Heaven's POV
Grabe! Excited ako kasi retreat na namin. Sa ngayon, naka-pila kami sa quadrangle ng school namin kasi yung iba ay wala pa.
"Uy, Heaven anong pagkain yung dala mo?" Tanong sa akin ni Kesiree, isa sa mga best friend ko.
"Pagkain muna? Hindi ba pwedeng damit muna yung itanong, kailangan pagkain agad?" Sabi naman ni Aila.
"Grabe ka naman sa akin! Huhuhu."
"Tama na nga yan. Dala kong pagkain ay chips tapos bisquit." Sabi ko.
"Ahh ok, ako naman may apple ako tapos chips din." Sabi naman ni Aila.
"Ako tinapay na palaman ay Nutella tapos chips." Sabi naman ni Kesiree.
Nag-ring na yung bell na sign na kailangan na naming umalis para sumakay sa bus. Pagka-sakay namin ay iilan na lang ang available na seats.
Si Aila ay tumabi kay Nam Joo Hyuk, yung ultimate crush niya. Si Kesiree naman ay katabi si Kim Taehyung o V for short. Ako naman ay katabi ni Mark dahil siya lang ang nakita kong walang katabi.
"Excited ka noh?" Nakangiting tanong sa akin ni Mark.
"Oo ehh. Hahaha." Natawa kaming pareho dahil ako lang ang excited sa aming dalawa.
Nang umandar na ang bus na sinasakyan namin ay bigla akong nakaramdam ng antok.
"Matulog ka muna. Malayo pa naman tayo. Gigisingin na lang kita." Sabi sa akin ni Mark. Grabe ang gentleman naman niya. >_<
"Ahh, sige. Salamat." Sabi ko bago ako napapikit at nakatulog.
Suho's POV
"Hyung, namumula na yang mukha mo. Tumigil ka na nga. Pinayagan ka naman niya na ligawan mo siya, ano pa bang gusto mo?" Sabi sa akin ni Baekhyun.
"Nakikita mo ba yan? Katabi niya si Mark, tapos naka-sandal yung ulo ni Heaven sa balikat niya." Sabi ko naman. Oo, pumayag si Heaven na ligawan ko siya.
Flashback
"Pwede ba kitang ligawan?" Tanong ko sa kanya. Sandali siyang natahimik dahil nagulat siya sa mga salitang binitawan ko. Kahit ako ay nagulat sa mga sinabi ko.
"Umm, o-ok lang naman n-na l-ligawan mo ako." Tama ba narinig ko?!?!?!! Um-oo siya!
"T-talaga?!??!?? Ok lang sayo?" Grabe, hindi ako makapaniwala! Ang saya-saya ko ngayon.
"O-oo naman k-kalimutan na din natin ang nakaraan." Nakita kong medyo namumula na ang kanyang mga pisngi. Ang cute niya! ^_^
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at sabing, "Salamat ha? Buti at binigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Pangako, hindi kita bibiguin." Pagkasabi ko nun ay lalo siyang namula.
End of Flashback
"Hay nako naman Hyung! Dapat pala hindi na pumayag si Heaven noona na ligawan mo ehh. Lakas ng tama sayo ehh."
"Heh, tumigil ka nga jan Baek."
"Alam mo Hyung, kung liligawan mo si Heaven noona, dapat ngayon pa lang ginagawa mo na bago ka pa agawan ng iba." Sabi ni Baek.
Tama siya. Dapat nga simulan ko na bago pa siya maagaw ng iba sa akin. Hayss.
》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》
Mga 12 noon na kami nakarating sa Retreat Site namin. Nakita ko kung paano gisingin ni Mark si Heaven. Nag seselos ako kasi dapat ako ang katabi ni Heaven at hindi siya. Maya-maya naramdaman kong may umakbay sa akin.
"Hay nako hyung, kung tatayo ka lang dyan at manonood sa kanila, aba wag ka nang manligaw. Kumuha ka na lang ng popcorn at tissue tsaka mo sila panoorin." Sabi ni Chen sa akin. Aba matino ata toh ngayon ah.
"May naiisip ka bang paraan?" Tanong ko sa kanya.
"Paano mo ba siya niligawan noon? Edi yun yung gawin mo ngayon! Ex mo siya, dapat naaalala mo pa rin kung paano mo siya napa-ibig." Wow words of wisdom ni Chen. Nakakapanibago talaga.
"Teka nga, bakit parang ang tino mo ngayon? Anong nakain mo?" Tanong ko sa kanya
"Wala naman, naiisip ko lang kasi yung taong gusto ko kaya ko toh nasasabi sayo noh. Atsaka hyung, para na talaga kita kapatid, syempre tutulungan kita, namin nila Baek." Grabe ha nakaka touch tong camel na toh.
"Salamat ha. Kasi nandyan kayo para sa akin."
"Sus wala lang yun hyung. Diba nga WE ARE ONE tayo?"
"Hahaha oo nga, we are one." Sabay nag-apir kaming dalawa. Bago bumaba ng tuluyan sa bus.
Heaven's POV
"Uyy Heaven alam mo ba binigyana ko ni Nam Joo Hyuk ng chocolates?! Nakaka kilig jusko!! >_<" Sabi ni Aila habang nagtatatalon. Jusko grabe kiligin ha. Pero bigla kong naalala yung kagabi sa kwarto. Parang ang saya ko kasi si Suho nililigawan ako. Nakaka miss kasi siya sinula nung nag hiwalay kami, siya lang naman nasa isip ko ehh.
"HEAVEN!!!" Sigaw ni Kesiree.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ba't naka tulala ka lang dyan? Aha, iniisip mo si Suho noh?" Asar na tanong ni Aila sa akin. Alam kasi nila na nililigawan ulit ako ni Suho. Syempre ikukwento ko yun sa kanila noh.
"Siguro nga. Hayyss."
"Alam mo, love is better the second time around diba? Hayaan mong patunayan niya sayo na mahal ka pa niya." Sabi ni Kesiree sa akin. Tumango na lang ako bago kami naglakad papunta sa adviser namin.
》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》
"So students ang magkakasama sa kwarto ay kung sino ang roomate niyo sa dorm. Sa ngayon, magpahinga muna kayo at bumalik kayo dito mga 4:00 p.m para sa rules and regulations." Sabi ng retreat master namin.
Nakita kong palapit sa akin si Suho. Nginitian niya ako bago ako tulungan sa mga gamit ko.
"Ayy ako na, kaya ko naman ehh." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ako na, ako lalaki sa ating dalawa. Tsaka manliligaw mo ako, ako na bahala sayo." Sabay lakad papunta sa kwarto namin. Naramdaman ko na lang na uminit pisngi ko dahil kinikilig ako sa sinabi niya.
Someone's POV
So nililigawan ni Suho si Heaven. Bakit kailangan pa niya bumalik sa piling ni Heaven ehh hiniwalayan na niya ito noon? Sa akin lang si Heaven at hindi para kay Suho! Maka sarili na kung maka sarili pero matagal ko nang mahal si Heaven at sa akin lang siya.
BINABASA MO ANG
My Ex is My Roommate [EXO FF]
FanfictionAnong gagawin mo kapag ang Ex mo ay naging ka-roommate mo? Ano kaya ang feeling ng ganoong bagay? Tanong na lang natin kay Heaven Choi, 20 years old na college student. Babalik kaya sila sa dati o hanggang roommates na lang sila ngayon?