PROLOGUE

544 18 0
                                    

Produce Academy: Violet
Series #1
Fantasy | Romance | Humor



[Somi]

"Hindi kaya nahihibang ka lang Somi? I mean look! It's just a vacant lot. Anong school or whatever academy ang  sinasabi mo? Tell me the truth Somi, naka-drugs ka ba?" nakahalukipkip na tanong sa'kin ng kaibigan kong si Natty.

Hindi ko maintindihan. Bakit hindi niya nakikita ang nakikita ko? May malaking academy akong nakikita sa harap namin but paulit-ulit niya lang sinasabing wala siyang nakikita at vacant lot lang ang nasa harap namin.

Produce Academy, just like what Mr. Jang said yesterday. Yun ang pangalan ng school na 'to. Hindi kaya pinagti-tripan nanaman ako ni Natty?

"Hindi nga ako nagbibiro! Produce Academy, yun ang pangalan ng school. Stop playing around Natty! Impossibleng ako lang ang nakakakita ng malaking Academy na yan." iritado kong sagot but she just sighed.

"Alam mo Somi, you stop playing around. Hindi na nakakatuwa at nagsasayang lang tayo ng oras diyan sa pagi-imagine mo. We have to go dahil late na tayo fyi." irap niya at nauna ng naglakad.

Alam kong gising ako. I'm not onto drugs and I can assure everyone that I'm normal. Hindi ko alam kung sino ang nahihibang saming dalawa but meron talaga akong nakikitang school. Yep, everything is weird for me even Sir. Jang but I don't believe in such magics or powers.

Aalis na sana ako ng biglang may babaeng huminto sa harap ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya or what pero huminto na rin ako at nakipagtitigan sa kanya.

"Excuse-"

"Nakikita mo rin?" walang gana niyang tanong na kinakunot-noo ko agad.

"What do you mean?" I asked.

"That school. Produce Academy." turo niya sa school na kinagulat ko.

So totoo nga! Hindi ako baliw, may school nga talaga sa bakanteng lote na sinasabi ni Natty. Nako, masasabunutan ko talaga yun mamaya. Pero sino 'tong babaeng 'to? Ang creepy niya kasi kahit ang ganda-ganda niya. Walang buhay kumbaga!

"OMG! Nakikita mo rin? Akala ko nahihibang talaga ako-"

"Sabi nila ang mga estudyante daw na nakakakita sa school na yan ay para talaga Produce Academy. By the way, ako nga pala si Chaeyeon, Jung Chaeyeon. Sana subukan mong pumasok sa Academy namin." litanya niya at agad siyang nagtatakbo papasok ng school na 'yon.

Minsan mapapatanong ka na lang talaga kung anong klaseng vitamins ang iniinom ng mga tao.

Produce Academy: Violet || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon