Suho's POV
Well sinusundan ko ngayon ang ex ko dahil na rin sa safety niya noh. At dahil sa mahal ko pa rin siya. Oo sinaktan ko siya noon pero kailangan dahil, mapapahamak siya at ayokong mangyari yun sa babaeng mahal ko.
Nakita kong hinawakan nung lalaki yung kamay ni Heaven at saka ito hinalikan. Naiyukom ko ang aking kamay ng dahil sa selos. Sana ako pa rin ang nagbibigay saya sa kanya.
*************************************
Pagkatapos silang sundan ay napag desisyonan ko na pumunta muna sa tambayan naming magbabarkada. Pagdating ko dun, naabutan ko si Kai na natutulog sa sofa. -_-
"Hoy! Gumising ka nga. Tulog ka nang tulog ehh!" Sabi ko sabay hampas sa kanya ng unan.
"Ehh hyung naman, inaantok pa ako." Wow inaantok ehh halos maghapon siyang tulog.
"Babangon ka o hindi kita ililibre ng chicken?"
"Ito na babangon na po hyung." Dali-dali siyang tumayo at pumunta sa kusina. Sabi ko na nga ba ehh. Basta chicken hindi tatanggihan.
"Oh, Suho musta pang-iistalk mo?" Tanong sa akin ni Xiumin hyung. Oo nga pala sinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari mula nung nalaman ko na siya yung ka-dorm ko.
"Ito, nakakapagod. Hay nako, feeling ko talo na ako."
"Bakit sinubukan mo na ba ulit na magpapansin man lang o ibalik yung dating kayo? Hindi pa diba?" Seryosong sabi niya sa akin.
"Well hindi pa ako gumagawa ng move. Pero feeling ko talaga wala na ehh." Pagkasabi ko nun bigla niya akong binatukan. Lakas makabatok nito ahh!
"Hindi mo pa sinusubukan ehh talo ka na agad. Hay nako! Dapat sinubukan mo muna bago mo sabihin yan." Sa bagay, tama naman siya.
"Kamusta naman yung mag-ina mo?" Pag-iiba ko ng usapan. Oo kasal na si hyung sa pinsan ni Heaven at may anak na sila ang pangalan ay BamBam.
"Ayun, ok lang naman sila. Lumalaking gwapo ang anak ko. Mana sa akin." Sabi niya sabay nag pogi sign pa. Mahangin din ehh noh? -_-
"Masaya bang may sarili ka ng pamilya?"
"Oo dahil kasama mo yung taong mamahalin mo at mamahalin ka habang buhay tapos may kasama pa kayong bata na aalagaan mo. Kaya para sa akin masaya." Grabe si hyung, parang huling habilin na yung sinasabi.
"Suho hyung! Tara bili na tayo chicken." Biglang sumipot si Kai sa kung saan.
"Sige tara. Ikaw na mag-drive dahil tinatamad ako." Sabay bato sa kanya nung susi ng kotse ko.
Susubukan ko talagang ibalik ang noon kahit itaya ko pa ang buhay ko.
*************************************
Heaven's POV
Gabi na at magkasama pa rin kami ni Mark. Oo ang dami naming ginawa ngayong araw at nakakatuwa siyang kasama. Siguro kung kami pa, ganito rin kami kasaya.
"Bakit ka naka-ngiti dyan? Anong iniisip mo?" Nagulat ako ng magsalita si Mark. Naka-ngiti na pala ako ng hindi ko napansin.
"Ahh, wala naman." Ngumiti ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Hayy grabe ang pogi niya talaga kapag ngumingiti.
"Tara, hatid na kita sa dorm mo." Sabay abot niya sa akin ng kamay niya at tinulungan niya akong tumayo. Naglakad kami papunta sa dorm ko. Naisip ko kung nandyan na ba si Suho sa loob.
"Sige, mauna na ako ha?" Paalam sa akin ni Mark.
"Ahh sige, ingat ka." Sabi ko sabay pasok sa loob ng dorm. Pagkasara ko ng pinto ay nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.
"Tita, namiss po kita!" Sabi sa akin ni BamBam. Humarap ako sa kanya at saka siya niyakap pabalik.
"Namiss din kita. Nasaan yung mommy mo?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa kusina po, nagluluto." Sabay hila sa akin papunta sa kusina at nakita ko dun si Ate Daisy, ang napakaganda kong kakambal.
"Sipag naman ni kambal." Sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako at ngumiti siya sa akin. "Paano ka pala nakapasok?" Oo nga paano nga ba siya nakapasok ehh parang walang tao dito.
"Pinapasok ako ni Suho." Huh, edi nasaan siya? Parang ang tahimik kasi plus hindi ko naman siya nakita ngayon. "Nandun sila ni Xiumin sa kwarto niya." Wow mind reader na ba tong si kambal? -_-
"Kailan ka pa dumating?"
"Kanina lang. Sino yung lalaking kasama mo kanina?" Nakita niya si Mark?
"Ahh, bago kong kaklase. Mark yung name niya." Oo nga pala, kanina nung nagkwentuhan kami nalaman kong magka-section kaming dalawa kaya nalaman kong kaklase ko siya.
"Oh, tawagin mo na yung mga yun at kakain na tayo. Ako nagluto nyan at sigurado akong masarap yan." Nag-HRM kasi siya kaya marunong siya magluto. Well ako average cook lang ako so konti lang naman yung alam kong dishes na lutuin.
Pumunta ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Suho at bigla na lang ako kinabahan. Hay nako Heaven, ex mo na nga diba? Kaya, keri mo yan. Kumatok ako para sabihin sa kanila na kakain na. Nagulat ako na si Suho ang nagbukas ng pinto at halata sa mukha niya na nagulat din siya pero agad namang napalitan ng pagka-seryoso ang expression niya.
"Umm, kakain na daw sabi ni Ate Daisy." Nahihiya kong sabi. Ito na naman yung awkward na atmosphere ehh.
"Ahh, sige tatawagin ko lang sila." So hindi lang si kuya Xiumin ang kasama niya? Sumilip ako sa loob ng kwarto niya at nagulat ako na silang 12 ang nasa loob. Paano sila nagkasya jan?!
"Sige, hihintayin na lang namin kayo." Sabi ko sabay talikod sa kanya. Pero nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.
"Kaya mo pa ba akong hintayin kung sinaktan na kita noon? Kaya mo pa kaya akong bigyan ng isa pang chance?"
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Dedicated kay DarkPrincess_2702 itong chapter na tohLove you 😘
BINABASA MO ANG
My Ex is My Roommate [EXO FF]
FanfictionAnong gagawin mo kapag ang Ex mo ay naging ka-roommate mo? Ano kaya ang feeling ng ganoong bagay? Tanong na lang natin kay Heaven Choi, 20 years old na college student. Babalik kaya sila sa dati o hanggang roommates na lang sila ngayon?