KUBLI 10

682 4 1
                                    

Tumuloy si Lenard sa kanyang kwarto. Naupo siya sa silya at humugot ng isang malalim na buntong hininga saka muling sinariwa sa isip ang tagpo kanina. Habang busy ang lahat sa pakikipag usap, isa isa niyang pinagmamasdan ang mga kilos ng bawat isa. Sa tanang buhay niya ngayon lamang siya naka encounter ng ganitong pangyayari, may itinatago palang sikreto o may nangyayari palang misteryo sa loob ng apartment na tinutuluyan niya. May  pumapatay! at sa tingin niya hindi lang isa o dalawa na ang napapatay kundi marami na...pero ang lahat ng iyon ay hindi naibabalita ng media o sa kahit anong pahayagan. Hinaharang! Pinagtatakpan! Walang ibang gagawa non kundi ang namamahala sa apartment na iyon. Walang iba kundi si Aling Ruth, pero paano niya masisiguro na may kinalaman sa mga nangyayaring krimen ang matandang babae? Ngayon...may naisip siya! Iimbestigahan niya ang mga nangyayari sa loob ng apartment. Binalik niya muli sa isip ang tagpo kanina. Isa isa niyang pinagmamasdan ang mga kilos ng bawat isa. mula kay Jenny, Sarah, Jojo, Aling Ruth at Clarisse. Lahat pinaghihinalaan niya! Para sa kanya, lahat ng taong naninirahan sa apartment ay SUSPECT!

Samantala...

saktong alas otso ng gabi nang lumabas ng silid si Jojo. Sinilip pa niya ang buong koridor upang masigurong walang tao. binitbit niya ang kanyang bag palabas ng kwarto at saka nagmamadaling naglakad sa gitna ng koridor. Kailangan niya ng umalis sa paupahan na iyon dahil kapag hindi pa siya umalis ay maaaring mabiktima na siya ng kriminal. Natatakot na siya! Pagsapit niya sa hagdanan ay bigla siyang natigilan. Mula sa dulong bahagi ng koridor, sa gitna ng kadiliman. Nakaramdam siya na may taong nakatayo roon at pinagmamasdan siya. Hindi kumikilos ang nilalang pero alam niya sa sarili niya na may tao talaga. Hinigpitan niya ang paghawak sa bag at hindi pinansin ang taong nagkukubli sa gitna ng kadiliman na iyon. Tumuloy siya, miski tumatayo ang mga balahibo niya sa batog dahil nararamdaman niyang sumusunod sa kanya ang nilalang na iyon. 

Lalo siyang kinabahan! Lalo niyang binilisan ang paglalakad. 

Nang biglang may humagikgik na boses na tila nananakot. "SAAN KA PUPUNTA?" napakalalim ng boses na nagmumula sa gitna ng dilim. Hindi siya lumingon. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at lalo pang binilisan ang pagkilos para lamang marating ang gate ng apartment.

"SAAN KA PUPUNTA?" muling tanong ng malalim na boses sabay humagikgik. "SAAN KA PUPUNTA? SAMA AKO." 

Hindi na siya lumingon, kumaripas siya ng takbo hanggang sa marating ang gate at pagdating niya roon ay biglang may humarang sa kanya. 

"Saan ka pupunta?" si Jenny. 

Nagulat siya sa takot. Muntik niya ng hampasin ng bitbit niyang bag si Jenny.

"Jojo, saan ka pupunta? Bakit dala mo yang bag mo?" tanong nito muli sa kanya. Hindi kagad siya nakasagot. Lumingon siya at tiningnan ang nilalang na nagkukubli sa gitna ng kadiliman. Wala ng tao roon. Wala na siyang maaninag. Humarap siya kay Jenny at masama niyang tiningnan ang dalaga. Pagkatapos ay itinulak niya ito para mabuksan niya ang gate. Mabilis siyang kumaripas ng takbo para lamang makalayo sa apartment. 

Bakas naman sa mukha ni Jenny ang pagtataka saka lumingon sa lugar na tinitingnan ni Jojo. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sampung minuto bago mag alas onse ng gabi nang sapitin nina Irene at Clarisse ang apartment lulan ng taxi. Pagkatapos ni Irene magbayad sa taxi, kagad na silang bumaba ng sasakyan at nagtungo sa malaking gate ng apartment. 

"Ang weird naman ng lugar na 'to!" wika ni Irene habang nakikiramdam sa buong paligid. Naglalakad na sila sa gitna ng koridor, dinaanan muna nila ang kwartong tinutuluyan ni Aling Ruth.

KUBLI (Suspense-Thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon