CHAPTER EIGHT
“ARE you flirting with my brother?” natigil siya sa pagsubo at maang na napatingin kay Pierce na hindi maipinta ang mukha habang kumakain ng cookies na ninakaw… tama ninakaw talaga nito mula sa cookie jar na pinaglagyan ng kapatid nito ng mga iyon. Naka-uwi na sila sa bahay nito at kumakain.
“Baliw ka ba? Bakit mo pinag-iisipan ng ganyan ang kapatid mo?” hindi makapaniwalang tanong niya. “At ako pa talaga ang nagfi-flirt sa kapatid mo for God sake hindi mo ba alam na para ko na siyang kapatid I mean kaedad siya ng pamangkin ko.”
“Bakit kinakausap mo siya?”
“Hindi ba pwede? Alam mo Pierce napakawalang sense mo ng kausap I am not flirting with your brother but I like your brother because I feel him. I can feel his pain, those pain you didn’t even try to acknowledge dahil mas mahalaga sa iyo ang sarili mo. Excuse me.” Dinala niya ang plato niya sa kanyang silid at doon na kumain akala niya ay lulubayan na siya nito pero hindi pa pala dahil nakasunod ito sa kanya.
“Kapag nalaman kong nagfiflirt ka sa kapatid ko you will be punished.”
“Hindi mo pa ako asawa Pierce kaya wala ka pang hold sa akin at sinabi ko naman sa iyo hindi ba hindi ko dudungisan ang magandang pangalan mo.”
“Okay.” Inis na kinuha nito ang plato niya at hinila siya palabas ng bahay nito at literal na ipinasok sa loob ng kotse nito.
“Hoy saan mo ba ako dadalhin?”
“Just shut up.”
“Anong karapatan mong patahimikin ako?” lalabas na sana siya ng bigla nalang nitong paandarin ang kotse ng sobrang bilis. “Pierce ano ba ayoko pang mamatay.” Nahihintakutang sabi niya.
“Then be still and just keep quiet.”
Labag man sa loob niya ay nanahimik nalang siya dahil alam niyang hindi maganda ang mood nito at baka maisip pa nitong iuntog ang sasakyan. Huminto sila sa isang may kalakihang bahay. “Baba.” Kung makapag-utos lang.
“Bababa na po.”
Sumunod naman siya tapos ay kumatok ito at ang nagbukas ay isang may edad na lalaking halatang foreigner. Kinausap ito ni Pierce na hindi naman niya maintindihan ang usapan tapos ay hinila siya papasok sa bahay nito. Hala? Ano na ba ang nangyayari?
Ang laki ng ngisi ni Pierce ng muli silang bumalik sa bahay an hour later samantalang siya ay hindi maipinta ang mukha. She was blown away by the sudden turned of events para kasing ang bilis ng mga pangyayari. KASAL NA SIYA! Judge pala ang pinuntahan nila kanina and worst hindi man lang siya nakapaghanda.
“Bwisit ka.”
“Yeah baby, mabwisit ka sa akin but now we are already married.”
“Bwisit ka Pierce!” sigaw na niya. “Iuwi mo na ako sa Pilipinas.”
“Sure whenever you like.” At dahil sa hindi niya na napigilan ang panggigigil niya kaya asar na malakas niyang hinampas sa dibdib nito si Pierce. “Aw!”
“Serves you right!”
“We are now married Kissa I hope you’ll do your part as my wife.” Bigla itong sumeryoso.
BINABASA MO ANG
Royale Series 7: TEARS OF MINE (COMPLETED)
RomanceTEASER "Kirra." Narinig niyang bulong ni Pierce sa teynga niya habang hinahalikan siya. She bit her lips as she tried to stop her tears from falling at dahan-dahan kinalma ang sarili niya saka marahang itinulak ang binata. Suko na siya...