PASASALAMAT!

158K 2.3K 98
                                    

PASASALAMAT

Nagbalik na ang pasasalamat portion ko. Ang dami kong gustong pasalamatan eh sa dami na ninyo hindi ko na alam kung kanino ako magsisimula. Hindi na ako magmemention ng names dahil hindi ko kayang itype ang lahat ng pangalan dito baka may hindi ako mamention magalit pa sa akin eh. Make peace not war ang motto ko... hahaha... eat foods pala ang motto ko. ALam niyo na kung sinu-sino kayong walang sawang sumuporta sa mga stories ko at sa pakikipagbuno sa time schedule kong hindi consistent.

This book will not be created without you people, your comments makes my day at kapag wala na akong maisip na scenes ay may susulpot nalang sa isip ko na new ideas kapag nagbabasa ako sa mga comments niyo. Natutuwa din ako sa mga mala-detective conan niyong pag-iisip kung ano ang mangyayari sa next chapter. Pati na rin kung paano kayo magalit kay Pierce sa isang chapter na kulang nalang ay wasakin niyo na ang bungo niya kung totoo siyang nag-eexist. Tapos sa next chapter ay napatawad niyo na siya.

SInabayan niyo din akong umiyak sa mga eksenang nakakaiyak, kiligin sa mga

eksenang nakakakilig at magalit, at gutumin ( talagang isinama pa). Kung napapansin niyo mahilig talaga akong kumain at hindi ako sexy sa tunay na buhay, chubby na sexy ako (wag na kayong magreklamo). Marami din akong kapraningan at isa na doon ay ang pangpopower trip.

Kissa and Wade's story will be next na, nakaka-book 8 na tayo guys! Great achievement sa atin iyan... hehehehe. Dahil alam kong pareho tayong napagod sa pag-iyak kaya light naman ang kay Kirra. Rom-Com ika nga nila, hindi pwedeng pagsabayin ang dalawang negative emotions. Masyadong negative ang book na ito kung negative din ang book 8 naku parang electrons lang iyan two negative charge energy na kapag nagsama ay BOOOOM! HEHEhehehe. Below is an excerpt from Kirra's story

Excerpt:

NAPATINGIN si Kirra sa lalaking tumatakbo papunta sa lugar niya mukhang hinahabol yata ito. Umatras siya upang hindi mabangga nito kaso tumigil ang lalaki sa may harap niya at may ibinigay sa kanya. Kunot-noong tiningnan niya ang bagay na nasa mga kamay niya. Wallet? Kaninong wallet naman kaya ito?

"Arestado ka miss." Dalawang pulis ang nasa harap niya.

"Anong arestado? Anong ginawa ko?" takang tanong niya.

"Kasama ka nung magnanakaw." Turo nito sa lalaking nag-iwan sa kanya ng wallet sa kamay niya.

"Hindi ako magnanakaw no!" sigaw niya. "Hindi ko kilala ang lalaking iyon at hindi koi to ninakaw." Ibinigay niya ang wallet sa pulis. "Sa inyo na iyan."

Kaya lang ay mukhang desidido ang mga itong hulihin siya dahil naramdaman niyang may humawak sa magkabilang braso niya. Pinagtitinginan na rin siya ng mga tao doon.

"Sayang maganda pa naman kaya lang ginagamit ang ganda sa pagnanakaw."

"Oo nga."

"Ano ba naman iyan, maganda nga magnanakaw naman."

Namula siya sa mga naririnig na bulong-bulungan pero ang sarap ding tirisin ng mga pulis na ito. At iyong mga taong mapanghusga hindi man lang inalam kung ano ang tunay na nangyari at tulungan sana siya hindi ba.

"Wala akong kasalanan ano ba?" nagpumiglas siya.

"Sa presinto ka na magpaliwanag miss." Anang lalaking may hawak ng kanyang kaliwang kamay. Mas mabuti na siguro kung sumama nalang siya sa mga ito upang hindi na sila pagpyestahan ng mga tsismosang palakang ito.

"Fine, huwag kayong masyadong dumikit sa akin."

Inis na sambit niya sana pala ay hindi na siya umalis sa kanyang hotel suite hindi sana siya haharap sa ganitong klasing gulo.

Royale Series 7: TEARS OF MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon