The Murder at the Coffee Shop
KENNEDY FORD MONTIFAR'S POV
Naglalakad ako patungo sa isang coffee shop kung saan ako pinapunta ni Inspector George. Kakalabas ko lang ng klase at nang tawagan ako ni Inspector ay dumiretso agad ako patungo doon. Hindi ito kalayuan sa aming eskwelahan kaya mas pinili kong lakarin ito. Nang makita ko ang harap ng shop ay may police car na doon at mga iilang pulis na nagbabantay sa labas. Dire-diretso akong pumasok sa loob at agad akong binati ni Detective Harry sa may pinto.
"Detective Harry."
Iginala ko ang mga mata ko at nakitang may mga ibang tao rin ang nasa loob ng coffee shop, siguro ay mga witness at ang iba ay suspects.
"Kennedy! Mabuti dumating ka na, hinihintay ka ni Inspector George."
Dumiretso ako sa kung nasaan si Inspector na kausap ang ibang forensics at sa katabi nila ay ang nakahandusay na katawan ng lalaki na mukhang nasa 40s, wala na itong buhay.
Sanay na akong makakita ng mga ganitong eksena. Malimit akong pumupunta sa mga crime scenes tuwing tinatawagan ako ni Inspector. Nasa Senior High na ako and I consider myself a detective already. Solving crimes and mysteries is my life. Though there is one mystery that I still can not solve.
"Oh Kennedy, nandito ka na pala." bati ni Inspector.
"Good to see you, Inspector. Can you tell me the details?"
Tinawag ni Inspector si Detective Harry.
"The victim is Albert Catisag, 45 years of age at namatay dahil sa food poisoning. The time of death was 2 pm. Kausap niya ang kanyang kaibigan na si Angelo Limbo, which is the owner of this coffee shop. Masaya silang magkakwentuhan nang biglang hinawakan ni Mr. Catisag ang kanyang leeg at mukhang nabilaukan. Pagkatapos nang ilang segundo ay nag collapse ito at nang i-check ang kanyang pulso ay wala na itong buhay."
"The suspects are Mr. Angelo Limbo, Kate Romulo, and Alexandra Luna."
"Wait a minute, detective!"
Napatingin kami sa isang babae na mukhang iritado.
"Bakit ako napasama bilang isa sa mga suspects? I was just eating quietly here earlier-"
"According to Mr. Limbo, Ms. Luna you have a connection to the victim. Magkakabatch kayo noong highschool at katabi mo ang table nila kanina-"
"Pero hindi ibig sabihin noon ako ang pumatay sa kanya!" sigaw ng babae.
"We're asking you to cooperate para mas mapadali ang pag-iimbestiga. If you are truly not guilty, then please cooperate with us." pakiusap ni Inspector.
"The hell I'll cooperate!" tumingin siya ng masama sa akin. "You expect me to cooperate pero parang nakadepende kayo sa isang highschooler na ito! Do you think that this is some kind of joke?"
BINABASA MO ANG
THE ADVENTURES OF KIA AND KEN: The Mystery of the Candles (Book 1)
Mystery / ThrillerKennedy Ford Montifar is in his eleventh grade. He's been living alone for three years, his mom is living abroad working. He's also a well-known highschool detective, he sometimes helps the police in investigating murders and accepts clients in his...