Chapter 1: See You Again

79 3 1
                                    

2 years later...

Heaven's POV

"HOY HEAVEN BUMANGON KA NA AT TANGHALI NA!!" Ano ba yan?!?!? Ang sakit pa ng ulo ko ehh nang gigising agad si Eomma.

(Eomma means mom/mommy in korea)

"Ito na po babangon na!!" Hay nako anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan ko sa may lamesa na katabi ng kama ko at laking gulat ko na 8:30 na at kailangan nasa school na ako ng 9:00. Patay, tinanggali na ako!!

Nagmamadali akong pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo ay kinuha ko ang t-shirt ko at pantalon tsaka nagbihis. Nagmamadali akong kinuha ang mga gamit ko dahil 8:40 na. Jusko lord ayokong matraffic!!

Pagkababa ko dumiretso na agad ako sa labas para ilagay sa kotse ko yung mga gamit ko na kailangan ko sa dorm ko.

"Hindi ka man lang ba kakain, anak?" Tanong ni Eomma sa akin.

"Hindi na po. Punta na lang po ako sa may fast food malapit sa building ng dorm namin. Sige po una na po ako." Tsaka ako lumapit sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisngi.

"Basta mag-iingat ka doon ha?" Ano ba naman tong si Eomma masyadong madrama.

"Opo basta ako na po bahala sa sarili ko." Sabi ko bago umalis.

Buti hindi traffic dahil nakarating agad ako sa Mcdo. Pagkapasok ko ay konti lang ang mga tao kaya mabilis akong naka-order ng makakain. Buti naman dahil gutom na gutom na ako.

Binilisan ko ang pagkain at pumunta agad sa building namin. Agad akong pumunta sa may information desk.

"Ahh miss, kailangan ko po yung susi sa room 2204." Tinignan niya ako tapos mataray na tumingin sa mga lalagyan ng mga susi. Aba ang arte nitong babaeng toh ahh!

Nagulat ako ng biglang may lalaking tumabi sa akin na naka-shades. Astig nito ha parang nasa may pelikula. "Umm miss, I need the key to room 2145 please." Wow english speaking si pogi.

"Umm, yes sir wait lang po. Hihihi." Aba ang landi. Ehh nasaan yung susi ko?! Inuna niya pa si pogi kaysa yung sa akin aba hindi ako papayag nun!

"Miss, yung susi ko sa room 2204 please." Mataray kong sabi sa kanya. Aba humanda ka sa aking babae ka. Agad naman niyang binigay sa akin yung susi ng room ko. "Thank you." Emphasizing the word You.

Pumunta ako agad sa elevator at pinindot ang floor papunta sa taas. Nang bumukas na ang pinto ay agad akong pumasok. Buti ako lang ang tao. Kaso bago sumara yung pinto ay may humabol na lalaki. Tinignan ko siya at siya pala si pogi dun sa information desk.

"Hi miss, I'm Mark Tuan. What's your name?" Aba english speaking si pogi. At ang pogi din ng name.

"My name is Heaven Choi." At nakipag-shake hands ako sa kanya. Ang lambot ng kamay niya. Biglang bumukas ang pinto ng elevator at bago siya umalis ay may sabi niya sa akin, "See you around, beautiful." Wow grabe beautiful daw ako. Ommooooo!!

Bumukas ulit yung pinto ng elevator at umalis na ako dun. Hinanap ko yung room ko at nakita kong nasa kalagitnaan lng pala yun.

Sabi nila may roommate ako kaya excited na ako. Dito kasi sa school na pinapasukan ko ay ok lang kung babae at lalaki magkasama sa iisang dorm. Ewan ko kung bakit ang laki ng tiwala nila sa kabataan ngayon hayyss.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako kung sino yung ka-roommate ko.

Isang lalaking gusto ko nang kalimutan. Ang unang lalaki na sinaktan ako ng sobra. Ang pangalan niya ay...

"Suho?"

•~•~•~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Yehet!! Ohorat!!! Joke hahahahaah 😂😂

My Ex is My Roommate [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon