SHOWER MYSTERY PART 1
KENNEDY FORD MONTIFAR'S POV
"Malayo pa ba tayo Ken?"
"Malapit na. Sabi ko sa'yo huwag ka na sumama eh."
"Ehhh, wala din naman akong kasama sa apartment. Tsaka assistant mo 'ko diba?"
"Enough with the assistant thing. Sinabi ko na sa'yo hindi ko kailangan ng assistant."
"Okay."
Dumungaw ang babaeng kasama ko sa may bintana at tinanaw ang mga tanawin doon. Nakasakay kami ngayon sa bus papunta sa isang case na nirecommend sa akin ni Detective Harry.
*FLASHBACK*
We were still eating breakfast at akmang bubuksan ko na ang aking natanggap na sulat nang biglang mag ring ang aking cellphone. Napatingin si Kiarra sa akin at agad naman akong tumayo mula sa hapag kainan para kuhanin ang aking cellphone.
Detective Harry calling..
"Ah, Ken! Good morning, busy ka ba?"
"Good morning din po, Detective Harry. Hindi po ako busy, bakit po kayo napatawag?"
"May ka-batch kasi ako nung highschool na naghahanap ng private detective dahil nakatanggap daw siya ng isang misteryosong sulat. Eh kaso paalis ako ngayon hindi ko mapupuntahan. Naalala kita baka kasi gusto mo tingnan at imbestigahan. Pwede ka ba mamayang hapon?"
Binigay sa akin ni Detective Harry ang cellphone number ng ka-batch niya.
RONA CRUZ
0927*******
"Makakaasa po kayo, Detective Harry."
"Salamat Ken ha, gusto sana kita samahan kaso importante talaga yung lakad ko ngayon. Basta pag nagkaproblema ka man tatawag ka agad sa akin ha? Sinabi ko na dun sa ka-batch ko na ikaw ang pupunta sa kanila. Tawagan mo nalang siya para sabihin kung pupunta ka na."
"Sige po Detective Harry. Salamat po."
"Mag-iingat ka ha?"
Agad ko namang tinawagan ang number na binigay sa akin ni Detective Harry. Pagkatapos ko magpakilala ay binigay niya na ang address ng kanyang bahay.
"Bakit nga pala ikaw ang naisip ni Detective Harry na pumunta sa dun sa ka-batch niya? Wala na bang ibang pwede, I mean, kahit nag-aaral ka palang okay na agad na tumanggap ka ng mga case?"
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang umimik ang katabi ko.
Oo nga pala, kasama ko din papunta si Kiarra. Pagkatapos ko kasing tawagan yung ka-batch ni Detective Harry hindi ko na inubos yung almusal ko at nagmadaling maligo. Lagi akong naeexcite sa mga ganito.
"Hindi na bago kay Detective Harry ang tumanggap ako ng mga case. Hindi ito ang unang pagkakataon na may binigay siya sa akin. Sabi din kasi ni Inspector George parang training ko na din daw 'to kung ipagpapatuloy ko ang pagiging Detective."
"So, para pala kayong mag-partner, ganon?" tanong ni Kiarra.
"Actually, no. Nagkakasama lang kami ni Detective Harry sa mga case doon lang sa may atin. Lagi lang siyang nagrerecommend ng mga case if I have free time."
"Eh? Edi lagi ka lang mag-isa pag may mga tinatanggap kang mga case?"
"Madalas. Pero minsan may nakakasama ako."
BINABASA MO ANG
THE ADVENTURES OF KIA AND KEN: The Mystery of the Candles (Book 1)
Misterio / SuspensoKennedy Ford Montifar is in his eleventh grade. He's been living alone for three years, his mom is living abroad working. He's also a well-known highschool detective, he sometimes helps the police in investigating murders and accepts clients in his...