Heaven's POV
Ang boring dito sa dorm. Sobrang tahimik. Nagulat na lang ako ng bigla na lang tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko yun at tinignan kung sino ang tumawag. Jusko pinsan ko lang pala na kakambal ko. Bakit ko siya kakambal? Hindi dahil pareho kami ng birthday, sa birth-month lang kami pareho. Pero kami na yung close since birth ko. ^_^
"Bakit kambal?" Tanong ko agad sa kanya. Bakit naman bigla na lang toh tatawag?
"Wala naman, kakamustahin sana kita ehh. Alam mo ba ang ganda mo. Hihihi." Binola pa ako. May kailangan tong si kambal ehh.
"Wala akong pera kung yan ang gusto mo galing sa akin." Sabi ko sa kanya. Aba totoo naman ehh. Nag-iipon kaya ako para sa school.
"Hindi naman pera ehh pero seryoso kakamustahin kita kasi alam kong ka-dorm mo yung ex mo tama ako?"
At saan naman niya narinig yang balita na yan o malakas talaga pang-sense nitong si kamabal."Paano mo nalaman?"
"Syempre dahil sa asawa ko. Hihihi." Kilig na naman dahil kay kuya Xiumin. Oo nga noh kaibigan nga pala niya si Suho. Hayyss.
"Oo nga pala tropa sila ni pandak." Oo pandak tawag ko sa kanya dahil maliit siya well sa kanilang magto-tropa siya yung pinakamaliit.
"Hahahaha! Pandak na nagpa-gluta, ganon?" Hayyss nakikisakay na naman toh sa trip ko. Hahahahah!
"Oo hahahaha! Kamusta na pala si BamBam?" Oo may anak na tong babaeng toh.
"Ahh ito nag-aaral mabuti. Mana sa akin ehh. Pero pagdating sa math mana na sa tatay." Baliw talaga toh hahahaha!
"Oo na sige na ingat kayo jan ha?"
"Oo naman kambal lalo ka na. Sige na tawag na ako nitong anak ko. Bye!" At binaba ko na yung tawag. Mag-iingat ako? Bakit kakainin niya ba ako?
Lumabas muna ako ng dorm dahil napaka-tahimik talaga. Hindi ko kayang tiisin ang katahimikan.
Pagkapasok ko sa elavator ay nakita ko Mark. Ngitian niya ako at ganon din ako sa kanya. Ommoooo ang pogi niya talaga.
"Saan ka pupunta Heaven?" Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.
"Ahh, sa tabi-tabi lang siguro." Nahihiya kong sabi. Pabebe pa ako ehh halata namang kinikilig ako.
"Tara samahan kita. Gala tayo. Ang boring kasi sa dorm ko ehh. Hehehe." Ang cute niya talaga. >_<
"Ahh ok lang ba? Baka nakaka-istorbo ako sayo?"
"Don't worry. Kung nakaka-istorbo ka man mabuti yung because you're just right." Ok kinikilig na talaga ako nang super duper. >_<
Suho's POV
Naglakad-lakad ako dahil hindi ko kinaya yung awkwardness sa dorm. Kung sa bagay kasalanan ko kung bakit ang awkward naming dalawa sa isa't isa.
Habang naglalakad nakita ko si Heaven na may kasamang lalaki. Tinignan ko kung sinong lapastangan ang kasama niya. Hindi ko kilala pero nagseselos ako. Oo nakakainis kasi dapat kaming dalawa yung ganyan ngayon. Well ako naman ang may kasalanan ehh.
Nang mapansin kong nakalayo na sila, agad akong tumakbo at sinundan sila. Oo na stalker na kung stalker pero anong magagawa ko ehh mahal ko ehh. Pero paano kung may gawing masama sa kanya yung lalaki na yun? Edi ako magliligtas sa kanya. Ako kasi ang superman niya, noon. Pero nandito ako para ibalik sa dati ang lahat at walang makakapigil sa akin.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
BINABASA MO ANG
My Ex is My Roommate [EXO FF]
FanfictionAnong gagawin mo kapag ang Ex mo ay naging ka-roommate mo? Ano kaya ang feeling ng ganoong bagay? Tanong na lang natin kay Heaven Choi, 20 years old na college student. Babalik kaya sila sa dati o hanggang roommates na lang sila ngayon?