2 years ago...
Tuwang-tuwa akong tumakbo papunta sa kanya. Nandito ako ngayon sa seaside dahil sabi niya may importante siyang sasabihin sa akin.
"Myeon-myeon!!" Tawag ko sa kanya. Myeon-myeon ang tawag ko sa kanya dahil napakahaba kasi ng Joonmyeon kaya pina-ikli ko na lang.
Nang humarap siya sa akin ay agad ko siyang nilapitan at niyakap. Ano kaya ang sasabihin niyang importante? Bumitiw na ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya nang may halong pagtataka dahil parang walang emosyon ang tingin niya sa akin.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Ilang segundo niya akong tinignan bago niya sabihin ang mga salita na hindi ko inaasahan.
"I'm sorry Heaven but, I'm breaking up with you." Parang huminto ang pag-ikot ng mundo. Hindi ako makagalaw. Parang pinako ang mga paa ko. He's breaking up with me? With what reason?!
"Nagbibiro ka lang diba? Sabihin mo diba joke lang lahat ng sinabi mo?" Halos mangiyak kong sabi. May namumuong luha sa gilid ng mga mata ko na nagbabadyang tumulo pero pinipigilan ko lamang.
"Hindi ako nagbibiro. I'm breaking up with you. It's not you, it's me. I'm sorry but, I have to go. Please, forgive me." Sabi niya bago umalis at iniwan akong tulala. I was left dumbfounded by his words. Hindi ko napigilang umiyak dahil sa sakit.
Bakit ganon ang dali lang para sa kanya na gawin sa akin toh?! Saan ba ako nagka-mali? Nagkulang ba ako sa kanya?
Umuwi ako at umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog ako.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Thank you for reading. First time lang po magsulat kaya pagbigyan 😂😂
BINABASA MO ANG
My Ex is My Roommate [EXO FF]
FanfictionAnong gagawin mo kapag ang Ex mo ay naging ka-roommate mo? Ano kaya ang feeling ng ganoong bagay? Tanong na lang natin kay Heaven Choi, 20 years old na college student. Babalik kaya sila sa dati o hanggang roommates na lang sila ngayon?