Chapter Two

162K 2.5K 72
                                    

CHAPTER TWO

           

            SA totoo lang ano baa ng meron sa mga wedding at ang saya ng mga tao? Nakakaasar ha, sa halip na matuwa siya sa nakitang kaswetan ng mag-asawa ay parang naiinis pa siya. Dapat pala ay hindi niya na tinanggap ang maging bridesmaid eh di sana hindi na siya mababagot ng ganito.

            She playfully tilt her wine glass and saw how the ice melted in the liquid. Pwede na bang umuwi? Mukhang hindi pa pwede eh makahanap nga ng pwedeng mapagtripan. Tiningnan niya ang buong paligid niya and saw the bride busy entertaining the guests and the groom who is looking intimately at his bride. Napangisi siya… mukhang hindi na makapaghintay ah.

“Pssst!Linapitan niya si Amber blocking Landon’s view from his wife. Ang sarap talagang mang-asar.

            “Bakit?” takang tanong nito sa kanya.

            “Anong ginawa mo sa asawa mo at ganyan kung makatingin?” pasimpleng tinuro niya ang asawa nitong nakatingin pa rin dito.

            “Wala.” Nagtatakang sagot nito.

            “Anong wala? Kulang nalang ay hubaran ka sa mga tingin niya naku napopollute ang mga utak namin sa mga tingin ng asawa mo sa iyo.” Namumulang hinampas siay nito.

            “Ikaw pa? Matagal ng polluted ang utak mo paano ka ba naging teacher?”

            She just smiled and twirl a strand of her hair using her pointer finger. “Well, polluted man ang utak ko untouched naman ang katawan ko. At saka magaling kaya akong teacher.” Mayabang na saad niya, nakainom na siya  eh.

            “Yeah right pasalamat ka kasal ko ngayon maganda ang mood ko.”

            “Mas gaganda ang mood mo later, sa honeymoon. Susundan niyo na ba agad si Larrence? Mukhang masusundan agad iyon ang asawa mo kasi ay sharp shooter pa naman.” Biro niya dito na naging dahilan kung bakit mas lalo itong namula. Pwede na bang humagalpak sa tawa?

            “Mag tigil ka nga Kissa nakakahiya sa mga makakarinig.” Nahihiyang sita nito sa kanya.

            “Huwag ka ng mahiya sa akin.” May balak pa sana niya itong asarin but she just pinch her kaya napaatras siya. Masakit kaya ang makurot, dahil sa pag-atras niya kaya hindi niya namalayan na may napadaan pala sa may likod niya. Muntik na ng asana silang matumba pero mabuti nalang at naging maagap ang nakasalo sa kanya at napanatili ang kanilang balance.

         “Watch out.” Ani ng lalaki na nakasalo dito.

            Nagmulat siya ng mga mata at ang unang nakita niya ay ang papalayong si Amber and then her eyes landed to the man who caught her. Agad siyang umayos ng tayo and fix herself.

            “Uh-salamat.” Hindi niya matingnan ang lalaking nakasalo sa kanya. “Excuse me--.”

Royale Series 7: TEARS OF MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon