Heaven's POV
Ilang weeks ang nakalipas since first day ng klase. Ang masasabi ko lang ay AYOKO TALAGA NG MATH!!! Tama talaga si Ate Daisy na ang hirap ng math.
Tinignan ko lang ang assignment ko sa math kasi wala talaga akong alam. Bakit kasi hindi ako biniyayaan ng utak na pang-math?! Kanino ako magpapatulong?
"Kailangan mo ng tulong?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Suho sa tabi ko. Nakaupo siya sa sofa habang ako naman ay nakadapa sa sahig. Konportable na kami sa isa't isa kasi nga past is past, let's start anew. Pero ang sweet ni Suho sa akin tapos super gentleman pa.
"Ahh ok lang ba?" Alam kong matalino siya sa math. Ex ko nga diba? Pero naalala ko dati lagi siyang pumupunta sa bahay kasi kailangan ko ang tulong niya.
Flashback
Inabot ko yung cellphone ko sa lamesa tsaka ko siya tinawagan.
"Hello?" Sagot niya agad sa tawag ko.
"Myeon-myeon, pwedeng patulong sa math assignment ko? Ang hirap kasi nung mga formula." Pagkasabi ko nun ay binaba lang niya yung tawag. Wow bastusan?! Grabe, ang sweet ng boyfriend. Hay nako, lagot ako kay ma'am nito ehh. Strict pa man din kasi menopause na.
Nagulat ako ng biglang nagring yung doorbell. Bumaba ako tsaka binuksan yung pinto. Nagulat ako nang nakita ko si Suho na hinihingal at may dalang bag.
"Nandito na ako. Hahahaha." Pagkasabi niya nun ay agad ko siyang niyakap. Wala akong pakialam kung pawis siya pero proud ako kasi tumakbo siya mula sa village nila papunta sa bahay ko.
"Grabe ka! Akala ko kung bakit mo ko binabaan ng tawag ehh. Alam mo bang nakakainis ka?!" Naluluha kong sabi.
"Sorry, kasi pinag-alala kita." Sabi niya sabay halik sa noo ko. Namula ang pisngi ko nang dahil dun. Kinikilig ako!
"Ok na ako. Sige, pasok ka na ang init jan sa labas." Pagkapasok niya ay pumunta ako sa kusina para ikuha siya ng tubig dahil pagod na pagod siya.
"Tara, simulan na natin yang assignment mo." Nakangiti niyang sabi.
End of Flashback
"Heaven?"
"..."
"Heaven?"
"..."
"Uy, Heaven!" Nagulat ako ng bila na lang ako inalog ni Suho. Hindi ko na namalayan na natulala na ako.
"Ay, sorry may naisip lang. Bakit mo ako tinatawag?"
"Kanina ka pa kasi nakatulala jan ehh. Sabi ko, tutulungan kita sa assignment mo." Nakangiti niyang sabi na nagpabilis sa tibok ng puso ko.
"Uhh, sige. Salamat ha?" Sabi ko.
"Sus, alam ko naman na hanggang ngayon ayaw mo pa rin sa math." Naalala niya pa pala yun.
Suho's POV
Pagkatapos kong tulungan si Heaven sa math assignment niya, ay pumunta ako sa tambayan namin para maglaro ng basketball.
"Oh, ayan na pala si leader-hyung!" Sabi ni Tao.
"Sorry kung ngayon lang ako nakapunta. May inasikaso lang ako." Sabi ko.
"Ahh ok inasikaso mo siya." Tumatangong sabi ni Chen. Oo na tama siya.
"Basta yun na yun. Tara practice na tayo."
Pagkatapos naming mag-practice ay nagpahinga muna kami.
"Tara guys, hinihintay na tayo ni Kyungsoo hyung sa bahay." Sabi ni Kai.
Lahat kami ay tumayo at pumunta sa sari-sarili naming sasakyan. Habang nagda-drive ay nakita ko si Heaven na kasama si Mark sa isang Café. Iginilid ko ang aking sasakyan atsaka sila tinignan mabuti. Hinawakan ni Mark ang kamay ni Heaven na siyang nagpa-inis sa akin. Hindi ko napansin na mahigpit ang hawak ko sa manibela ng kotse ko. Bago pa nila ako makita ay pinaandar ko na ulit ang kotse ko at umalis na dun sa lugar na yun.
**********************************
"Kyungsoo! Masarap ba yang niluto mo para sa amin?" Tanong agad ni Kai pagkadating pa lang namin.
"Kanina ka pa tanong ng tanong, nog-nog." Natawa sila sa sinabi ni Kyungsoo.
"Hyung grabe ka naman!" Ngawa ni Kai.
"Kanina ka pa seryoso. Anong problema?" Tanong ni Xiumin habang naka-akbay sa akin. Kwinento ko lahat ng nakita ko kanina. "Hay nako Suho, selos ka talaga noh? Kung sabihin mo sa kanya kung bakit mo siya hiniwalayan noon, baka maintindihan ka niya at balikan ka."
"Ewan ko hyung. Natatakot ako. Baka bumalik siya at saktan ng tuluyan si Heaven." Sabi ko.
"Hayaan mo, nandito naman kaming mga kabarkada mo." Nakangiting sabi ni Xiumin. Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Mga hyung tara kainan na!" Tawag ni Chanyeol sa amin. Natatawang pumunta kami ni Xiumin sa kusina at sinamahan silang 10.
Heaven's POV
Hinatid ako ni Mark papunta sa dorm ko. Kanina kasi niyaya niya akong kumain sa isang malapit na café. Pumayag ako kasi wala pa naman si Suho dito sa dorm. Sabi niya pumunta siya kanila Kyungsoo at doon na daw siya kakain.
Pagkapasok ko sa loob ng dorm ay nagulat ako dahil nasa loob si Suho.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya sa akin na may iritasyon na tono.
"Ahh, niyaya lang ako ni Mark. Kanina ka pa ba?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Ahh, kani-kanina lang. May gusto akong itanong sayo." Sandali ay tumahimik siya bago magsalita ulit. "Ano si Mark sayo?" Wag mo sabihing, nagseselos siya? Imposibleng magselos si Suho diba?
"Ahh, kaibigan ko lang siya. We're just friends. No more, no less." Sabi ko sa kanya. Honestly, totoo naman yung sinabi ko ehh. Magkaibigan lang kami.
"Ahh, ehh, tayo. Ano ba ako sayo." Tinignan niya ako sa mata na siyang nagpagulat sa akin. Ano nga ba siya? Kaibigan? Ex? Past? Heartbreaker? Nakaraan?
"Syempre, kaibigan kita noh." Yan ang sinabi ko dahil parang yun lang naman yung status naming dalawa ehh.
"Ahh, may nanliligaw na ba sayo?" Bakit ba ganyan siya magtanong? Kinakabahan ako ehh!
"Wala naman. Bakit?"
"Gusto ko sanang itanong..." Tumahimik siya. Nang sinabi niya ang mga hindi ko inaasahang mga salita na galing sa kanya ay bumilis ako tibok ng puso ko.
"Pwede ba kitang ligawan?"
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Sorry ngayon lang naka update. 😭😭
BINABASA MO ANG
My Ex is My Roommate [EXO FF]
FanfictionAnong gagawin mo kapag ang Ex mo ay naging ka-roommate mo? Ano kaya ang feeling ng ganoong bagay? Tanong na lang natin kay Heaven Choi, 20 years old na college student. Babalik kaya sila sa dati o hanggang roommates na lang sila ngayon?