Carla POV
Omyghad! May sarili akong POV? I'm so kilig na talaga author! Labyu! Ewww conyo.
Anyway, baka kung anong pagpapakilala ginawa ni Lorah sa akin sa inyo kaya lemme introduce my gorgeous self to everyone.
Di man bagay sa kagandahan ko yung pangalan ko pero sadyang nakakalalaki talaga ang pangalang Carlito Kean. Ewan ba kay pudra bakit hindi nalang Carla.
Elementary palang kami ni Lorah ay mag bestfriend na kami. Sobrang bait niyan pero may pagka topak at sabaw ng utak. Matalino at sobrang malambing.
Kahit lagi kaming nagbabangayan at nag ookrayan, never kong hinayaan na malungkot siya. I always wanted to protect her pero hindi kami talo niyan, mandiri kayo sa mga iniisip niyo. Ewwww. Mas dyosa pa rin ako.
Pero yung araw na yun, pakiramdam ko hindi ko siya naprotektahan. So hanggang dyan nalang muna, masyado na kayong chismosa sa talambuhay ko.
Gulat ang katawang dyosa ko ng makita ko si Levin. The new transferee sa school namin, at katabi pa ni Alorah.
Ang gwapo pa rin niya as ever. Fafable pa rin hahaha!
Agad kong tinawagan ang Mommy ni Lorah para kumustahin. Sobrang close kami ni Tita Crystal. Sobrang close...
Mahal ko yung best friend kong yun kahit sira ulo at maluwag ang turnilyo sa utak. Parang kapatid ko na siya at ayokong may mangyaring masama sa kanya. Not again.
Kaya kung kelangan kong maging kontrabida sa buhay ni Lorah, I will.
Alorah POV
Weekends ngayon and yes! I felt relieved na hindi ko makikita yung Ryan na yun.
Hindi naman na kami nagkausap after nung sa clinic incident, pero lagi ko pa rin siyang nahuhuli na nakatingin sa akin. At araw-araw ding nagkakarerahan ang mga kabayo sa puso ko. Weird, nagkasya yung mga kabayo.
Dapat nga badtrip ako sa lalaking yun kase hanggang ngayon, nasa isip ko pa rin yung kiss scene na nangyari! Di ko makalimutan kaasar!
Matawagan nga ang mga girl friends ko.
"Calling KL. . ."
"Hello KL! Punta kayo dito sa bahay, isama mo si JC. Foodtrip tayooooooo. Super miss ko na kayo!"
"Whaaaaaaaaa miss ka na rin namin ni JC! Punta na kami agad, wait for us. mwaaaaaaa!"
Bukod kay Carla, I also have my 2 girlfriends, KL and JC. Classmate ko sila dati nung 2nd year college pero nagtransfer din sila a year after. Pero we still have our contacts kaya di nawawala ang bond.
After an hour naririnig ko na yung pagkalabog ng hagdanan namin. Well, friends aren't friends kung hindi nila gigibain ang bahay mo. Hindi na nga sila nag doorbell eh.
"Whaaaaaaaaa Loraaaaaaaaaaah!!" Sabay takbo nila para yakapin ako. Sobrang namiss ko kabaliwan netong dalawang to
"Namiss ko din kayo! Iniwan niyo kase kami ni Carla eh, dalawa nalang tuloy kaming nag ookrayan." Pagmamaktol ko kunwari.
"Sorry na talaga frenny, wala kaming pakialam sa nararamdaman mo. Joke lang! You know naman fashion designing talaga linya namin ni KL, we suck at acting. hahaha!" Ganun pa rin si JC, may halong realtalk pa rin. Whaaa namiss ko pang ookray neto.
YOU ARE READING
Perfect Happily Never After
Teen FictionI hate fairytales. But I do believe in happy endings. Oh let me rephrase, I once believed in Happily Ever After.