CHAPTER FIVE
NAPABUNTONG hininga si Kissa ng mapansin ang oras sa digital clock na nasa table niya pasado alas dos na kasi ng madaling araw. Dito na nga nakatulog si Pierce at talagang hindi umalis at hindi tumigil sa pangungulit sa kanya hangga’t hindi siya kumakain. And she did eat upang manahimik lang ito. Ngayong natapos na ang trabaho niya ay gusto niyang matulog at ng may energy naman siya bukas.
Tinawag niya ito upang magising. “Pierce.” Pukaw niya dito. “Pierce wake up.” Marahan niyang tinapik ang pisngi nito kaya nabigyan siya ng pagkakataon na masilayan ang mukha ito.
Napalunok siya hindi nga maikakapagkaila na gwapo nga ito… while looking at him ay biglang may pumitik na kung ano sa ulo niya. Nagdilim ang kanyang paningin pero alam niyang hindi siya mahihimatay… sumasakit ang kanyang ulo at nanlalabo ang kanyang mga paningin.
Ang sakit! Sobrang sakit! Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niyang sakit dahil hindi lang ulo ang sumasakit ng mga oras na iyon. Pati na rin ang likod niya, gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa. Parang may nakabusal sa kanyang bibig at nakagapos ang kanyang ulo.
Tulong!!! Narinig niya ang maliit na boses na iyon sa loob ng ulo niya.
“Kissa! Kissa!” tawag ng boses na iyon. She opened her eyes and saw Pierce looking at her with worries on his face. “Are you okay?” hinaplos nito ang noo niya na basang-basa ng pawis. Sunod-sunod ang ginawa niyang paghinga. What the hell happened? “Hey.”
“A-I’m okay.” Aniya at humakbang papalayo dito.
Nakakatakot ang pakiramdam na iyon, para siyang nakakulong at nakagapos habang may pumupukpok sa ulo niya. It feels so surreal and it scares her.
“Are you sure?” tumango siya.
“I need to go now umuwi ka na rin.” Magkarugtong ang mga kilay nito habang nakatitig sa kanya. “I am not Kirra please get over it.” she said sighing. “Mauna na ako.”
Napahawak siyang muli sa kanyang ulo dahil biglang sumakit na naman iyon at pakiramdam niya ay mabibiyak na talaga sa sobrang sakit. She pressed her head to the wall as she tried many ways to ease it. Bakit ba sobrang sakit? Not so clear images and scenes suddenly strikes her making her fell into the ground and totally black out.
BINABASA MO ANG
Royale Series 7: TEARS OF MINE (COMPLETED)
Roman d'amourTEASER "Kirra." Narinig niyang bulong ni Pierce sa teynga niya habang hinahalikan siya. She bit her lips as she tried to stop her tears from falling at dahan-dahan kinalma ang sarili niya saka marahang itinulak ang binata. Suko na siya...