Ryan Levin POVMababaliw na ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Galit sa sarili, binabaon na konsensya, pagsisisi, sobrang sakit...
Sana ako nalang.
Bakit hindi nalang ako yung nasa kalagayan niya? Ako dapat ang dumadanas ng lahat ng paghihirap niya.
Kung maibabalik ko lang ang panahon sana naging makasarili na lang ako.
Basta alam kong nasa akin ka lang.
***
Alorah Ashley POV
Natatakot akong imulat ang mga mata ko. Hindi... Isang bangungot lang yung nangyari.
Imposible. Migraine lang 'to kaya imposibleng mawala ang paningin ko ng dahil lang dun.
Tama. Hindi pwedeng mabulag ako. Lalaitin ko pa si Carla. Kukutusan ko pa si Ryan. Magpapaturo pa akong magluto ng special carbonara kay mama. Aarte pa ako sa entablado. Tutuparin ko pa ang pangarap ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napaiyak na lamang ako.
Sabi na't isang bangungot lamang iyon.
"Mama, Papa." Masaya ako ma sila ang una kong nakita.
"Anak! Ayos ka lang ba? Anong masakit? Sabihin mo samin please anak." Ngumiti na lamang ako at niyakap ko sila. Napaka swerte ko sa pamilya ko, na kahit nag iisang anak nila ako ay hindi ko naramdaman na may kulang sa akin.
"Anak yung paglabo ng paningin mo, epekto yun ng mga test at gamot na pinapainom sa'yo." Huwag ka ng mag alala ha? Nandito lang kami ng papa mo. Hindi ka namin pababayaan."
May bahagi sa puso at isip ko na hindi makumbinsi. At nararamdaman kong may nililihim sila sa akin.
Kailangan kong makausap si Carla.
***
"Hinay-hinay naman sa paglamon Lorah, baka naman kainin mo pati pinggan at kutsara. Magtira ka naman ng hugasin." Sinabi ko kina mama na papuntahin nila si Carla dito. Alam kong masasagot niya ang mga tanong ko.
"Oa mo beks, pasalamat ka maraming nakatusok na karayom sakin kundi tatamaan ka ng matinid-tindi." Inirapan nalang niya ako. Ganyan yan eh. Bipolar. Mukang Polar bear. Joke!
Umayos ako ng upo at tinignan siya ng seryoso. Nakita kong nagbago ang ekspresyon niya at nakikiramdam sa akin.
"Carlito, pakiramdam ko may nililihim sina mama sa akin." Kanina hindi pa pansin ang kaba sa kanya pero ngayon ramdam ko na yung pagka tense niya. Kilala ko na kilos niya.
"A-ano naman ang ililihim ni Tita Crystal sa'yo?"
"Hindi ko alam beks, kaya nga kita pinapunta dito. Gusto kong tulungan mo akong masagot ang mga kutob ko." Hindi na siya makatingin ng diretso sa akin.
"Anong alam mo Carlito?" Ramdam ko na may alam siyang hindi ko alam. Bakit nagtatago sila sa akin?
"May mga bagay na dapat hindi mo na lang inaalam Lorah." Agad siyang umalis at iniwan akong puno ng tanong sa isip.
Pumasok naman si mama sa kwarto ko na may dalang mga prutas.
"Ashley kainin mo ito para lumakas ka. Marami kang mamimiss out sa school kapag di mo maibalik ang lakas mo."
Sinunod ko naman si mama at kinain ang mga dala niya. Sa kalagitnaan ng walang imikan ay binasag ni mama ang katahimikan na nabubuo sa amin.
"Ashley. Ayokong dumidikit ka dun sa transferee niyo? Naiintindihan mo ba ako anak?" Kay Ryan?
"Po? Bakit naman po mama? May ginawa ba siya sa inyo? Inaaway ka rin ba?" Aba't pati ba naman nanay ko inaaway ng lalaking 'yun? Makakatikim na talaga siya ng galit ko!
"Basta sundin mo nalang ako anak. Pangako mo sa akin na hindi mo na ulit kakausapin o lalapitan pa ang lalaking 'yon. Maliwanag ba anak?" Tumango nalang ako.
Bakit naman nila ko pinspaiwas kay Ryan? Hindi sa gusto ko siyang kinakausap o anupaman pero, paano naman nila nakilala ang nilalang na yun?
***
Apat na araw akong absent sa school kaya naman naidischarge na rin ako sa ospital. Binigyan ako ng mga gamot na iinumin at pinaalalahanang magpa check up agad kapag may naramdaman akong kakaiba.
Hay sa wakas! Nakalanghap na rin ng polluted na hangin. Di ko rin kase gusto amoy sa ospital eh.
Pagkauwi namin ay pumunta agad ako sa kwarto ko. Hay namiss ko ang malambot kong kama.
Kinuha ko sa bed side table yung phone ko, naiwan ko pala 'to mula nung araw na naospital ako.
Maraming text galing kina JC at KL. Nangungumusta and as usual, mga naghihysterical na naman sila.
Isang message galing kay Carla na sabing magpagaling daw ako agad. Ang awkward ng huling pag uusap namin. Hindi ko alam paano ko siya kakausapin ngayong may tinatago siya sa akin?
At isang message galing ulit dun sa number na napag isipan kong prank text lang.
"Patawarin mo ako Ash."
Tawagan ko kaya? Hindi naman siguro masamang kilalanin ko na kung sino siya 'diba?
Calling 09********* . . .
Ring. . . Ring. . . Ring. . .
Shems! Sinagot niya!
"Hello?" Paunang salita ko.
"Hello? pwede ko bang malaman kung sino ka? At saan mo nakuha number ko?" Aba hindi nagsasalita?
"Ash. . ." Lalaki yung boses?
"Oy kuya? Pwede bang sagutin mo yung tanong---" Ay bastos. Pinutol na agad niya yung tawag.
1 message received
"I'm sorry Ash."
Uhhh! Sumasakit na talaga ulo ko sa mystery sender na to.
***
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school para abangan si Ryan. Oo alam kong nag promise ako kay mama na hindi ako lalapit sa kanya. May gusto lang akong malaman sa lalaking 'to.
Natanaw ko na sa di kalayuan si Ryan. Hinintay kong dumaan siya sa corridor para walang masyadong tao.
Dire-diretso siyang naglalakad at di man lang tumitingin sa akin.
"Ryan... Sandali..." Kinapitan ko ang dulo ng polo niya para pahintuin siya sa paglalakad.
"Ano yon? May klase pa tayo." Alam ko malamang. -_-
"May gusto lang akong itanong sa'yo." Bahala na.
Nakangiti siya sa akin, pero sinasabi ng mga mata niya yung kabaligtaran ng ngiti niya.
"Ryan, ikaw ba yung nagtetext sa akin? Ikaw ba si mystery sender?"
Naging seryoso bigla ang itsura niya.
"Sino ka para itext ko? Kaya kung pwede? Aalis na ako. Ayokong ma late sa klase. Dyan ka na."
What the? So hindi siya... Sino naman kaya yun?
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
Sorry medyo lame po ang update.
Bawi ako sa next chapter. ^^
Thank you po sa reads! :*
YOU ARE READING
Perfect Happily Never After
Novela JuvenilI hate fairytales. But I do believe in happy endings. Oh let me rephrase, I once believed in Happily Ever After.