Chapter 6

160 6 0
                                    



[Kuanlin]


"Unnie! Unnie! Gumigising na si Kuanlin."


Ang ingay, hindi ko pa man din sila tuluyang naaaninag pero ramdam kong nakapaligid sila sa'kin.


Anong nangyari? Ilang araw na kong nakahiga dito? Okay lang kaya ang lahat? Ang dami kong gustong itanong pero kahit anong parte sa katawan ko, hindi nakikisama.


"Kuanlin, do you hear me? May nararamdaman ka bang masakit?" rinig kong tanong ni Black noona habang tinatapik-tapik ang pisngi at braso ko.


Medyo malabo pa rin ang paningin ko pero naaaninag ko ang ginagawa niya. Jonghyun hyung was on her side while checking something on my body pero hindi ko makita o maramdaman kung ano 'yon.


"N-Nothing..." pilit kong sagot.


Wala naman talagang masakit sa'kin. Pakiramdam ko lang talaga namamanhid ang katawan ko. Ano ba kasing nangyari? Eto ang unang beses na nangyari 'to sa tagal kong nakikipagpatayan sa mga 'yon.


But wait, where's Violet? Ang hiyaw niya na lang ang huling narinig ko sa kanya. Where is she? Bakit wala siya dito?


"Kaya mo na bang tumayo?" Jonghyun hyung asked.


"Where's Somi? Anong nangyari sa'kin?" tanong ko.


"Hindi naman ganun kalala ang nangyari. Ginamit lang ni Ms. Kwon ang bago niyang invention para pabalikin sa normal ang mga Robus. Luckily, lahat sila natumba na pero nagkaroon ng side-effects satin 'yon kaya karamihan sa inyo nakatulog." paliwanag ni Black noona.


Hindi niya sinagot ang unang tanong ko. May tinatago ba sila sa'kin?


"Nasaan si Violet?" tanong ko uli.


Wala man lang kumikibo sa kanila. Halos lahat din sila iniiwasan ang mata ko. Hihintayin pa ba nilang bumangon ako dito at ako ang umalam para sa kanila? Bullshit!


"Hindi niyo ba ako sasa-"


"Apat na araw ka ng walang malay. Masaya kami dahil nagising ka na pero dahil gusto mo talagang malaman kung nasaan si Violet. Nandoon siya sa chamber at nakikipaglaban sa sarili niya. Basically, were lucky na minor side effects lang ang dala sa atin ng gamot na ginamit ni Ms. Kwon but not for Violet. Her body is so weak na kung hindi namin naagapan agad, malamang patay na siya ngayon." litanya ni Jonghyun hyung dahilan para hawakan siya ni Black noona sa braso.


"I need to see her." akmang tatayo na sana ako ng hawakan ako ni Haknyeon sa braso.


What now?


"Walang sino man ang nakakapasok sa chamber ngayon bukod sa mga professional level. Kaya wala ring use kung magpupumilit ka pa." litanya ni Brown noona.


"Tama si Brown noona, magpahinga ka na lang muna." dugtong ni Haknyeon.









"Kuanlin! Focus!" sigaw ni Mr. Kim.


Hindi ko nga rin alam kung anong pinaggagawa ko. We're doing a practical test on shooting, lahat naman bullseye pero wala pa rin ako sa konsentrasyon. Para lang akong nagsasayang ng bala.


Produce Academy: Violet || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon