"Pasimpleng banat"

6 0 0
                                    

Pssst ! lalake ! kamusta ka na ba ?
Kase sobrang namimiss na kita ..
Miss na miss na po kitang asarin,
Batukan, saktan, bulihin at barahin.

Ayokong mag-ingat ka ha !
Wish ko kasi na mahulog ka na sak--
Sa kanal dyan sa tabi-tabi,
Tas para may thrill gusto ko sana gabi XD

Wag ka naman masyadong magalit pag nangangasar ako sayo !
Mas nahuhulog kase ako --
Ayy este ! natutuwa ako pag nakasimangot yang mukha mo.

Kapag umiyak ka, yayakapin kita ng mahigpit,
Sabay bubulong ako ng "ang arte-arte mo!" then palo sa iyong puwit :P

Pasensya kana kung makulit ako,
Ito lang kase ang paraan ko para mapansin mo :)
Mapansin mo na kaya buhay ako,
Ay para manggulo ng manggulo sayo!

Hoy ! baka naman iniisip mo na may gusto ako sayo,
Takte ! wag ka ngang feelingero dyan at ambisyoso.
Baliw lang magkakagusto sayo tulad ko--
Ayy mali ! Baliw lang ako pero walang gusto sayo no !

Masayang masaya ako kase nakilala kita,
Kaya sana naman wag ka nang mawala pa :)
"Iloveyou" sabi ng puso-- este pusa namin, hahaha !
Crush ka kasi niya matagal na :D XD

"Unspoken Words.." ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon