Love Game
A chain letter that makes your fantasy turns into reality.
Posted: December 24, 2014
Written By: Aisazura.
Love Game
"Once you touch this letter keep this. This is a Love Game played in 1987 and scattered all over the world. You should distribute 7 copies of this letter to 7 person. Once you start to distribute this letter to 7 person, the love game begin. In 3 consecutive days there are steps you must do, you must take a risk to make this love game real. Of course, you will receive a good luck or a price especially in your love life--"
Ilang ulit ko nang binabasa ang nakasulat sa letter na ito at hindi ko matapos-tapos. I don't get it, actually. In the first place, bakit nandito itong letter na ito sa loob ng locker ko?
Seriously? Chain message?
Teka... anong napasok sa isip ng taong ito at inihulog lang sa locker ko? Nakakapagtaka kasi, feeling ko parang totoo siya. Parang may nag-uudyok sa akin na taposin ang pagbabasa nito kahit mukhang walang kwenta.
"Now the Love Game begin. On the first day, write a poem but remember, don't write the name of someone you love and just keep it..."
Poem? Nanadya ba ito o ano? Hilig kong gumawa ng poem para sa kanya. Masama ata ang dalang hangin nito sa akin. Urgh!
"then on the second day write the magic words 'I Love You' in a sticky note and post it on the locker of someone you love--"
Shit! This is too much... pero yung curiosity at kaba ko hindi mawala.
"Lastly, on the third day, you must wait and watch the sunset at the field of your school. And when the sun down, shout the name of the person you love."
Marahas akong napailing. What the! Seriously? Ibang klase. Mapapahiya ako nito eh. Hindi maiiwasan na walang makakarinig nun. Isigaw ba naman? Baliw ata ang gumawa nito. Oo, kabaliwan din ang sumunod sa love game na ito.
"Once you fulfill this Love Game, on the third day of the game, someone you love will ask you for a date. This is not a joke! Please do not ignore and make magic."
Make magic, my ass! Huminga ako ng malalim. Huwag mong patulan ang walang kwentang chain letter na ito, Aika!
Wag mong patulan!
Wag mong patulan!
"Leche! Kabaliktaran na naman ang gagawin ko. Kainis!"
"Are you okay?" Napalunok ako nang ma-realize kong si Ivan ang nagsalita.
Kumurap-kurap pa ako para siguradohin' na nasa harap ko talaga siya.
Nanadya ba talaga ang letter na ito? May sumpa ba talaga ito o ano? Can somebody tell me...
YOU ARE READING
Shitty Short Stories
KurzgeschichtenMostly my rejected Librong Itim entries are here. Horror ✓ Teen Fiction ✓