Chapter 9

35 3 2
                                    

Napagdaanan

Athena's POV

Nasa kwarto lang muna kami ng mga babae. Nagpapahinga. Kasi naman, kahapon kung makapag aya yung mga to parang inikot na ang buong beach! Kasi kahapon, andami naming activities na ginawa! As in! Lahat ata ng inoffer saamin nung mga tao dun sa labas, ni isa wala silang tinanggihan eh! Kaya eto sila ngayon, nakahiga..

"Huhu ansaket pa din ng paa ko!" Reklamo ni Tiffany.

Ayan kasi. Halos sya ang nag aya na lahat dapat sasali sa activities eh.

"Sino kasing may sabi na ikutin mo ang buong beach at tanggapin lahat ng offers?!" Sarkastiko kong tanong.

Agad namang nag pout si Tiffany sa sinabi ko...

"ARAAAAY!" sigaw ni Julie pagkagising nya.

Eh pano ba naman kasi, nag try syang maglasing kagabi! Sya lang mag isa ah? She wanna try something new daw! Na buang na ang gaga!

"Letche ang sakit ng ulo ko!" Sabi nya.

Tinarayan ko nalang sya sa sinabi nya. Jusko! Wag nga ako Julie! Buang kasi! Tss...

Si Nadine naman, hinihilot hilot ang legs nya.

"Jusko yung legs ko! Ansakit! Yung parang naninigas na ewan!" Sabi nya...

Lahat nalang may masakit sakanila. Eh pano pa kaya ako na wala masyadong hilig sa activities? Para ngang sumabog ang ulo ko eh!

"Oo nga pala, guys, mag ayos ayos kayo ah? Pinapunta ko dito si Liza, may paguusapan lang kami! Kaya kung ayaw nyong mapahiya sakanya, kumilos na kayo! Now na!" Utos ko.

"Opo nay!" Sagot ni Julie.

Nag ayos na naman sila ng mga sarili nila. Si Nadine ang unang naligo dahil yung dalawa nag social media pa. Kaloka to letche!

Nang makalabas si Nadine, sumunod naman si Julie, dahil medyo amoy alak sya. Sumunod naman ako tas nahuli si Tiffany.

Nagbihis na ako, naka simple tshirt lang ako at maong shorts. Ang alam ko kasi, mamayang hapon, mag gagala daw ulit ting mga babaeng to. Malaki kasi tog beach, actually, di pa nila masyadong naikot dahil ayun nga, pagod na sila, kaya ngayon nalamg daw nila itutuloy.

Napansin ko ang damit ni Julie, at naka tube dress ang gaga. I wonder why? Pero, hayaan mo na yun. Gusto nya eh. Si Nadine naman, naka cropped top na sando na stripes then maong shorts, si Tiffany naman, naka tshirt din. Wala kasing hilig to sa mga ganun parang suot nung dalawa.

*kriiing*

Agad ko namang sinagot ang cellphone ko, and it's Liza.

"Hello?"

"Hello po miss Athena! Andito na po ako, paakyat na!"

"Oh sige, katok ka nalang ah? Alam mo ba yung room number?"

"Opo alam ko na po!"

"Sige sige!"

CALL ENDED

"Si Liza ba yun?" Tanong ni Julie.

Tumango naman ako.

"Oo sya yun!" Sagot ko.

"I kinda like her. Oy, di ako lesbi ah? Pero, I like her as a friend. Like, gusto ko syang maging close" sabi ni Julie.

Yah, ganun din ang thought ko kay Liza. I think kaugali lang din namin sya. Nauunahan nga lang ng hiya dahil siguro, ganun sya sa umpisa.

The Bitter GalsWhere stories live. Discover now