Sandali ang lumipas. Tumahimik na ang buong paligid. Sa tingin niya ay umalis na si Mang Domeng. Bumuntong hininga siya. Subalit hindi pa rin napapawi ang panginginig ng buo niyang katawan. Naupo siya sa kama at inipit muli sa mga hita ang mga kamay. Maya pa ay muling bumalik sa kanyang alaala ang mga nakita niya habang kaharap si Mang Domeng doon sa pasilyo.
Isang senaryo. Subalit hindi niya makilala ang mga naroon. Mula sa vision, nakita niya na may mag ina. Umiiyak ang isang batang babae na sa kanyang tantiya ay nasa anim o pitong taong gulang. Ang nanay naman ng bata ay hunahagulgol habang hinahampas ang sarili sa pintuan ng isang lumang gusali.
sino sila? tanong niya sa sarili.
maya maya ay naagaw ang kanyang atensyon ng mga mahihinang panaghoy sa loob mismo ng kanyang kwarto. Mga hagulgol na tila nagmumula sa ilalm ng lupa...mga hagulgol na tila humihingi ng saklolo.
Naging malikot ang kanyang mga mata ...hinanap niya kung saan nagmumula ang mga pagtangis na iyon. Kumakalabog ang pintuan! Lumalakas ang panaghoy! nakakakilabot! Nangangamoy bangkay!
"Huhuhuh!" isang nakakapanindig balahibo na hagulgol ang. nagbigay ng takot sa kanya. Napaatras siya.
Sa aparador!! sigaw ng kanyang isip. sa aparador na iyon niya naririnig ang nakakapangilabot na iyak.
Tumagaktak ang pawis sa kanyang noo. Butil butil. Nagdudulot iyon ng kakaibang pakiramdam sa kanya!
"Sino yan?!"
dahan dahan siyang tumayo. kinagat niya ang pang ibabang labi.
"Papa! ilabas mo kami dito!! Papa!! Papa!!" tinig ng isang babae
"Sino kayo?? Anong ginagawa nyo dito sa unit ko?!" napaiyak na siya. Walang tumugon. Maya maya ay biglang sunod sunod na kumalapag ang pintuan ng aparador.
Napasigaw siya!
lalong lumakas ang pagtangis na hindi niya alam kung saan nagmumula.
Humagulgol na siya dahil sa takot.

BINABASA MO ANG
KUBLI (Suspense-Thriller Novel)
HorrorKUBLI WRITTEN BY JULIUS P. BERGADO Sino ang taong nagkukubli sa likod ng isang patalim? WAG BABASAHIN NG NAG IISA LALO NA KAPAG GABI. pLs. Share & comment. Thanks! subaybayan ang lahat ng kabanata. Huwag na huwag bibitiw. ACKNOWLEDGEMENT To Alysa...