Dear diary, Lunes nanaman, which means kailangan ko nang bumangon bago panako gisingin ng tsinelas ni mama. Pagkabangon ko, binuksan ko ang cellphone ko, 6 new messages. Kinilig ako, puro load balance at public advisory nanaman ang nagtext sakin, buti na nga lang at dual sim phone ko, at least, nadodoble mga messages 😅. Pagkalabas ko ng kwarto, dumiretso na akong CR para maligo at magbihis habang nagluluto si mama. Pagkatapos kong maligo, kumain na ako, nagsapatos, at naghanda na para pumasok.
6:30 na wala pa rin yung school bus ko. Kapag late akong nakapag-ayos, sila 'tong magagalit sa school bus kasi ang bagal bagal ko raw (sarap sampalin left and right, up and down eh. For the record ah, isang beses palang ako nalalate), tapos kapag sila naman ang nalate, pasensya nalang palagi. Jusme Lord, anong klaseng School Bus 'to? Yang tataa??
"Jo, hindi raw makakarating yung school bus niyo, nasiraan ULIT." Tignan mo 'to, so sinong maga-adjust? Nagbabayad magulang ko ng maayos tapos palaging nasisiraan ( 3rd time na 'to nangyari. 1st time nung Thursday last week, 2nd time, nung Friday last week, tapos ngayong Monday.. Haaaaay sarap palamunin ng putik eh). #MgaMukhangPera 😒
I really wanted to commute pero baka raw marape ako (sa ganda kong 'to, hindi ko masisi magulang ko 😎). So ayun, nagpahatid nalang ako kay papa. Nalate ako ng 2 minutes and 19 seconds. You might be wondering if gawa gawa ko lang yung 2m19s na yun? No. Napakagaling kaya ng pabibo naming guard, kakapasok ko pa lang sa gate, imbis na batiin ako ng good morning mam, sasabihin ba naman, "Sorty mam, late ka na ng 2 minutes and 19 seconds." Nakakaloka ka kuya, sana naging orasan ka nalang. #Buset
Pagbukas ko ng pinto ng classrom, lahat sila nakatingin sakin (alam kong maganda ako, pero I'm still shy hihihi), yung tipong papasok ka tinititigan ka ng lahat from head to toe. Feeling ko nga sa mga isipan nila nang ja-judge na sila eh. Pero you know, ganun talaga pag sikat. ★
"JOAAAAAAAAAANNE AQUINOOOOOOOO, LET US TALK OUTSIDE.", kaloka pinahaba pa pangalan ko, Joanne lang kasi, baka kalag yan yung binigay saking pangalan bibilangin ko pa yung letter A at O habang nagsusulat ng pangalan, hassle 'te, hassle.
"You have already been late for THREEEE DAAAAYS, do you know what does that mean?" (All caps talaga yung three days kasi maarte siya magsalita 😜). "Yes mam." So bale ayun, napa oo nalang ako kahit hindi ko talaga alam kung ano yung tinutukoy niya, kahit napakalakas ng boses napaka arte magsalita daig pa yung may bagong braces. Sa megaphone yata 'to pinaglihi, sigaw ng sigaw kahit kaming dalawa lang naguusap eh. Daig pa yung mga nag ra-rally sa EDSA 📣. "IT MEAAAAANS, I HAVE TO TELL YOUR PARENTS NA AGAHAN ANG PAGHAHATID SAYO." (nakakabingi na, I kennat 😣) Nagbuntong hininga muna ako bago magsalita, kasi kapag ganito yung situation, alam kong biglang bibilis pananalita ko. "Mam, alam nila na late ako. Nasiraan yung school bus namin, late na nagsabi. And yes mam, three days na silang paulit-ulit na nasisiraan. A-" "SINASAGOT MO NA AKO NGAYON, MISSSSSS AQUINO?" Nakakaloka 'tong teacher na 'to ah, sarap kaltukan ng lungs eh. "No mam, I'm just explaining my side. I'm sorry if ever nayabangan kayo sa approach." Ayun, napilitan mag apologize, sarreh okay? Maganda lang, nagkakamali rin. "I'LL HAVE TO CALL YOUR PAAAARENTS." At bago pa ako malapagsalita, "ENTER THE CLAAASSROOM AND WAAAIT FOR YOUR NEXT TEEEACHER." Nakakaloka na this, hindi ko kinaya 😡.
Ayun, pagpasok ko ng classroom pinaguusapan ako, of course narinig nila yung usapan namin ni ma'am (more like sigawan 😒). Bago pa ako makaupo, my phone suddenly vibrated. Omg, si crush 😍😍😍. Hi Joanne, narinig ko 'usapan' niyo ni Ms. Panganiban ah, intense hahahaha. If you need anything, just text me okay? 😉. I feel like a Disney princess na, hihihihi. Buti nalang talaga at friend ko si crush.. Friend... Friend. Lang... 😐
Last preriod, Biology
"Psst, bes" "Pssssssssst" sitsit ng sitsit eh kanina pa nga ako nakatingin, hindi nalang magsalita, ka stress naman this gurl. "Ano?" "Good luck gurl." Anong good luck kaya pinagsasabi nitong babaitang 'to... Kinulot ko nalang noo ko para 'maipahiwatig' (taray 😜) ko sa kanya na hindi ko siya maintindihan. At bago pa siya makapag salita, biglang pumasok yung prof naming ubod ng sungit (iba pa 'to sa prof kaninang umaga haaayst), kalalaking tao pero daig pa babae kapag tinatagusan. "Clear your desks, I only want to see a yellow pad paper and a ballpen on your desk." Omfg I was shookt, test nga pala namin. And worse, wala na akong yellow pad!! 😱😨
Buti nalang biglang may lumusot na yellow pad malapit sa pintuan (kung saan ako nakaupo, swerte ko hihihi). Sssshet, it's from papa Jake, my night in shining armor 😍 (yes, night talaga cuz he's dark, dark, and yummy 😍). Nakakaloka I want to cry na, pero masisira make up ko so later nalang.
I finished the test with confidence. Joke, wala talaga akong alam. Nasurprise rin yata yung utak ko at wala siyang maisip. Mga tipong 7 out of 20 questions lang nasagot ko, essay type naman so madaling bolahin. And yung iba, pang beauty queen na sagot nalang sinulat ko, but I believe that I can still pass that test. Ika nga nila, a simple piece of paper can't stop you from dreaming. Chos, nakalimutan ko na, nakakahiya english pa ako ng english mali mali naman yung grammar. So eto na nga, nagtext na si futre husband, Jake mylabs 😍😍.
"I told you, if you need anything just tell me. Buti nalang napadaan ako sa class niyo that time. 😁"
Nakakaloka, tumili yung bestfriend ko, nakibasa pala. Nauna pang kiligin sakin humaygahd sarap suntukin ng esophagus eh. But yah, after kong basahin nabugbog siya kasi kilig na kilig ako, hihihi 😜. "Hoy wag kang magpapafall diyan ah, baka mamaya umasa ka, patay na patay ka pa naman diyan. Umayos ka be ah, mamaya baka mamaya mabuntis ka nang wala sa oras 😱." "Hoy gagita, dalagang Pilipina 'to no, a simple message can make me happy, but you know.. Kinilig lang talaga ako, hihihi is dis puppy love? 🐶" "Yan tayo eh, puppy love raw pero sa huli dog style na." Ayun, nasampal ko. 😂😂😂
= To be continued (part 2 released) =
"I'll return, I shall comeback.. Mali yata, basta, babalik ako, wait for meeee ~" - Joanne Aquino ❤👑
YOU ARE READING
Your Typical Filipina Story
HumorHi guys 👋, this is Joanne Aquino, and welcome to my world. You are about to read my diary, and for me, that diary is the only place kung saan pwede akong maging totoo sa aking sarili. Doon ko nilalagay ang aking mga saloobin, hinanakit, kilig, mga...