Bumulaga sa paningin ni Lenard ang napakadilim na basement. Dahan dahan siyang naglakad. Pigil – hininga siya habang nakikiramdam. Maya maya ay kinapa niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang maliit na flashlight na mabuti na lamang ay nadala niya. Inilabas niya iyon at binuksan, tumambad sa paningin ni Lenard ang mga kahon na nagkalat sa loob ng basement. Muntik na siyang magulat nang may gumapang na daga sa paanan niya. Pero bigla siyang natigilan nang may marinig siyang mga boses. Pamilyar sa kanya ang may ari ng isang boses...kay Aling Ruth. Nag isip siya ng paraan para magtago, dali dali siyang nagkubli sa mga kahon at sinikap na hindi makakagawa ng anumang ingay para matawag ang atensyon ng mga taong iyon.
Ilang sandali pa ay dumating na ang mga nag mamay - ari ng boses. Sina Aling Ruth at Mang Domeng. Habang nagkukubli si Lenard sa malalaking kahon ay mabuti nitong pinakikinggan ang pinag uusapan ng dalawang matanda. Malinaw niyang naririnig ang mga iyon. Napapakunot noo siya dahil merong binabanggit na tao si Aling Ruth na hindi niya alam kung sino. Sakto namang may isa na namang daga na nasa ibabaw ng kahon ang nakaharap mismo sa mukha niya, sa gulat ay nakalikha siya ng kaonting kaonting ingay para maagaw ang atensyon ng dalawang matanda. Sabay na lumingon sa mga kahon na pinagkukublihan niya sina Aling Ruth at Mang Domeng. Lumapit si Mang Domeng...isa....dalawa...ilang hakbang na lang....hahawakan na nito ang mga kahon ng biglang....
may humawak sa bibig niya at hinila siya!
(oooops! hinga hinga din pag may time hehehe)
Bumukas ang pinto, ikinuwadro non si Clarisse. Tumuloy sa loob ang dalaga, naupo sa silyang naroon at inilapat sa mukha ang mga palad. Ilang sandali ang lumipas, nagring ang cellphone niya na nasa ibabaw ng lamesa. Dinampot niya iyon at sinagot ang tumatawag.
"Hello Irene." aniya.
"Hoy! Bruha kmsta ka na? Bakit hindi ka na tumatawag sa akin?" tanong ni Irene sa kabilang linya.
"Marami kasi akong ginagawa eh." tugon niya habang wala sa sariling kinakausap ang kaibigan na nasa kabilang linya.
"Siyangapala Best, bukas na yung birthday ni Mommy. Pumunta ka dito"
"Anong oras?"
"mga ala una ng hapon ang start ng party pero im sure yung mga bisita ni Mommy, gabi na darating."
"Ganon ba?"
"Oo. Basta aasahan kita ah."
"O sige."
"Okay bye."
nawala na sa kabilang linya si Irene. Ipinatong niya ng muli sa ibabaw ng lamesa at cellphone at nagtungo sa cr para maglinis ng katawan.
Naglalakad na siya sa koridor ng makasalubong niya sina Aling Ruth at Mang Domeng.
"Oh, iha, saan ang lakad mo?" usisa ni Aling Ruth.
"Sa SM po Aling Ruth, bibili po ako ng ipapanregalo ko po sa mommy ng friend ko."
"O siya, gagabihin ka ba?"
Hindi siya nakasagot. Sandali muna siyang tumingin sa pambisig na relo. "Hindi naman ho siguro."
"O sige, mag iingat ka."
"Oho." tinalikuran na niya ang dalawang matanda at lumabas na ng apartment.
"Alam mo Ruth, napapansin ko, malapit ka sa batang iyon." wika ni Mang Domeng. Gumuhit ang malalim na linya sa noo ni Aling Ruth.
"Bakit mo naman nasabi 'yan Domeng?"
"Iba lang kasi ang pakikitungo mo sa batang 'yan."
Marahang napahagikgik si Aling Ruth. "Eh kasi mabait siya. Tsaka mukhang matalino."
Napatango na lang si Mang Domeng pero sandaling natigilan at nag usisa muli. "Nasaan na nga pala yung sinasabi mo sa akin na batang babae na inalagaan mo noon? Kumusta na siya?"
Hindi kagaad nakasagot si Aling Ruth. Tumingin na lamang ito sa malayo at humugot ng isang malalim na buntong hininga.
Kung alam mo lang Domeng...kung alam mo lang. wika ni Aling Ruth sa isip.

BINABASA MO ANG
KUBLI (Suspense-Thriller Novel)
HorrorKUBLI WRITTEN BY JULIUS P. BERGADO Sino ang taong nagkukubli sa likod ng isang patalim? WAG BABASAHIN NG NAG IISA LALO NA KAPAG GABI. pLs. Share & comment. Thanks! subaybayan ang lahat ng kabanata. Huwag na huwag bibitiw. ACKNOWLEDGEMENT To Alysa...