Real Talk

13 1 0
                                    


Real Talk

Posted: April 12, 2015

Written By: Aisazura

Written By: Aisazura

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Turtle net." Buntong hiningang nilapag ko ang laptop sa sahig.

"See? Adik lang e, ano? Ayaw pa kasing maniwala na slow ang connection dito." I glared at her. Ang over supportive kong best friend. Yeah right! Kasalanan ko ba na wala kaming wifi sa bahay? Yun nga eh. May laptop pero walang wifi. Saklap!

"Hiya naman ako sa sinasabi mong forever ano?" sagot ko sa kanya sabay kuha ng dinala niyang cookies. Ang forever sa kanya ay WiFi.

"Grabe lang! Yan rin ba yung sinasabi mong forever? Tumakbo ka talaga dito para maki-share ng wifi dahil diyan sa Forever mo." she said with a smirk and I rolled my eyes.

"Stalker disorder, alright!" Hindi na yata magagamot ang stalker disorder ko. Ini-istalk ko kasi yung...yung profile niya, at saka hinihintay yung status niya.

"Best, ito real talk." agad kong nasapo ang aking noo sa biglang sinabi niya.

"Mahal mo siya...pero Best, mahal ang tuition fee kaya mag-aral ka muna." I raised an eyebrow. Seryoso ba talaga siya dun?

"Best, ito talaga real talk." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Tumitig siya sa akin at handang tanggapin ang sasabihin ko. I cleared my throat and smile at her.

"Yung may crush ka tapos, hindi mo alam ang pangalan." at hinayaan na siya ang magbigay ng kahulugan nun. I smirked nang nakuha ang pinarating ko. Bigla siyang napasimangot sa sinabi ko.

"Ang daya mo! Eh di ikaw na." Umiwas siya ng tingin sa akin. Nagtampo na nga siya.

"Sabi mo kasi real talk. Peace tayo, Best!" natatawang sabi ko.

"Best!" Napatigil ako nang marinig na nag-eecho ang boses ng best friend ko sa magkabilang tenga ko. Hays!

"Bakit ba?" Inis na tanong ko at hinigit siya papasok ng classroom. Mapapagalitan talaga kami nito sa kakasigaw niya sa hallway.

"Nakita ko si Crushiiee!" kinikilig na sabi niya. Kunti na lang magtitili ito sa pwesto niya. Pinipigilan lang.

"Ah. Yung crush mo na hindi mo alam ang pangalan?" bigla niyang akong sinimangutan at hinampas sa kanang braso. Tinawanan ko na lang siya.

"Ayan ka na naman sa real talk mo."

"Kaya nga real talk diba?" pabalik na tanong ko. Ang sarap niyang asarin.

"Sige. Push mo yan! Hindi ko sasabihin kung nasaan yung Crushiiee mo." natauhan naman ako. Lagot!

"Best, alam mo naman yung trip ko diba? Hehe. Peace tayo. Ang cute mo kasing asarin." sabi ko sa kanya at ngumiti. Pilit na ngiti.

Shitty Short StoriesWhere stories live. Discover now