KUBLI 11

848 8 1
                                    

KINABUKASAN...

nabalitaan ng lahat ang pagkamatay ni Jenny. Ipinalibing ito ni Aling Ruth sa likod ng apartment kung saan doon rin nakalibing ang mga labi ni Mariz. Hindi nakauwi si Irene sa kanila dahil pinipilit niya si Clarisse na iwanan na ang apartment na tinutuluyan nito, pero nakiusap sa kanya ang kaibigan na kakausapin niya lamang si Aling Ruth, pagkatapos ng usapan na iyon ay magpapaalam na siya rito para umalis.

Sa loob ng kwarto ni Aling Ruth...

"Maupo ka Clarisse..." alok ng matandang babae sa dalaga. Marahang naupo si Clarisse. Naiwan sa kwarto ng dalaga si Irene. 

"Ano ngapalang kailangan mo sa akin, iha? kay aga aga'y nagpunta ka dito sa silid ko. May problema ba?" 

Hindi kagad umimik si Clarisse. Tinanggap niya muna ang isang basong may lamang tubig na iniabot sa kanya ni Aling Ruth. Saka humugot siya ng isang malalim na buntong hininga.

"May gusto po kasi akong ...ikwento sa inyo..." pagsisimula niya.

"Ano yun iha?"

"may nakikita po kasi ako dito sa apartment eh.."

"Nakikita? anong mga nakikita mo? Ang ibig sabihin may alam ka kung sinong gumagawa ng sunod sunod na pagpatay dito sa apartment?"

Dahan dahang nag angat ng mukha si Clarisse. 

"Parati po akong nakakakita ng taong pinapatay....kung minsan po ay may mga naririnig po akong humahagulgol sa loob ng silid ko...hindi ko po alam kung guni guni ko lamang po ang mga iyon!...natatakot po ako Aling Ruth!"

biglang kumirot ang ulo niya nang biglang mag flash sa isip niya ang isang batang nakakulong sa isang lumang morge habang kasama ang nanay nito. Nagmamakaawa ang mag ina na makalabas sa silid na iyon. 

"Ahhh! Aling Ruth!! Nakikita ko po sila!! Nakikita ko po yung mag ina!! Ayaw nila akong tigila!!" bigla siyang napasigaw ng biglang mag flash muli sa isip niya kung paano pinatay si Mariz sa apartment. 

"Ahhh!!" nasapo niya ang ulo. pagkatapos non ay bigla muling nag flash sa isip niya kung paano pinatay ang pulis na kasama noon ni Mang Domeng...sunod na nag flash ang pagpatay kay Aleli...sundo naman ang pagpatay kay Jenny! 

paulit ulit sa isip niya ang mga tagpong iyon hanggang sa napasigaw na siya dahil sa sakit!

"Clarisse!! Clarisse!!" pilit itong inaaawat ni Aling Ruth pero patuloy ito pagwawala. 

"Clarisse...iha...naaalala mo ba ko? naaalala mo ba ko?" paulit ulit na tanong ni Aling Ruth kay Clarisse.. Tumigil sa pagwawala si Clarisse at bumaling kay Aling Ruth. 

"Ako ang yaya mo noong bata ka pa, Clarisse. Ako ang dati mong yaya noon. Naaalala mo pa ba yung araw na nagpakilala ka sa akin, nabigla ako, dahil kapangalan mo ang dating batang inalagaan ko! inisip ko na baka nga ikaw yon. Saka ko nalaman na ikaw nga yon dahil sa isang picture na ipinakita sa aki ni Salvador. Kamukhang kamukha mo ang batang nasa picture."

hindi kagad umimik si Clarisse.

Biglang may nag flash na esksena sa isip niya. Ang unang gabi niya sa apartment na iyon kung saan naglalakad siya sa koridor para hanapin ang unit niya at merong lalaki na pilit na gustong lumapit sa kanya. 

Si Marco Salvador ang lalaking iyon! Ang ama ni Clarisse!

"Aliza ang tunay mong pangalan...hindi Clarisse Pimentel. Ang mga kinukwento mo sa akin ngayon ay ang mga multo ng iyong kahapon Clarisse...nagkaroon ka ng trauma dahil sa ginawa sa inyong mag ina ng iyong lolo na si Don Roberto Claro...halos mabaliw kayong mag ina sa loob ng lumang morgue na iyon!"

KUBLI (Suspense-Thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon