Assuming Much

51 4 0
                                    

Assuming Much

Posted: June 21, 2014

Written By: Aisazura.

Written By: Aisazura

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mahal kita.

Mahal mo siya.

Ang tanong,

Mahal ka rin ba niya?

Ilang beses ko nang paulit ulit binibigkas ang sinulat ko. Wala lang talaga akong magawa, atsaka gusto ko lang kasi ipamukha yan sa taong gusto ko.

"Hoy, Nicole!" Napangiwi ako, agad kong sinara ang notebook ko nang marinig ang nakakarinding boses niya.

"Ay, peste! " sambit ko na kunwaring nagulat sa presensya niya. Walang ganang hinarap ko ito.

"Grabe ka naman! Peste agad? Nakaka-hurt ka ah!" sabi niya na umaarteng nagpupunas pa ng luha.

"Kasalanan mo yan. Ba't ka ba nanggugulat ha?" Asar na tanong ko sa kanya at inirapan pa siya.

"Trip ko lang."

"Umalis ka na nga. May ginagawa pa ako oh!" sabay pakita ko sa kanya ng notebook ko.

"Ganun? Sayang! Nasa labas pa naman ng room si Drake." Nakangiting aso siya habang sinasabi yun.

Ano daw? Drake ba kamo?

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Tara!" Sabay hila ko sa kanya palabas ng room.

Pero teka... bakit ko kinalimutan ang rason kung bakit siya nandito? Hays!

Tumigil ako sa paglalakad hindi kalayuan sa pintuan ng classroom. Marahas kong binitawan ang kamay ng friend ko. "Oh, Sorry! Peace tayo friend ha?" tinignan ko lang ng masama si Misha at bumalik na lang ako papasok ng classroom, matamlay na umupo sa upuan ko.

Hindi maganda ang view sa labas eh. May nagliligawan kasi... at ang magiting na manliligaw ay walang iba kundi ang manhid, bulag at tanga na crush ko.

Drake Locsin.

Ang ganda pakinggan diba? Yung description ko sa kanya, hindi yung pangalan niya.

Naka-move on na ako.

Ilang segundo lang kanina, kahit hindi naman dapat. Segundo lang. Ganun kabilis mag-move on.

Bakit naka-move on ako agad? Simple lang dahil...

Una, manhid siya. Dahil may magandang kagaya ko na nagkagusto sa kanya noon na hindi man lang niya naramdaman. Halos lahat, alam na may feelings ako para sa kanya pero siya, ayun manhid pa rin.

Dakilang manhid.

Drake the Manhid.

Pangalawa, bulag siya. Dahil hindi niya ako nakita. Hah! Sa kagandahan kong ito? Hindi niya ako tinapunan ng kahit isang tingin. Isama pa na hindi niya makita ang katotohanan na hindi siya deserving kay Janine.

Shitty Short StoriesWhere stories live. Discover now