Chapter 3

16 0 0
                                    

THE CRIME AT THE APARTMENT PART 1


I felt something... 


Yung pagkahawak na pagkahawak niya sa kamay ko, it felt nostalgic. Nakatingin lang ako sa kanyang mahabang medyo kulot na buhok sa likod, hawak-hawak ang kamay ko.


Parang nangyari na 'to dati.. 


Agad 'kong hinigit ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak. Humarap siya sa akin at kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.


"Sino may sabing isasama kita?"


Nakatingin lang siya sa akin. Kita ko ang pagkabigla sa kanyang ekspresyon.


"Sabihin mo sa akin, sino ka ba talaga? Bakit ka ba dikit nang dikit sa akin? Hindi mo pa ako nakakasama nang matagal and yet parang ang laki laki na ng tiwala mo sa akin. Lagi mo akong sinusundan. Masasabi mo ba na mabuti akong tao kahit hindi mo pa ako nakakasama ng matagal?" 


Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, pero ngumiti siya ng pilit sa akin.


"I just know.."


"Ikaw? Paano ko masasabing mabuti kang tao, isang araw palang tayo magkakilala!"


May tinatago siya, at nararamdaman ko iyon. Huminga siya ng malalim, tila pinipigilan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.


"Let's.. let's have a bet.."


Mahinahon niyang sabi. 


"If.." kinagat niya ang kanyang ibabang labi. "If matulungan kita sa case mong ito, tatanggapin mo ba ako, kahit assistant mo lang?" 


Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ako makagalaw. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot. 


Those eyes...


This girl.. have we really met before?


Nabalik ako sa huwisyo nang biglang mag ring ulit ang aking cellphone. Kinuha ko iyon mula sa aking bulsa at tiningnan na tumatawag na ulit si Inspector. Hindi ko iyon sinagot at nilagay ulit sa aking bulsa.


"Let's go.."


Nilagpasan ko siya at binilisan ang aking paglalakad. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. 


Hindi ko alam, but I felt like I can trust her...


--

"Ah! Montifar!"


Nadito kami sa isang apartment kung saan nangyari ang krimen. Tumango ako kay Detective Harry at nakita kong dumapo ang tingin niya sa babaeng kasama ko.

THE ADVENTURES OF KIA AND KEN: The Mystery of the Candles (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon