Dumating ang araw na di mo inaasahan,
Ang masasayang araw niyo ay tapos na ..
Pagkat siya'y mayroon nang bagong kasintahan,
Kaya heto ka ngayon iniwan niyang nag-iisa.Lumipas ang mga araw, ikaw ay tumamlay,
Dahil di mo matanggap na kayo ay hiwalay na.
Di makakain at makatulog sa lumbay,
Di mo makalimutan, pag-ibig niya'y wala na.Isang umaga naisip mong magpakasaya,
Para kahit sandali mapawi ang nadarama..
Sa iyong mga kaibigan, ika'y sumama,
Walang sinayang na sandali para lang sumaya.Sa pangyayaring ito, nabawasan ang lungkot mo,
Tinanggap mo na relasyon niyo'y hanggang doon lang.
Itinatak mo ang isang bagay sa isip mo,
"Siya'y hindi na akin, Ako'y magmumove-on na lang."Dumating ang araw, dating sinta'y nakita mo,
Biglang bumalik ang lahat ng nararamdaman mo..
Ika'y nanabik, mayakap siya at mahagkan,
Ngunit saya'y naglaho, bagong sinta'y kasunod lang.Muli ka na namang umiyak at humagulgol,
Wala kang paki kahit hininga mo'y hinahabol.
Isang realidad ang iyong naintindihan,
Pag-ibig mo sa kanya'y di nawala ng tuluyan.Pero paano mo nga ba ito wawakasan?
Kung masasayang alaala, laging nasa isipan..
Ngunit ang kahibanga'y kailangang ihinto,
Dahil di na sayo umiikot ang kanyang mundo.Sa araw-araw, unti-unti ka nang nagsanay,
Ibinalik mo ang saya kahit paminsan-minsa'y
Nakakaramdam ka ng sakit sa iyong puso,
Pero nalampasan mo ito para sa pagbabago.Dumating rin ang araw na iyong hinihintay,
Wala ka ng nararamdaman na sakit at lumbay.
Pag siya at ang bagong sinta'y iyong nakikita,
Dahil sa 'yong puso at isipan, siya ay wala na.Akala mo noon hindi mo 'to makakaya,
Pero heto ka ngayon, masaya kahit wala siya.
Ganun talaga kapag nagmahal, masasaktan ka ..
Lalo na 'pag hindi kayo para sa isa't isa.At ngayon naman, payo ko sayo ay maghintay,
Dahil ang taong para sa iyo ay on the way na!
Kaya try mo minsan na sa daan ay tumambay,
Baka kasi hindi niya alam na siya'y lampas na! XDHiling ko na maging masaya kayong dalawa,
At panghuli , hoy tropa ! CONGRATS ! dahil NAKAMOVE-ON kana !
BINABASA MO ANG
"Unspoken Words.." ❤
PoetryDamdaming masidhi Mga salitang di mamutawi Kaya sa tula nalang ipararaan At nais kong iyong malaman.. Masayang pagbabasa. ❤