Chapter 7

150 4 1
                                    



[Violet]


"Ang daya naman eh! Gusto ko ng lumabas dito Black unnie." reklamo ko habang sinusundan-sundan siya sa pagche-check niya ng mga weird na laboratory apparatus.


Nakakainis naman kasi eh! Pangatlong araw ko na dito sa lugar na 'to pero ayaw niya pa rin akong palabasin. Sabi niya halos dalawang linggo na daw akong walang malay dito. Tapos itatago niya pa ko dito ng another 3 days? Jusko! Ang baho kaya ng mga gamot na ginagawa nila.


Sabi pa nga niya eto daw ang chamber eh, nadulas si Jonghyun oppa kahapon kaya bistado siyang opisina lang pala nila 'tong dalawa. Pero infairness ang laki ha!


"Oo na, papalabasin na kita pero mamaya ng madaling-araw. Wala pa si Jonghyun eh, wala akong kasama dito." sabi niya at gusto kong ibuhos sa kanya 'yung kumukulong ginagawa niya.


"Wow! Ang galing galing mo sa barilan tapos takot ka sa ganito? Hindi naman palagi nandiyan si Jonghyun oppa no!" sabi ko na kinatahimik niya naman.


Hala! Na-offend ko ba siya? Omygod! Ikaw naman kasi Violet eh. 'Yang bunganga mo walang preno.


"Alam ko naman 'yon, kaya nga ako yung pilit na lumalapit sa kanya eh. Hindi man halata pero I can't lose him Violet. Hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko kung mawawala siya." pilit ngiti niyang sagot habang nagsasalin ng something weird na liquid sa another na lalagyan.


Siguro nga hindi ko pa talaga sila kilala para magsalita ako ng mga bagay na kusa lang lumalabas sa bibig ko. I should be careful next time dahil hindi ko alam kung anong kinakaharap at pinagdadaanan nila. After all, hindi lang naman ako ang nanggaling sa miserableng mundo sa labas kaya wala talaga akong dahilan para mag-inarte dahil everyone of us here are trying hard.


"Jonghyun oppa is one hella lucky guy to have you unnie." I said back hugging her.


"Nope, I'm one goddamn lucky girl to have him." natatawa niyang sabi dahilan para paluin ko siya sa braso. Ang corny eh!


"By the way Violet. I think I have to tell you this."


Oh! Why am I feeling a not so good atmosphere here?


"What is it unnie?" I asked.


"Last week, I talked to Kuanlin. Sobrang miserable niya that time. He's constantly thinking of you and feeling guilty of what happened so, I said something to bring him back. I'm sorry Violet but, nasabi ko kay Kuanlin ang tungkol sa koneksyon niyo."


I'm speechless. Hindi ako galit or naiinis kay Black unnie, but I'm feeling afraid and nervous rather. Pakiramdam ko wala na kong mukhang maihaharap kay Kuanlin. Ang dami ring what if's na tumatakbo sa isip ko. I'm completely lost.


"Unnie!!! Paano na 'yan? Galit ba siya?" kinakabahan kong tanong na kinatawa niya lang.


"Ang shunga mo rin pala ano? Edi sana kung galit siya binalaan na lang kita diba? Mukha lang siyang maraming gustong itanong. Hindi ko rin naman kasi sinabi ang lahat, saka mas maganda rin kung sayo manggagaling ang iba. Lalo na ang case ng mother niya."


Para akong nabunutan ng tinik pero kinakabahan pa rin at the same time. Hindi ko inaakalang mas maaga akong magpapaliwanag sa kanya. Pero matatanggap kaya niya kung sakali?


Produce Academy: Violet || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon