2 - Triggered

30 1 0
                                    


Alorah POV

Vin...


Aw! Bakit biglang ansakit ng ulo ko. Nahihilo ak---



"Ms. Gonzaga!"


"Omg Ngets! Beks anyare sa'yo!"


"Ma'am dadalhin ko na po siya sa clinic"


"Ok Mr. Sanchez, you may go now. Thank you."


Nagdilim na ang paligid ko.


***

"Buti naman at gising ka na."


Anong ginagawa niya rito? Ano bang nangyari?


"Nahimatay ka kanina."


Oo nga pala. Biglang sumakit yung ulo ko. After kong basahin yung note niya kanina, parang biglang nag pop up sa isip ko ung pangalan na "Vin".


"Kumusta pakiramdam mo?" Usisa niya ng hindi nakatingin sa akin.


"A-ayos na ako. Medyo nahilo lang ako kanina. Pasensya na sa abala." Ang awkward. Siya pa talaga nagdala sa akin dito.


"Nandyan na sa labas ang mama mo, tinawagan ko na siya para makauwi ka na ngayon. Mukhang ayos ka naman na kaya aalis na ako."


Tatalikod na siya ng hawakan ko ang kamay niya. Oy hindi to tyansing ah! Agad naman siyang napalingon ng may pagtataka.


"Maraming salamat sa pagdala sa akin dito."


Ngumiti lang siya sa akin. Isang malungkot na ngiti.


Bakit ganun siya? At bakit ganito ang pakiramdam ko sa kanya? Last last week ko lang naman siya nakilala eh. Weird.


Agad pumasok si mama sa kwarto ko at niyakap ako ng napakahigpit. Eeeeek matotodas ako sa suffocation kay mama eh.


"Ashley! Di mo alam kung gaano ako nag alala sa'yo. Ano ng nararamdaman mo? May masakit pa ba sa'yo? May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang anak."


Naiiyak naman ako kay mama. Hello? Nahimatay lang naman ako, jusmiyo. Kaya mahal na mahal ko si mama eh.


"Ma, nahilo lang po ako. Nahimatay, ganern. Malayo po sa bituka to. Pero since sabi niyo sabihin ko lang gusto ko, bili po tayong ice cream tas ipagluto niyo po akong peyborit kong carbonara. Please mama. *Puppy eyes*


"Di ka talaga magsawa sa carbonara anak. Oo sige, ipagluluto kita. Pero sa ngayon, umuwi na muna tayo para makapag pahinga ka na."


"Ok ma, tara na po."


***

Burrrrrrrrrf!!


Whaaaaaaaaa! Ang sarap talaga ng carbonara ni mama. huhuhu! The best! Heaven pa tong ice cream ko na cookies and cream, one gallon bes! Naiiyak ako sa saya!!


Food trip is hart hart! <3


After kumain magbabasa na sana ako ng notes sa school nang nakita ko ulit yung note ni Ryan kanina.


"I'm sorry, Ash."


Bakit naman kaya siya nagsosorry? Dahil ba sa paghalik niya sakin last last week? Dapat lang noh! First kiss ko pa naman yon! >///<
Hindi pa kami tapos, magtutuos pa tayo Ryan Levin Sanchez! Ina-knock out kita!!


Perfect Happily Never After Where stories live. Discover now