Ilang ulit pa bang kailangan kang saktan?
Para lang iyong maintindihan na siya'y salawahan.
Relasyon niyo'y hanggang kailan ipaglalaban?
Kung sa inyong dalawa, ikaw na ay sinukuan.Ilang ulit pa bang kailangan kang masaktan?
Para lang iyong itigil na ang kahibangan
Na kayo parin ang para sa isa't isa
At tanging kayong dalawa ang itinadhana..Wag mong isipin na wala nang magmamahal sayo,
Dahil lahat tayo ay may itinakdang kapareho..
Na mag-aalaga sa atin habang buhay
At makakasama natin hanggang tayo'y mamatay.Wag ka na sanang magpakamartir kaibigan,
Pagkat ginagawa mo'y walang patutunguhan.
Tama na ang minsa'y luha mo ay pumatak
At mundo mo'y kanyang nilagyan ng bitak.Nais ko sanang iparating sa iyo,
Wag kang mawawalan ng pag-asa.
Darating din ang taong muling bubuo ng mundo mo,
At mamahalin ka ng buong puso at kaluluwa. :)
BINABASA MO ANG
"Unspoken Words.." ❤
PoetryDamdaming masidhi Mga salitang di mamutawi Kaya sa tula nalang ipararaan At nais kong iyong malaman.. Masayang pagbabasa. ❤