ayan tuloy! Di ka na tinigilan!"

"Bat kasi di mo nalang sabihin na pwede ba? tigilan mo na ko! diba?!" sabat ni Tiffany.

Sarap tuktukan nito ni Tiffany eh noh?!

"Gaga! Ayoko naman maging rude sakanya noh!" sagot ko

"Tss... eh naiinis ka nga sakanya eh!" sabi pa ni Tiffany

"Mabait naman sya eh!" sagot ko

"Mabait? Pano naging mabait yun? Eh diba player yun at fboi?" sabi pa ni Julie

"Nagbago na nga daw sya!" sagot ko

"Oo, nagbago..... nagbago ng jowa!" sagot ni Julie

"Tama yan Juls! Sige depensahan mo pa Nadine!" sabat ni Tiffany!

Pwede bang itapon sa north korea tong mga to? Tsaka, bat ba ang init ng dugo nila kay Nate?! Eh wala namang ginagawa sakanila! Di naman sila yung kinukulit! Aish! Mygoodness!

"Ano ba kayong tatlo?! Ang iingay nyo! Nanonood ako oh! Tsaka diba dapat good vibes lang? Dapat masaya lang tayo!" sabat ni Athena

"Palibhasa, may nagpapasaya kasi sayo noh?" sabi ni Julie.

"Oh bakit sayo wala?" sabi ni Athena

"Ewan. Siguro wala.." sagot ni Julie.

Oh talaga lang Julie ah?

"Eh anong tawag mo saming mga kaibigan mo?" sabi ni Tiffany...

"Na parating dumadamay sayo... sa kalungkutan man o kasayahan?" sabat ko

"Ha?" sabi ni Julie sabay kumunot noo nya.

"Pagong amp!" sabi ni Tiffany!

"Haaaaish! Tidnan nyo!!! Nawala tuloy yung pinapanood ko!!" sabi ni Athena.

"Kasalanan namin?!" sabi ni Tiffany....

Natigilan kami ng biglang may nag ring na phone.

Pagkatingin ko sa kamay ko, phone ko pala yung nag ring....

"Shhh shhh!" sabi ko

"Hello?"

"feeling ko si Clark yan!" asar ni Tiffany... agad naman akong lumingon sakanya "shhh!"

"Hello? Nolan?"

"ate!! chappy ka ate!" 

"Hello wh--" sabay naputol yung tawag.

The Bitter GalsWhere stories live. Discover now