Alorah Ashley POV
Hindi ako makatingin kay Ryan nung pumasok ako sa classroom. Pasalamat siya marami akong iniisip ngayon at hinayaan ko siyang sungit-sungitan ako. -_-
Hindi ko rin kinakausap si Carla. Nagtatampo ako sa kanya dahil naglilihim siya sa akin. Pakiramdam ko andami kong hindi alam.
Itong kondisyon ko, yung pangalan na biglang bumagabag sa isip ko, at weird na kilos ni mama. Kailangan kong makuha ang mga sagot dahil hindi ako mapapanatag.
Timing na may meeting ang mga faculty members kaya binigay nalang nung Prof namin yung final project namin for this semester. At since Theater Arts Students kami, inatasan kaming mag porttay ng play na Sleeping Beauty.
Nagbotohan ang buong klase at di ako makapaniwalang ako ang pipiliin nilang Aurora, at ang worse pa, si Ryan ang gaganap na Phillip. Ow great.
Gustohin ko mang umapela ay wala na rin akong nagawa. Kailangan kong maging professional. Kahit na sobrang awkward ng sitwasyon at inis pa rin ako sa lalaking yun, I have to do my part since apektado ang grades ng buong klase sa play na 'to.
***
Mag isa akong uuwi ngayon kase hindi ako sumabay kay Carla. Napagpasyahan kong mag stay nalang muna sa park. Gusto kong ma-refresh ang utak ko dahil lately masyado ng nagiging kumplikado ang sitwasyon.
Gusto kong silayan ang sunset. Kailangan ko ng sariwang hangin. Mas gusto ko munang mapag isa.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko tuwing nandito ako sa lugar na ito. Para bang sobrang espesyal nito sa akin at masyadong sentimental sa lahat ng lugar na napuntahan ko.
Nakakatuwang panuorin ang mga batang naglalaro. Tila ba wala silang problemang iniisip. Malaya silang gawin ang lahat ng gusto nila.
A-ano yun?
Napapikit ako ng may maalala akong senaryo sa lugar na ito. Alam kong ako yung babae...pero di ko makilala kung sino ang kasama ko dito.
Masaya kaming naghahabulan at naglalaro na parang mga bata. Meron pang nakaluhod siya at nakatitig sa akin habang ako'y nakaupo sa swing. Bakit hindi ko makita kung sino ang lalaking 'yon?
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Bakit ako umiiyak?
"Alorah? Bakit ka umiiyak?" Agad kong pinahid ang luha ko nang makita ko kung sino ang nagsalita. Sa lahat naman ng maliligaw dito eh ito pang bipolar na lalaking 'to ang napadpad.
"W-wala ka na dun. Iwan mo nga ako." Sa totoo lang medyo nahihiya pa rin ako sa kanya dahil inakusahan ko siyang si mystery sender. Ang assuming ko pala sa part na yon.
"Pwede bang kahit ngayon lang? Kalimutan muna natin yung galit o inis. Mag usap tayo ng maayos. Paano nalang din tayo makakaarte ng maayos sa play natin kung may alitan tayong dalawa?"
May point naman siya, decimal point. Tama, para sa role play 'to. Hindi ko naman susuwayin si mama kase kailangan din namin talaga ng coordination dahil kami ang lead characters ng play.
Tumango na lamang ako bilang pag sang ayon. Ngumiti naman siya. In fairness, gwapo talaga siya. Lalo na ngayon, hindi na mapang asar yung pag ngiti niya sa akin. Napangiti rin ako.
Shemay bakit ako ngumiti! >///< Baka makampante naman 'to bigla.
"Anggandamotalagapagnakangiti." Ano daw? Ang bilis di ko naintindihan sinabi niya. Baka kung anu-ano na naman sinasabi neto sakin.
"Ha? May sinasabi ka ba?" Umiling naman siya. Ganun?
"Wala. Sabi ko maganda ka sana kaso bingi ka lang. Gamit-gamit din ng tenga hane hahaha!" Akala ko pa man din bumabait na siya. Naku!
"Pasalamatkagwapoka." Sinigurado kong 'di niya maririnig, baka lalong magyabang ang mokong.
"Matagal ko ng alam 'yan. Kaya nga lagi mo kong sinusungitan kase may crush ka sakin. Ang gwapo ko 'di ba?" Napaka hangin naman aba. Sabi ko nga walang makakalampas sa lalaking 'to. I admit defeat. -_-
"Whatever Ryan. Lumayas ka na nga sa harapan ko at baka mabura mukha mo sa mapa kapag hindi ka tumigil dyan. Wag mong sirain mood ko." Gwapo nga sobrang mapang asar naman. Tatanda agad ako kapag kasama ko siya eh.
"Ito naman oh. Joke lang. Wag mo na kong sungitan, baka sa play natin imbis na romantic eh susungitan mo lang ako. Maganda yung natural lang ang ipapakita natin sa mga manunuod."
Deym! Wag ka ngang ngumiti dyan! Bumibilis ang tibok ng puso ko sayo eh!
Nag iwas nalang ako ng tingin, baka mahalata pa niya yung pamumula ng pisngi ko, aasarin na naman ako niyan.
"Since hindi pa tayo nagkakakilanlan ng pormal, ako nga pala si Ryan Levin Sanchez. Pwedeng Vin for short."
Wait... Vin? Posible bang siya yun? Hindi ko nalang pinansin yung gumugulo sa isip ko.
"Alorah Ashley Gonzaga." Nag shake hands kami.
Matapos ang pormal na pagpapakilala sa isa't isa ay bigla niyang hinatak ang kamay ko at tumakbo ng pagkabilis-bilis. Halos makaladkad na ako habang tumatakbo kaming dalawa, grabe naman kase yung hakbang niya doble halos katumbas ng sa akin. Hirap akong habulin siya kaya naman tawa siya ng tawa.
Nagulat ako ng buhatin niya ko sa likod niya. Yung piggy back ride ganun. Sobrang nagulantang ang lahat ng nerves ko sa katawan kaya pinaghahampas ko siya ng mahina sa likod.
"H-hoy Ryan ibaba mo nga ako! Whaaaaaaaaaaa baka mahulog ako!" Naiilang ako kumapit ng mahigpit sa kanya pero sadyang pasaway siya, ayaw niya akong ibaba. Whaaaaaaaa!
Umikot-ikot pa siya habang tawa ng tawa sa reaksyon ko. Natatakot ako pero ansaya sa pakiramdam. Ngayon nalang ulit ako tumawa ng ganito.
Nang mapagod siya ay binaba na niya ako. Aba at parang walang kapaguran ang lalaking 'to, binuhat niya ko at isinakay sa seesaw!
Takot ako sa seesaw!!! Anything about heights!
"Whaaaaaaaaaa! Ryaaaaaan! Ayako na huhuhuhu." Kita niyo na? Gwapo lang siya pero bad siya! Baaaaad! Snob ba naman yung pag iyak ko? Tawa pa ng tawa!
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago hahahaha! Kahit sa seesaw takot ka pa rin." Hindi ko nalang pinansin ang sinasabi niya at busy akong kinakabahan dahil antagal bago niya mapagod sa letsugas na seesaw na 'to.
Nang matapos ang death defying ride sa seesaw hinawakan niya ulit ang kamay ko. Agad akong bumitaw kase baka kung saan na naman niya ako dalhin. Pero makulit talaga siya at humawak na naman.
"Sorry na kung natakot ka dun, enjoy ka naman diba? Ansaya kaya! Tara sa swing." At siya na nga ang nasunod.
Kanina sobrang energetic siya. Bipolar talaga ang isang 'to, tapos biglang ang tahimik niya ngayon. Akala ko masungit ng todo eh, kase nga sinungitan niya ko sa school kanina.
Ang misteryoso niya talaga.
"Sobrang special ng lugar na 'to sa akin. Kahit simple lang dito, para sa akin nandito yung kaligayahan ko. Kahit purong alaala na lamang ang lahat ng meron sa park na 'to."
Ramdam ko yung lungkot at sakit sa mga salita niya. At hindi ko inaasahan na mag oopen siya sa akin ng mga personal niyang nararamdaman. Lalong hindi ko inaasahan ang kanyang pagtingin sa akin habang tumutulo ang mga luha.
"Espesyal dito kase dito kami nagsumpaan ng pang habangbuhay... ng babaeng pinakamamahal ko.
~~~~~~~~~~~~
Kinikilig ako pero at the same time naiiyak ako habang nagsusulat.
Whaaaaaa memories! hahaha natrigger na naman.
Anyway hope you like the update po! :)
Thank you for the reads. mwaaah! :*
YOU ARE READING
Perfect Happily Never After
Teen FictionI hate fairytales. But I do believe in happy endings. Oh let me rephrase, I once believed in Happily Ever After.