Sleep Over
(My Librong Itim Entry)Posted: November 04, 2016
Written By: Aisazura
"Malapit na tayo." pagbasag niya ng katahimikan. Tinatahak namin ngayon ang kahabaan ng subdivision kung saan siya nakatira. Isang research paper ang gagawin namin, at napagpasyahan na sa bahay nila gagawin iyon. Biglaan dahil deadline na bukas. Tumigil ang sasakyan sa harap ng pulang gate. Bumaba na ako at kinuha ang bag na dala ko.
"Welcome to our house, Keyla!" sabi niya at ngumiti lang ako bilang tugon. Nagsimula na siyang maglakad papasok. Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kanya. Malayo ang subdivision na ito mula sa amin kaya ramdam ko ang pagod.
"Wow! Ang ganda ng bahay niyo, Trina." siya naman ang ngumiti sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng bahay. Mula sa palamuti at sa mga ibang kagamitan ay mga antigo. Nakakamangha! Napatingin ako sa bahagi kung saan sa tingin ko ay papuntang kusina ngunit agad namang humarang sa harap ko si Trina. Kumunot naman ang noo ko.
"Akyat na tayo sa room ko. It's already six o' clock. Mas mabuti na maaga na natin matapos." sabi niya at nagsimulang umakyat ng hagdan na sa tabi ng kinatatayuan ko.
"Bawal ka mag-puyat ano?" tumango lang siya bilang tugon. Ang unang pinto na makikita mo sa taas ay kuwarto na niya. Napagitnaan ito ng dalawang kuwarto.
"Kanino yung dalawang room?" tanong ko pagkapasok sa room niya.
"Sa right, master bedroom at sa left sa sister ko na nasa province." sabi niya sabay lapag ng mga folders sa study table. Black and white ang theme ng room niya. Umupo ako sa kama niya. Malaki naman ang kama at pwede kaming tabi matulog. Bigla akong napatayo dahil sa gulat nang may tumabi sa aking isang babae.
"Mom! Tinatakot mo si Keyla." napatingin ako kay Trina at tumango na lang. Hindi pa rin humuhupa ang kaba sa aking dibdib.
"Feel at home, Keyla." ngumiti sa akin ang mommy niya at tinungo ang pinto. Nakatayo pa rin ako sa gulat. Papaano?...
"Hindi mo siya napansin ano? Busy ka kasi sa patingin-tingin ng room ko." sinagot niya ang tanong ko kahit hindi ko naman tinanong. Masyado talaga akong obvious. Napangiwi ako. Hays!
"Okay, let's start!" huminga ako ng malalim bago kinuha ang laptop ko. Mabuti na lang mabilis ang internet nila rito. Dalawa lang kami ang magka-grupo para iwas hassle na rin. Ang iba kasi ayaw mag cooperate kahit mag sleep over man lang. Actually, first time ko pa lang pumunta rito sa bahay nila Trina. Masyado kasi siyang tahimik at masikreto. We're best friend since first year college at ngayon, graduating student na kami.
"Nasaan ang daddy mo, Trin?" tanong ko habang nagta-type.
"Hmm.. Nasa garage ata." Tumingin ako sa kanya sandali na kanina pa hindi mapakali.
"May problema ba?" tanong ko, nilapag sa kama ang laptop at lumapit sa kanya.
"Hay! Ang hirap pala nito." napakamot siya sa ulo. Wala akong masagot sa kanya kaya bumalik na lang ako sa kama. Kinuha ko saglit ang cellphone ko para i-check kung may message. Tumahol ang aso nila kung kaya't nabitawan ko ang hawak na cellphone. Mabuti na lang sa kama pa rin ang bagsak ng cellphone ko.
YOU ARE READING
Shitty Short Stories
Short StoryMostly my rejected Librong Itim entries are here. Horror ✓ Teen Fiction ✓