Chapter 2

24 1 0
                                    

KENNEDY FORD MONTIFAR'S POV

"Wala ka talagang kupas, Montifar!" walang katapusang pagpapasalamat ang sinabi sa akin ni Inspector George habang paulit-ulit na tinatapik ang aking likod. 

"Ang dami mo nang na-solve na kaso! Hindi ko na mahintay ang maka graduate ka at makapagtrabaho agad kasama ko, paniguradong maganda agad ang iyong posisyon."

Panay ngiti lang ako sa kanya. "Walang anuman, Inspector. Basta kahit anong kaso pa yan, tawagan niyo lang ako." Nakangiti kong pahayag sa kanya.

Tumingin ako sa aking orasan at nagpaalam na aalis na. Muling nagpasalamat si Inspector sa akin bago ko tinahak ang daan patungo sa Ryota Village.

Tahimik lang akong naglalakad habang nakapamulsa at inoobserbahan ang kapaligiran. Mag aalas singko na ng hapon at ilang minuto nalang ay tatawag na si mama kaya kailangan ko nang makauwi.

Binagalan ko ang aking lakad at pinakiramdaman ang kanina pang sumusunod sa akin. Nasa may bukana na ako ng Ryota Village at tumigil sa paglalakad. Wala masyadong tao doon, humangin ng malakas at kahit ilang minuto nalang ay tatawag na si mama ay mas pinili kong komprontahin ang taong kanina pang sumusunod sa akin.

"Okay. Mind telling me why you're following me?" mahinahon kong tanong.

Tumalikod ako at nag hintay ng ilang segundo bago lumabas ang taong nasa likod ng puno. Dahan-dahan humarap sa akin ang babaeng may mahabang buhok na medyo kulot ang dulo, katamtaman ang tangkad, at mukhang magka edad kami. Nakasuot siya ng shorts at flannel na may sando sa loob, matching it with a Timberland boots. May gym bag siyang nakasabit sa kanyang balikat at may hawak sa kaliwang kamay na bagahe.

Ang babaeng nasa coffee shop kanina. Iyong pagkatapos kong sabihin ang aking deductions na biglang sumigaw at pumalakpak.

"Ah, hehe." nahihiya itong tumingin sa akin at ngumiti. "Hindi naman talaga kita sinusundan, ahmm, errr, naghahanap lang ako ng matutuluyan ngayong gabi at may nakapag sabi na may bakanteng apartment daw dito sa village na 'to. Oo, yun nga!" Confident niyang sabi sa akin.

She's too obvious.

"No, you were following me." Pinanatili ko ang aking walang ekspresyon at ang kalmadong pakikipag-usap sa kanya.

"Habang naglalakad ako pauwi ay kung saan saan akong lumiko, at lumiliko ka din.  At isa pa, may nadaanan ako kanina na bakanteng apartment. Judging from your luggage, I already deduced that you were looking for a place to rent. Pero imbes na magtanong doon sa landlady ay sinundan mo pa rin ako."

Hindi ko alam kung ang ekspresyon niya ngayon ay pagkamangha o gulat. Diretso lang siyang nakatingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Tell me, are you my stalker or what?"

Tumungo siya at ilang segundo bago sumagot. "Ang totoo niyan.."

Huminga muna siya ng malalim at lakas loob na tumingin sa akin. 

"Ang totoo niyan.. gusto ko talaga mag apply bilang assistant mo!!!"

"Huh?" What the? Assistant? "Assistant? For what?" naguguluhan na ako. Hindi ko matago ang aking ekspresyon.

"Kasi diba, highschool detective ka, so ako ang assistant mo. Kung si Holmes may Watson, ikaw may ako!" nakangiti niyang sabi sa akin.

This girl, really. This girl's got few screws loose.

"Hindi ako nag-hahiring." seryoso kong sabi. 

"I know self defense! I know taekwondo!"

THE ADVENTURES OF KIA AND KEN: The Mystery of the Candles (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon