Umiiyak ang batang babae hawak-hawak ang kanyang manika. Nasa labas siya ng isang bahay habang pinapanood ang mga lalaki na pabalik-balik sa loob at inilalabas ang mga gamit pagkatapos ay inilalagay sa loob ng isang truck.
Lumabas ang isang batang lalaki kasama ang kanyang ina. Nilapitan ng batang lalaki ang batang babae na umiiyak.
"Kia, huwag ka na umiyak.." pag-alo niya sa kanyang kaibigan.
"Mawawalan na ako ng kalaro.." patuloy na umiyak ang batang babae. "Bakit ba kasi kailangan niyong umalis?"
"Si Papa kasi, inilipat siya ng boss niya ng lugar kaya kailangan kasama daw niya kami." paliwanag ng batang lalaki.
Hindi umimik ang batang babae at patuloy lang itong umiyak. Binigyan naman ng batang lalaki ng panyo ang kanyang kaibigan.
"Ken? Aalis na tayo." tawag ng kanyang Papa.
"Kia, aalis na kami.." malungkot na sabi ng batang lalaki.
Pinilit pakalmahin ng batang babae ang kanyang sarili at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang panyo na bigay ng kanyang kaibigan.
"H-Hu-Huwag m-mo a-ako kakalimutan ha.." imik ng batang babae habang humihikbi. Ngumiti naman ang batang lalaki.
"Oo naman! Hayaan mo, pag malaki na tayo hahanapin kita! At pag nagkita tayo, isa na akong ganap na detective!" masayang wika ng batang lalaki. Lumiwanag ang mukha ng batang babae at ngumiti ito.
"Ken-ken? Aalis na tayo- oh, Kia!"
"Nagpapaalam lang ako sa kanya, Mama."
Lumapit ang ina ng batang lalaki sa dalawang bata. Ngumiti ito sa batang babae.
"Kia, aalis na kami ha? Ipaalam mo nalang kami sa mommy mo." nakangiti nitong wika. Tumango ang batang babae.
Naglakad na palayo ang batang lalaki at ang kanyang ina. Bago sumakay sa sasakyan ay nilingon ng batang lalaki ang kanyang kaibigan at kinawayan ito.
"Bye-bye, Kia!"
Halata pa rin ang lungkot sa mga mata ng batang babae pero ngumiti pa rin ito at kinawayan ang kaibigan. Sumakay na ang batang lalaki sa sasakyan at nagsimula nang umandar ito.
Pinanood ng batang babae ang isa-isang pag-alis ng mga truck sa harap niya. Umuwi na siya pagkatapos noon at umasang balang araw, balang araw ay magkikita ulit sila ng kanyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
THE ADVENTURES OF KIA AND KEN: The Mystery of the Candles (Book 1)
Misteri / ThrillerKennedy Ford Montifar is in his eleventh grade. He's been living alone for three years, his mom is living abroad working. He's also a well-known highschool detective, he sometimes helps the police in investigating murders and accepts clients in his...