Chapter 1

412 8 0
                                    



[Kuan Lin]

"Hay nako Gold! Magpasalamat ka talaga kay KuanLin at Haknyeon dahil nadivert at napaniwala niya si Ms. Kwon kanina kundi see you in White Room ka nanaman." pangangar ni Yellow kay Gold.

"Nagpasalamat na ko. Saka tumigil ka na nga! Hindi ko nanaman uulitin eh." nakangusong sagot ni Gold.

Hindi naman talaga ako nakielam. Si Haknyeon lang talaga ang nagpalusot kaya pasalamat siyang palaging nakabuntot sa'kin si Haknyeon dahil kung hindi, nasa White Room na siya ngayon.

"Ano nanaman ba kasing ginawa mo sa labas?" tanong ni Haknyeon na mag laman pa ang bunganga.

"Ano pa ba edi kumausap nanaman yan ng mga tao don." sabat ni Yellow.

"Ikaw ba tinatanong? Ikaw na ba si Gold ngayon?" irap niya kay Yellow. "Eh kasi naman, doon ko lang naman kasi nagagamit ang tunay na pangalan ko."

"Pero kahit ganun, kaylangan mo pa rin mag-ingat. Lalo pa ngayon at naghigpit na ang Dean dahil sa nangyari. Much better kung wala na munang lalabas sa inyo ngayon." litanya ni Gray noona.

"Sorry Gray unnie, hindi na talaga mauulit. Pero bago ako pumasok kanina may nakita akong babae sa labas. Nakikita niya rin 'tong Academy which is hindi nakikita ng kaibigan niya. Is it a sign na madadagdagan na uli tayo?" biglang nagliwanag ang mukhang sabi ni Gold.

"Mas maganda kung ganun. Pero nasasakanila pa rin kung gugustuhin nila."

"Oh! Brown unnie!" hiyaw ni Yellow.

"Whoa! Parang first ko na lang uli makitang kasama niyo si KuanLin ah!" mapang-asar na sabi niya habang nakatingin sa'kin.

"As if naman gusto ko rin naman." walang gana kong bulong na kinatawa niya lang.

"Buti naman at napapadalas na ang pagpapakita mo samin. Anong meron?" mapang-asar na tanong ni Gray noona kay Brown noona.

Pero imbis na sagutin niya si Gray noona, pilit-ngiti na lang siyang naupo sa tabi ko. It's obvious tho, and it's probably related to what happened.







[Somi]

Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina. Dahil dun hanggang dito sa klase apektado pa rin ako. Ang daming mga tanong na pumapasok sa utak ko pero kahit ako hindi ko masagot.

Gusto ko mang tanungin si Sir. Jang pero nasa oras kami ng klase ngayon. Kasalanan niya to eh! Kung hindi niya sinabi yun edi sana ang tahimik ng buhay ko ngayon. Pinipilit ko namang kalimutan eh, kaso ayaw niya talagang umalis sa utak ko lalo pa ngayon at hindi ako pinapatahimik nung sinabi nung babae kanina.

"Hoy Somi!" yugyog ni Natty dahilan para mabalik ako sa wisyo.

"Bakit? Wait- nasaan sila? Si Sir. Jang?" sunod-sunod kong tanong ng makita kong kami na lang ang tao dito sa room.

Aish! Ganito na ba ko ka pre-occupied? Grabe may mga ganitong klase ng katangahan pala talagang nage-exist.

"Wow! Hindi ko na talaga mareach yung signal mo Somi. Kanina pa sila naka-alis at natapos na rin akong magligpit ng gamit ko. Kamusta ka naman?" nakangisi niyang iling sa'kin na para bang sinasabi niyang ako na ang pinaka-hopeless na tao sa mundo. Wow! Nabasa ko yun.

Produce Academy: Violet || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon