Chapter Nine-B

134K 2.2K 147
                                    

Chapter Nine-B

            PUMASOK siya sa kusina upang ayusin ang mga kalat niya pero malinis na ang mga iyon at ang nakita nalang niya ay kinakain na ni Albie ang mga bagong lutong cookies na marahil kinuha nito sa oven.

            Nagkibit-balikat siya at saka bumuntong-hininga. Magkapatid nga ang dalawang ito magkaugali eh.

            “Ate, walang kupas pa rin ang mga cookies mo.”

            “Bakit ka ba talaga umuwi sa Pilipinas Albie?” tanong niya, she wants to fish sa information.

            Hindi ito tumigil sa pagkain pero nakatingin na sa kanya. “Mas gusto ko ang Pilipinas kasi nandito ka at si Pierce.”

            “Tawagin mong kuya si Pierce kapatid mo siya for pete’s sake.”

            “Sa iyo nalang ako titira.”

            “Dito ako nakatira.”

            “Pwede kang bumukod kay kuya sasama ako sa iyo.” Nasapo niya ang kanyang ulo kung anu-ano nalang kasi ang pumapasok sa isip nito. “Mas masaya ako sa iyo.”

            “Alam mo bakit hindi ka nalang makig-ayos sa kuya mo? He is not that bad.” Sumimangot ito sa kanya.

            “Ninakaw niya ang cookies ko.”

            “Hindi naman sapat iyon para masabihan mo na pangit ang ugali ng kapatid mo. Why don’t you give it a try?”

            Tumitig ito sa kanya, “Gaya ng pagtatry mo na maging asawa sa kanya?”

            Ngumiti siya at lumingon sa pinanggalingan ni Pierce ng makasiguro siyang hindi pa ito nakababa ay nagsalita na siya, “I am not trying Albie. I am doing my best to be a good wife to him baka sakaling marealize niyang sapat na ako sa kanya.”

            “Martyr.”

            “Kapag nagmahal ka na I swear mas malala pa ang gagawin mo keysa ginagawa ko ngayon. When you fall in love I hope hindi ka masasaktan gaya ng nararamdaman ko. I am hurt, hoping and barely breathing but I still have hope, hope na sana dumating ang oras na ako naman. Ako naman ang makita niya at hindi ang kakambal ko.”

Royale Series 7: TEARS OF MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon