Chapter Ten-B
SUSUNDAN sana niya si Kissa pero biglang tumunog ang kanyang cellphone. It’s Gin’s number at kailangan niya iyong sagutin. Iritadong sinagot niya ang tawag ng kaibigan.
“What now?”
“It’s confirmed, nakalaya na nga si Gilbert mula sa bilanguan.”
Mas lalong tumaas ang lebel ng galit niya. “Sinabi ko naman sa iyo na nagkita nga sila hindi ba?” galit na wika niya. Sa galit niya ay nasuntok niya ang kanyang sariling mesa at kahit na dumugo ang kanyang kamao ay wala siyang pakialam because right now what matters the most ay ang mabilanggong muli ang pesteng lalaking iyon.
Sabi na ng aba niya at hindi maganda ang pakiramdam niya sa lalaking iyon. If he only knew, kung alam sana niya ng mas maaga hindi na muling makalalapit ang hudas na iyon sa babaeng mahal niya. Ngayon hindi lang si Kissa ang pwedeng mapahamak pati na rin ang kanilang magiging anak.
Kung nag-isip lang sana siya ng ibang paraan hindi na sana sila mag-aaway pa bakit ba kasi ang tanga-tanga niya?
“Make sure na nakabantay ang mga bodyguards ni Kissa sa kanya.” bilin niya kay Gin.
Ano ba talaga ang nangyari? Nalaman niya ang lahat ng iyon ng kausapin niya ang mga magulang ni Kissa.
Flashback…
“YOU married our daughter without our approval Madriaga ano sa tingin mo ang mararamdaman namin? Ilang taon naming tinikis ang anak namin para sa kaligtasan niya!” galit na sumbat sa kanya ng ama ni Kissa.
“Sir, we are not technically married. Hindi naipasa ng judge na nagconduct ng seremonya ang kasal namin sa Las Vegas. I have the papers and right now I want to make everything right. Gusto kong pakasalan si Kissa dahil mahal ko siya at siya lang ang babae para sa akin.” Seryosong sambit niya sa harap ng ama ni Kissa. Nawala ang bagsik sa mukha ni Kristoffer Ventura maging ang asawa nitong si Krista ay nawala din ang pagkakakunot ng noo sa kanya.
“Just make sure na aayusin mo ang gulong iyan Madriaga we want to see Kissa happy after those things that happened to her.”
Kunot-noong napatingin siya kay Kristoffer. “Anong nangyari sa kanya?”
BINABASA MO ANG
Royale Series 7: TEARS OF MINE (COMPLETED)
RomanceTEASER "Kirra." Narinig niyang bulong ni Pierce sa teynga niya habang hinahalikan siya. She bit her lips as she tried to stop her tears from falling at dahan-dahan kinalma ang sarili niya saka marahang itinulak ang binata. Suko na siya...