Chapter 37

19 2 0
                                    

Sa Ayaw At Sa Gusto


Clark's POV

Damn it! Why does my dad wants this? Does he know that this sucks? Sabi nang ayoko ng fixed marriage eh! Lalo na dun sa Kim na yun! She makes my life miserable! I hate her! 

I'm trying to force dad to cancel the wedding, pero ayaw nya! Nakakainis! Doesn't he know the meaning of true love? If he doesn't then he's stupid! Mom understands that I don't like Kim or the wedding! She's even forcing dad to cancel but then.. dad doesn't listen! Asawa nya na mismo yung nagsasabi sakanya pero ayaw nya padin! Mas mahal nya ata ang pera kesa sa anak at asawa nya! Damn him!


Paalis na ko dito sa bahay dahil nga gagawin namin yung plan na sinasabi ni Athena. Today, Nadine and that Nate will have a date. So ang balak nila is to stop them. I like it actually! Because it's their first date, and... I'm gonna ruin it!

"Bro, asan ka na? The girls are already there!"

It's Derrick on the phone.

"Papunta na! Nasan kayo guys?"

"Malamang nasa venue na pina-set mo!"

"Great! Sige na. See you.."

I ended the call then dumiretso na ko sa car. Pinaandar ko na to patungo sa mall kung nasan sila.

Pag nakapunta ako dun at hawak hawak sya ni Nate, I swear I'll break his neck! I don't want anyone touching her! I swear, mapapatay ko sila.

But I've been thinking about Nadine. Magiging masaya kaya sya sa gagawin namin? Pano kung magalit sya lalo sakin?
Haaay Clark! Don't think about negativity! You'll make her love you again, right?


Nang maka rating ako dun, agad naman akong pumunta kina Athena.

"Clark! You're just in time!" umpisa ni Athena

"Hey.." saad ko

"So ayun sila.." turo ni Julie. "Si Tiffany na ang bahala kay Nate. She'll distract him. Habang ikaw naman ay kay Nadine. Okay?" -Julie

"Yeah.." just like the plan. Di kami kita dito dahil medyo tago kami.

"Where's Tiffany?" tanong ko

"Somewhere out there!" sagot ni Athena.

What? Pano nya ididistract si Nate kung wala sya dito? I'm confused!

May katext si Julie sa phone nya tas pagkalapag nya nito. Agad namang tumayo si Nate sa upuan nya. Woah. Ayun na yun?

"What? Uupo ka lang ba dyan ha?" sabi ni Athena. "Make your move already!"

Agad naman akong tumayo at pinuntahan si Nadine na nag iisa... She was wearing a floral dress that makes her look sexy...

Bigla akong umupo sa harap nya na upuan. Nakita ko na gulat sya sa pagkaupo ko.

"C-Clark?"

"Hey.."

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong nya.

"Ano sa tingin mo?"

Napalitan ng seryosong mukha ang gulat nyang mukha

"Umalis ka na dito! May ka-date ako. Wag mo naman sanang guluhin!" sabi nya

Oh yes! You really have a date today!

Tumango ako sakanya. "I know! Wala akong balak guluhin yung date na 'yon! Kaya tara.." saad ko. Tumayo ako at inoffer ko ang kamay ko sakanya.

The Bitter GalsWhere stories live. Discover now