The Love Letter (Horror)

18 1 0
                                    




The Love Letter

Posted: December 17, 2016

Written By: Aisazura

Written By: Aisazura

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I LOVE YOU. PS. Please, accept my love for you." napalingon siya sa classmate niya na nagbabasa ng isang love letter. Kumunot ang noo niya nang ngumiti ito habang hawak hawak ang love letter. Nakaramdam siya ng inggit ngunit binalewala niya lang ito. Pagkatapos niyang ayusin ang locker ay nagsimula na siyang maglakad paalis.

"Ayesha, wait!" tumigil siya sandali para hintayin ang classmate nito.

"Yung love letter kanino galing?" tanong niya nang magsimula na silang maglakad.

"Hmm.. Hindi ko alam e. Tinapon ko na." sabay tawa nito. Agad naman siyang napatigil sa sagot nito.

"Bakit mo naman ginawa yun?" hindi niya alam kung bakit ang laki pa rin ng epekto sa kanya kapag ang usapan ay isang love letter.

"Duh! Sa tingin mo ba nagco-collect ako nun? Isa pa, sanay na ako tumanggap ng ganun at sabay tapon. At least, binasa ko pa rin." naunang naglakad ang classmate niya na patuloy pa rin sa pagtawa. Napabuntong hininga na lamang siya bago pumasok ng room.

"Class dismiss!" tumayo na siya at nagsimulang mag-ayos.

"Aaaahhhhh!" isang sigaw ang kumuha ng atensyon ng lahat ng estudyante sa loob ng paaralan. Tumakbo siya palabas ng classroom hindi alintana na nabitawan niya ang cellphone.

"Ano'ng nangyari?" hindi siya mapalagay ay nagtanong siya. Hindi sumagot ang taong pinagtanungan niya sa halip ay may tinuro ito.

Napatakip siya ng bibig nang makitang nakahiga ang classmate niya na nakatirik ang mata sa gitna ng hallway na tila may nakita itong kakaiba. Napuno ng bulong bulongan ang buong hallway sa nakita. Walang may alam kung ano ang nangyari sa kanya. Lumabas lang ito para sagutin ang cellphone nito.

Matapos dalhin ang classmate niya sa hospital ay unti unting umalis na rin ang mga estudyante na parang walang nangyari. Nagtataka siya dahil kaninang umaga lang ay nagkausap pa sila tungkol sa love letter na natanggap nito. Nakayuko siyang umalis ng school.

Maaga siyang pumasok para makibalita sa nangyari kahapon. Naririnig niya pa rin ang mga bulong bulongan lalong lalo na ang mga classmate niya na nagtitipon sa gilid ng classroom.

"Alam niyo ba ang nangyari dun kay Misha? Yung top 1 sa section A?" napatigil siya sa paglalakad papuntang upuan nang marinig ang usapan ng mga ito.

"Natagpuan rin na nakatirik ang mga mata niya sa loob ng library. Nangyari iyon matapos dalhin sa hospital ang classmate natin." Napahawak siya sa upuan. Nagtataka siya kung bakit halos sabay na nangyari iyon.

Gumapang na ang kuryusidad niya.

"Ang sabi raw ay may nakita silang isang lalaking naliligo sa sariling dugo at halos laspag na ang katawan nito. Naka-uniporme ito ng school natin." halos mabingi na siya sa mga tili ng mga kaklaseng niyang takot na takot sa kwento. Napailing siya at binalewala na lamang ito. Ang importante ay buhay ang classmate niya at ang schoolmate nito.

Shitty Short StoriesWhere stories live. Discover now