Chapter 5

187 6 0
                                    




[Violet]


Inaantok na ko, pakiramdam ko konti na lang talaga babagsak na ko. Isipin mo limang oras na kong nag-aaral dito sa library eh, sampung-minuto ko pa nga lang na pakikinig kay Mr. Jang noon nakakatulog na ko.


"Pwede mo namang sabihin sa'kin kung hindi mo na kaya. Sabi ko nga sayo h'wag mong pinipilit-"


"H-Hindi! Okay lang ako." sagot ko at saka inayos ang sarili.


Nahihiya na nga rin ako dito kay Kuanlin eh. Hindi na kasi siya yung tipong mukhang magta-tiyaga sa mga hopeless na katulad ko pero eto siya at hindi man lang pinapakitang napapagod sa tuwing nagpapatulong ako sa kanya. Mas madalas pa ngang natutulugan ko siya eh. Maling-mali!


"Violet, alam kong gustong-gusto mo ng makasabay samin pero it's better to do it slowly. Kaya naman kitang hintayin eh, pero-"


"Kaya mo kong hintayin?" pagputol ko sa kanya.


Oh wait? Ano ba 'tong pinagsasabi ko?


"Uh, ofcourse? You're my mate after all." kunot-noo niyang sagot na kinakagat-labi ko naman agad.


Aish! Ano nga naman ba kasing pinag-iisip mo Somi? Syempre hihintayin ka niya dahil hindi siya makaka-advance kung wala ka. Lahat na lang binibigyan mo ng meaning eh.


"Oo nga naman. Sorry naman medyo nagugutom na kasi ako eh. Pwede bang kumain muna tayo?" pero seryoso nagugutom nanaman talaga ako.


Grabe naman kasi yung mga pagkain sa canteen nila, hindi man lang nakakabusog. Puro gulay at prutas! Alam ko namang health is essential pero nakakamatay naman yung puro gulay simula umaga hanggang gabi. Ano hayop lang?


"Ganun ba? Tara sa cante-"


"Hep! No-no. Utang na loob naman Kuanlin. Buti nakakayanan niyong mabuhay na puro gulay lang ang kinakain? Tao rin tayo dapat paminsan-minsan nagkakaroon tayo ng dumi sa katawan. No gulay for today muna tayo-"


"Pero wala naman tayong choice eh. All the foods here are made in vegetables. Kahit pumunta ka pa sa PD Mall, wala kang mahahanap na pagkain na hindi connected sa gulay." sagot niya na kinakibit-balikat ko lang.


Sino ba kasi nagsabing sa apat na dambuhalang bag na dala ko eh, puro damit lang 'yon?










"A-Ano 'to?" tanong ni Kuanlin hawak-hawak ang isang pack ng gummy bears.


Gusto sanang malaglag ng panga ko dahil hindi niya alam ang gummy bears pero naalala kong wala nga pala non dito. Plus the fact na wala siyang naaalala. Kung alam niya lang talaga na siya pa mismo ang nag-introduce sa'kin ng walang-hiyang pagkain na 'yan.


"We called it gummy bears. Sobrang sarap niyan promise! Nung pinatikim nga rin sa'kin niyan nung kaibigan ko, hindi ko na tinigilan eh." at ikaw 'yon.


Gustong-gusto kong sabihin na sa kanya ko nalaman 'yon. Na sa dami kong natutunan sa kanya noon, hindi ko aakalaing darating ang panahon na ako naman ang magpapakilala sa kanya nito. Ang weird lang.


"Bakit ka tumatawa diyan?"


"A-Ako tumatawa? Hala, hindi!" ganito na ba ako kalutang? Baka isipin niya siya tinatawanan ko.


Magsasalita pa sana siya ng bigla na lang may tumunog sa labas. Para bang siren? Pero para saan 'yon?


Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Kuanlin at para bang may kinuha sa kwarto niya. Dahil sa kaba, napatayo na rin ako hanggang sa lumabas na siya dala-dala ang isang jacket.


Produce Academy: Violet || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon