"Mahal"

7 0 0
                                    

Mahal..
Mahal pa kita.
Mahal na mahal..
Katangahan mang mahalin ka pa kahit alam kong masaya kana sa iba.
Kagaguhan mang hintayin ka pa rin na bumalik kahit malabo na.
Malabo pa sa sa tubig na nilagyan ng buhangin.
Pagod narin naman ako eh.
Pagod na ako kakaasa na babalik ka pa sa piling ko.
Pagod kakahintay na sana maisip mo na "worth it" ako bilang kabiyak mo.

Pagod na ako.
Pero hindi yung puso ko mahal.. 💔

Gusto kong kalimutan ka na para mawala na yung sakit.
Kaso ikaw..
Ikaw yung pinakamasayang bagay na dumating sakin.

Gusto kong bitawan na lahat pero ayoko..
Dahil sa oras na bumitaw ako sa natitirang pag-asa ko, kasabay nitong mawawala unti-unti yung mga alaala ko sayo.
Yung mga alaala nating binuo.
Mga pangarap na ginustong matupad ng magkasama
Pero ngayon nais mong makasama ay hindi na ako..

Masakit mahal.

Wala na akong papel ngayon sa buhay mo.

Kaya mas gugustuhin kong masaktan nalang muna ngayon.
Hanggang naaalala ka pa ng buong pagkatao ko.
Magsisi dahil lang sa mga nangyari noon na siyang naging dahilan ng paglisan mo sa mundong kasama mo ako.
Umiyak dahil sa kwento nating ayoko pang magtapos pero lagpas na ako sa dulo.
Malungkot at magmukmok dahil sa tuluyan mong paglimot sa akin..

At sa atin.

Mas gugustuhin ko nalang muna 'to.
Mas gugustuhin kong maghintay nalang sa wala hanggang sa tuluyan kang makayanan na palayain ng puso ko.

Hanggang sa makaya kong matanggap ng buo na tapos na nga tayo. 💔

"Unspoken Words.." ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon