KUBLI 09

601 4 0
                                    

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa basement?" tanong ng lalaki na kaharap mismo ni Lenard. Nakaupo ito sa silya, samantala si Lenard naman ay nakaupo sa sahig.

"Ako po si Lenard. Bago lang po ako dito sa apartment na 'to."

Tumango lang ang lalaki saka nagsindi ng isang stick ng sigarilyo at tumayo.

"Ako naman si Salvador. Marco Salvador ang tunay kong pangalan. Anong ginagawa mo dito?" malalim ang tingin nito kay Lenard na tila kinikilatis ang binata.

Bumuntong hininga si Lenard.

"Sinundan ko po sina Aling Ruth dito sa basement..."

Magsasalita pa sana si Lenard nang makarinig ito ng pagbukas ng pinto.

"Baka si Ruth 'yan, magtago ka!" utos sa kanya ni Salvador. 

Dali daling nagtago si Lenard sa likod ng malaking drum.

"Ikaw pala, Ruth." wika ni Marco. Naririnig ni Lenard ang mga boses nina Marco Salvador at Aling Ruth. Nakikinig lamang siya mula sa kanyang pinagtataguan.

"Sinong kausap mo dito, Salvador?" usisa ni Aling Ruth saka ginala ang paningin sa kabuuan ng silid ni Marco Salvador.

"Ako? May kausap? eh, nag iisa nga lang ako dito."

"Sigurado ka ba?"

"Oo. at isa pa, paano naman ako magkakaroon ng kasama dito gayong ikaw lang naman ang nakakaalam ng basement na ito." paliwanag ni Salvador. Pilit nitong pinapaniwala si Aling Ruth na wala siyang kausap o kasama ng mga sandaling iyon sa kanyang silid. Hindi umimik si Aling Ruth, akmang tatalikod na ito nang bigla itong natigilan. Napalingon ito sa drum at napansin nito ang isang sapatos na nakalitaw mula roon.

"Wala ka ba talagang kasama, Salvador?' tanong muli ni Aling Ruth. Hindi agad tumugon si Salvador, napatingin din ito sa drum at nang makita ang sapatos ay kinabahan ito. Lumapit si Aling Ruth sa drum sabay dinampot ang sapatos.

"Kanino ang sapatos na ito?"

"Hindi ko alam. Matagal na ang sapatos na yan dyan." sagot nito.

Hindi umimik si Aling Ruth, hindi niya maalala kung kanino niya nakita ang sapatos na hawak niya. Pero sigurado siyang isa sa mga tenant ng apartment ang nag mamay ari nun.

"O siya sige, aakyat na ako sa kwarto ko. Maiwan na kita."

tumango lamang si Marco Salvador. Umalis na si Aling Ruth...ilang sandali pa ay lumabas na si Lenard mula sa pinagtataguan nito.

"Bakit po kayo nandito? Ano hong ginagawa nyo dito?" tanong ni Lenard. Hindi tumugon si Marco Salvador. Nagulat na lamang sila nang makarinig sila ng isang malakas na sigaw mula sa loob ng apartment kasunod non ay may lumagabog sa unang palapag.

"Shit!" nausal ni Lenard nang tumambad sa kanyang harapan ang isang dalagang duguan. Basag ang ulo nito at halos mabali ang mga buto bunga ng pagkakahulog nito sa hagdanan. 

"Aleli! Aleli!" humahagulgol na wika ni Jenny. Niyakap nito ang kaibigan. "Aleli, sinong may gawa nito sayo?" 

wala namang reaksyon buhat kay Lenard. Siyang pagdating ni Aling Ruth, mga ilang minuto pa ay dumating naman sina Jojo at Sarah. 

"Naku Aling Ruth, may bago na namang biktima ang killer. Mukhang iniisa isa na tayo dito sa apartment nyo!" natatakot na sambit ni Sarah habang nakatitig sa bangkay ni Aleli. Lumakad palapit sa biktima si Aling Ruth. Pinagmasdan nito ang bangkay ni Aleli. Sabay sunod sunod na umiling. 

"Aling Ruth, natatakot na po ako! Gusto ko na po talagang umalis!" wika ni Jojo. Natigilan sina Aling Ruth at binalingan si Jojo. Tumingin din ang lahat kay Jojo. Siyang pagdating ni Clarisse. Nagulat ito sa naabutang tagpo. 

"Bakit naman Jojo?" tanong ni Aling Ruth. Hindi sumagot si Jojo. 

Lumapit si Clarisse kay Jojo. Pinagmasdan niya si Jojo mula ulo hanggang paa at nagsalita. 

"Siguro may kinalaman ka sa mga nangyayari dito sa apartment. May alam ka kung sinong gumagawa nito. Bakit hindi ka magsalita? Bakit hindi mo kami tulungan na malaman kung sinong pumapatay sa mga tenant dito sa apartment?" 

Napakunot noo si Jojo saka napatiim bagang. 

"Wala akong alam. Wala akong nalalaman." matigas na sagot nito kay Clarisse. 

Napaarko naman ang isang kilay ni Clarisse at nuling nagsalita.

"Kapag umalis ka dito sa apartment parang inamon mo na rin sa sarili mo na may kinalaman ka." matapang at tila nanghahamong sabi niya sa binatilyo. 

akmang susuntukin na ni jojo si Clarisse sa mukha subalit inawat kaagad ito ni Lenard na nakikinig lamang sa usapan ng dalawa. 

"Siyanagpala Aling Ruth, mukhang wala dito si Mang Domeng? Nasaan po siya?" sabat ni Jenny. Matagal bago tumugon si ALing Ruth. 

"Umalis na siya." sagot nito. 

"Ano?" ani ni Sarah. Nagkatingin sila ni Jenny sa isat isa. 

"Bakit nyo po siya hinayaang umalis dito sa aprtment Aling Ruth? Paano kung may kinalaman siya tungkol sa mga nangyayari dito sa apartment?" sabat ni Jenny. 

Umiling si Aling Ruth. 

"Ano hong ibig nyong sabihin?" sabat naman ni Sarah.

"Kanina pa umalis si Domeng. Umuwi na siya sa batangas, ilang oras na ang nakalilipas." 

Walang umimik. Lahat napaisip kung nagsasabi ba talaga ng totoo si Aling Ruth o gumagawa lamang ito ng istorya para paikutin silang lahat. Ilang sandali ang lumipas tumunog ang cellphone ni Clarisse. Sandaling nagpaalam si Clarisse sa mga kaharap at lumayo sa lugar para kausapin ang nasa kabilang linya. 

KUBLI (Suspense-Thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon