Chapter 2

248 6 2
                                    





[KuanLin]


"1 more week at tutungtong na kayo sa senior level. Napakabilis ng panahon ano? Parang kailan lang suking-suki kayo sa white room-"


"Si Mr. Kim kung makapagsalita parang professional level na ang tutungtungan namin. Sir, kahit naman mag-senior na kami magkikita-kita pa rin naman tayo!" pambabara ni haknyeon na kinatawa lang ng lahat.


He was actually right. Wala ka naman gaanong makikitang kaibahan sa dalawa except from the fact that we are leveling up and we are going to focus sa mga trainings bago kami sumabak at tumungtong sa professional level. And probably, it will also take a year to accomplish everything.


At may isa pang bagay na dapat mangyari bago ka mag level-up. Kaya kahit gaano ka pa kagaling at ka-deserving sa professional level kung hindi pa nangyayari ang bagay na 'yon, mananatili ka kung nasaan ka ngayon.


"Wow! Hindi ko napapansin na tumatalino na rin pala si Haknyeon! But you're right, nothing's gonna change except from the fact that everything's going to be more harder for you guys. Lahat naman nag-uumpisa sa mahirap diba?" litanya niya na kinatahimik lang namin.


Wala ng nagbalak pang magsalita, natahimik na rin sila kaya naman sinumulan na rin ni Mr. Kim na magturo. Hindi dahil sa nakaka-speechless ang sinabi niya, kung hindi dahil once na may sumabat pa paniguradong mauuwi nanaman kami sa paulit-ulit niyang pangaral.


"Ang Produce Academy ay tinatag noong January 01, 1996, kaya naman 21 years na rin tayong tago sa mga tao sa labas. Diba Aqua?"


Lahat naman sila ay nahinto at napatingin kay Aqua. Hindi ko na inabala pang lingunin siya dahil baka makaramdam lang ako ng inis lalo pa't siya na lang lagi ang nakakapagpatigil kay Mr. Kim sa pagtuturo.


"Si Kuanlin ba ang nagtuturo para siya na lang palagi ang tinitignan mo sa oras ng klase ko?" biro ni Mr. Kim na kinahalukipkip ko lang.


Palagi siyang ganyan, para bang palagi niyang minamanmanan ang bawat galaw ko. Kilala siya bilang patay na patay sa'kin pero wala akong pakielam doon. Dahil sa bawat araw na nakikita ko siya, natatakot at naiirita lang ako.


"Sorry Mr. Kim" sagot niya.


"Speaking of Kuanlin, I need to talk to you later together with Daehwi." singit ni Mr. Kim na kinakunot-noo ko naman.


Ano nanaman kayang ginawa ko para kausapin niya ko kasabay ni Daehwi? Nang isang baguhan?













"Oy! Saan tayo mamaya? Aheop daw ng ibang mga pro ngayon. Ayain natin sila sa arena!" tuwang-tuwang balita ni Yellow dahilan para ganahan ang lahat.


Aheop ang tawag sa pahinga ng mga professional level matapos ang ilang buwang pagkakawala dahil sa private service. May pagkakatulad siya sa trabaho na tinatawag ng mga tao sa labas pero dahil tago ang pagkatao namin sa kanila, we called this Private Service.


"Narinig ko nga rin kay Ms. Kwon kanina. Pero sa pagkaka-alam ko, dalawang pares lang daw ang pinayagang mag-aheop dahil dumoble daw ang trabaho sa chamber at lab." dugtong ni Gray noona.


"Sana kasama sila Black Unnie at Jonghyun Oppa! Sila na ata ang pinakamadalas na naka-duty. Namimiss ko na sila!" nguso ni Yellow na kina-iling lang ni Gold.


"Oh basta call na ha! Kita-kita tayo mamaya before mag 5pm. Lalo na kayo Daehwi at Kuanlin. Cafeteria, room 5!" paalala ni Brown noona na walang ganang kinatango ko na lang.


"Sige po noona, mauna na kami!" paalam ni Daehwi at nagpatinuod na rin ako.


Binibigyan nanaman kasi ako ni Aqua ng walang kamatayan niyang titig. Minsan napapaisip na lang talaga ako kung dahil lang ba talaga sa gusto niya ko o may iba pa siyang balak? Hindi ko alam and supposedly wala na dapat akong pakielam.


"Bakit kaya tayo pinapatawag no? Eto na ata ang una kong balik dito simula ng magising ako." sabat ni Daehwi na hindi ko rin alam ang isasagot.


Isa ako sa mga nagbabantay sa kanya sa kalagayan niya sa Chamber noong nandoon pa siya. He was asleep for almost one and a half month. Wala pang isang linggo simula ng magising siya at wala rin siyang alam kung ilang araw siyang nandoon. It is forbidden to say dahil simula't sapul pa lang parte 'yon ng pagkawala ng memorya niya.


Kahit ako wala rin akong ideya kung paano at anong nangyari sa'kin, kung bakit paggising ko wala akong maalala sa nakaraan ko. Pero isa lang ang alam ko, nangyayari samin to dahil pinili naming kalimutan ang pinanggalingan namin. Hindi nanaman ako nagtanong pa, nakakagulat nga na kahit kailan hindi ko man lang inisip na alamin ang nakaraan ko. Para bang kuntento na ko sa ano ako ngayon.


"Don't think too much. Probably may ipapagawa lang sila satin or worst pagbabantayin lang nila tayo sa chamber." iling ko hanggang sa makarating na kami sa harap ng opisina ni Ms.Kwon


Agad namang ini-scan ni Daehwi ang fingerprint niya sa gilid at ganun din ang ginawa ko bago bumukas ang pinto. Kung iniisip niyong ito na ang dapat naming pupuntahan, hindi pa. May hallway pa kaming lalakarin bago tuluyang makarating sa opisina.


"Bakit naman worst sayo 'yon? Sa totoo nga lang gusto ko rin maranasang magbantay sa Chamber." inosente niyang tanong na kinangisi ko naman.


Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong una. Minsan ko na ring hinangad na maranasan ang buhay sa loob ng Chamber pero noong pagpasok ko pa lang doon, pinagsisihan ko na agad. Kahit pa doon din naman ako nanggaling.


"Darating din ang araw mo. Pero malamang sa malamang pagsisisihan mo 'yang hiling mo." kibit-balikat ko at sa wakas nakarating na rin kami sa opisina.


Automatic namang bumukas ang pinto ng tumigil kami sa harap. Ganun talaga 'to lalo na kapag ine-expect talaga ang presensya mo pero kung hindi, maraming proseso ka pang gagawin bago ka pagbuksan ng pinto.


"Oh! Nandito na pala kayo Daehwi at Kuanlin!" bati ni Ms.Kwon ng makita kami.


Pero imbis na sa kanya ako tumingin, agad namang napadpad ang paningin ko sa babaeng nakaupo sa tapat niya. Sa hindi ko malamang dahilan, sabay pa kaming napakunot-noo ng magkatitigan. Para bang kilala niya ko na hindi? Hindi ko alam.


Basta ang alam ko lang, kahawig niya ang babaeng palagi kong ginuguhit. Ang pigura ng babaeng kusang ginuguhit ng mga kamay ko at ganun na lang ang paghanga ko. Pero sino siya?


Hanggang sa maupo kami hindi pa rin nawawala ang titigan namin. Hindi ko maintindihan. Bakit?


"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Daehwi at Kuanlin, siya si Violet ang bago niyong makakasama. Pinatawag ko kayong dalawa dahil ang isa sa inyo ang tutulong sa kanya para masanay at alamin ang lahat dito sa Produce Academy, at ikaw 'yon Daehwi. At kinagagalak kong ipakilala sayo Kuanlin ang mate mo. That's why I need you to help violet at all cost for the both of you to advance immediately." ngiting-ngiting balita ni Ms.Kwon.


Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis. Gusto ko mang mainis pero inaamin kong sa loob-loob ko, para pa kong masaya.


Masaya sa hindi ko malamang dahilan.

Produce Academy: Violet || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon