KUBLI 07

1K 6 0
                                    

Hindi pa man nakakalayo si Aling Ruth sa kwarto ni Jojo nang biglang may humawak sa balikat nito. Nagulat ito sabay humarap.
"Salvador anong ginagawa mo rito sa pasilyo? Bakit ka lumabas ng basement?"
Sumandal si Salvador sa pader at humithit ng sigarilyo.
"Gusto kong makita ang anak ko. Nami miss ko ang anak ko."
"Salvador, hindi pa ito ang tamang panahon para magpakilala sa anak mo. Bumalik ka na sa basement at baka may makakita sayo dito.
"Ano ngapalang ginagawa mo dyan sa kwarto na yan? Sinong kinausap mo?"
"Kinausap ko yung binatilyong inampon ko. may itinanong lamang ako sa kanya. Patay na ang anak ni Domeng natagpuan namin siya kaninang umaga sa 2nd floor nakahandusay sa sahig at puno ng saksak ng kutsilyo sa katawan."
"Sinong gumawa non?"

lingid kina Aling Ruth at Salvador ay may tao palang nakikinig sa pinag uusapan nila. Nagkukubli iyon sa kabilang pader ng pasilyo. Napansin ni Aling Ruth ang anino ng taong yon at natigilan ito sa pagsasalita.

"Sino yan?" ani ni Aling ruth.
gumalaw ang anino pero walang sumagot.
"Sino yan sabi!"
wala pa ring sumagot. Nagpasiya si Aling Ruth na puntahan ang taong nagkukubli.

isa...
dalawa...
tatlo!

"Sino ka? What are you doing here?" bungad ni Clarisse nang makita ang isang dalagang pumasok sa loob ng kwarto niya. Nakalimutan niyang I lock ang pinto kaya mabilis na nabuksan ng dalaga ang kwarto niya.
"Pasensya ka miss hindi ko sinasadyang pumasok dito sa unit mo. Natakot kasi ako kay Aling Ruth."
"Bakit? Ano bang nangyayari?"
"Kanina kasi naglalakad ako dyan sa labas nang marinig kong may kausap siya. Isang lalaki. Salvador ang pangalan sa aking pagkakarinig."
"Tapos?"

Bigla silang nagulat nang may isang pusang itim ang lumundag mula sa labas ng bintana galing iyon sa malaking puno ng mangga na nasa tabi ng bintana. Tumalon iyon sa ibabaw ng lamesa at nasagi non ang isang baso na may lamang tubig. Nahulog iyon sa sahig at nabasag.
Nagulat si Clarisse. Bigla siyang nakakita ng isang senaryo mula sa aparador. isang nakagigimbal na senaryo! May pinapatay! Sinaksaksak ng isang babae ang sarili nitong ina!
Tumatalsik ang mga dugo sa sahig!
Umiiyak ang batang babae habang hawak ang kutsilyo.
"Ahh! Bata please! Maawa ka sa kanya! Itigil mo yan!"
"miss anong nangyayari sayo?"
bumaling si Clarisse sa dalaga at tinulak ito palabas ng kwarto.
"Lumabas ka dito! Labas!"

sa labas.
natataranta namang naglalakad sa gitna ng pasilyo ang dalaga. Bigla nitong nakabanggaan ang isang binata na may dalang isang maleta. sa lakas ng impact ay napaupo ang dalaga sa sahig.
"Oh! I'm sorry! di ko sinasadya." tanong ng gwapo at matipunong binata. inalalayan nitong makatayo ang dalaga.
"Nasaktan ka ba?"
"Hindi naman."
"Pasensya ka na ah."
"Okay lang."
"Ako ngapala si Lenard. Isa akong Psychiatrist. And you?"
"I'm Aleli."
"Nice meeting you, Aleli." sabay lahad ng isang kamay upang makipag shake hands. Tinanggap iyon ng dalaga at ngumiti.
"Hindi ka pamilyar sakin."
"yeah. bago lang kasi ako dito. hinahanap ko itong room ko. nahihilo na nga ko ang lawak pala nitong paupahan na to. ang daming pasikot sikot." wika ni Lenard sabay ipinakita kay Aleli ang hawak nitong susi na may number ng unit.
"Ay! parang napansin ko na yang room na yan. I think kasulok sulukan yang room mo doon sa 4th floor."
"talaga?"
"oo. tara..samahan kita."

makalipas ang ilang sandali narating na nila ang kwartong hinahanap.
"yan ang unit mo." wika ni Aleli. Marahang ngumiti si Lenard.
"Thanks."
"you're welcome."
akmang ipapasok na ni Lenard ang susi sa door knob nang biglang may napansin itong anino na dumaan sa fire exit.
"Bakit Lenard?"
"Para kasing may napansin akong dumaan na anino doon sa fire exit."
"ah, guni guni mo lang yon. huwag mo na lang pansinin. " nangingiting wika ni aleli but deep inside ay natakot ito hindi lang nito ipinahalata sa binata.
"Sige lenard aalis na ko baa kasi kanina pa ko hinahanap ng kasama ko."
nagmamadali ng umalis si Aleli.
"Aleli sandali--"
huminto si Aleli. Nilingon ang binata. "Bakit?"
"Alam mo kakaiba ang pakiramdam ko dito sa paupahan na to. Parang may misteryong bumabalot dito."
"ano ka ba talaga? psychic or psychiatrist?"
marahang ngumiti si Lenard at naging seryoso din ito.
"May kakayahan ako na makaramdam ng mga bagay na hindi maipaliwanag. tulad dito..may nararamdaman ako.."
bumakas sa mukha ni Aleli ang takot at tumingin tingin sa paligid.
Bigla siyang kinilabutan nang makaramdam ng malamig na hangin na dumampi sa katawan niya. Naalala niya ang duguang katawan ni Mariz habang nakahandusay ito sa sahig at nakadilat pa ang mga mata.
"Aleli mag iingat ka." wika ni Lenard.
"Huwag mo nga akong takutin."
"hindi kita tinatakot. binabalaan lamang kita."
nasapo ni aleli ang dibdib. ang lakas ng kabog ng dibdib niya. kinabahan siya. dahil doon ay nagpaalam na sya kay lenard. naiwan namang nakatayo si lenard sa labas ng pintuan at pinagmamasdan si aleli papalayo pagkatapos ay tumingin sa paligid at nakiramdam.

KUBLI (Suspense-Thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon